WALA sa sariling umupo si Nathan sa sofa nang marating niya ang condo unit na tinitirhan. Sapo niya ang labi na kanina lang ay nakalapat sa labi ni Abella. Hindi niya maalis sa isip ang nangyaring iyon.
"Damn! I've missed her lips, the taste of it," mahinang sabi niya.
Binasa niya nang laway ang sariling labi para muling namnamin ang nangyari kanina lang. Kung siya lang ang masusunod, ayaw na sana niyang tapusin ang tagpong iyon. Nagulat man siya sa mga nagawa rito, pero alam niya sa sarili na iyon ang binubulong ng puso't isipan niya.
Tumayo siya sa pagkakaupo sa sofa. Sinumulan niyang hubarin ang suot na polo. Nang mahubad niya iyon, walang pasubaling itinapon niya iyon sa sofa. Nalantad ang katawan niya.
Naglakad siya patungo sa bathroom. Hinubad na niya ang pang-ibabang suot bago tuluyang pumasok doon. Agad niyang binuhay ang shower at itinapat doon ang katawan. Si Abella pa rin ang nasa isip niya at ang halik na pinagsaluhan nila.
Pagkatapos niyang maligo, binalot niya ang katawan ng tuwalya at dumeretso sa sariling silid at doon nagbihis ng damit. Kumalam ang sikmura niya kaya naisipan niyang magluto ng noodles. Lumabas siya ng kwarto at sa hindi inaasahan, nakita niya si Irene na nakaupo sa sofa na tila kakarating lang.
"Ano'ng ginagawa mo rito, 'Ma?" hindi interesadong tanong niya. Hindi naman siya bastos kaya hindi niya ito iniwanan roon. Umupo siya sa bakanteng sofa.
"Nathan, are you blind? Bakit pinagpapatuloy mo pa rin ang pakikipagmabutihan sa Abella-ng iyon? She's not the right girl for you. She's nothing but a worthless woman. Walang ipagmamalaki," asik agad nito sa kaniya.
Nasapo niya ang noo. Hanggang ngayon hindi pa rin naiintindihan ng kaniya ina ang dahilan niya.
"There's a lot of women that suit for you, Nathan. Melaine is here. She's from the known family. Kilala at may class."
"'Ma, if you just here to tell me those nonsense things, just leave," malumanay pa rin niyang tugon sa ina.
"Hindi mo ba naiintindihan, Nathan? Walang maitutulong sa atin ang pamilya ng Abella na iyon. She was left you behind for the sake of money. Once a gold digger always a gold digger, Nathan."
Halos magpantig ang tainga ni Nathan sa narinig mula sa ina. Sa nakikita niya rito, hindi na ito ang inag kilala niya noon. Nagbago na ito at sarili na lang ang iniisip.
"Pareho nating alam kung bakit ako iniwan ni Nathan, 'Ma. It was because of you. Because your selfishness. Don't blame her for your own lies, 'Ma. She's not a gold digger and you know that, 'Ma," inis niyang pagtatanggol sa dalaga. Nasasaktan siya para rito lalo na't sa sariling ina niya nanggagaling ang mga iyon.
"Tuluyan ka na ngang nabulag ng babaeng iyon. Kung sa bagay, hindi na ako magtataka because that is her talent," patuloy nito sa pang-iinsulto kay Abella.
"Hindi na kita kilala 'Ma. You're not the mom I've know. I'm very disappointed, 'Ma."
Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata ni Irene. Natigilan ito.
"I am your son but it seems like you don't want me to be happy. Mahirap bang tanggapin na iba ang babaeng gusto ko sa babaeng gusto niyo para sa akin. 'Ma, I'm not a kid anymore I am matured enough to decide for myself. Kung sino ang mga taong papapasukin ko sa buhay ko. Bakit kailangan niyo pang pakialamanan pati ang mga bagay na ako dapat ang nagdedesisyon." Tumayo si Nathan sa sofa at bumuntong-hininga. Hindi niya gustong taasan ng boses ang ina pero hindi kiya mapigilan ang sarili.
"It's because I'm concern, Nathan. I am your mother at gusto ko lang mapunta ka sa babaeng nababagay sa 'yo." Nagsusumamo ang mga mata nito.
"And who will decide if someone suit to me? You? Ako lang naman ang makakapagsabi kung sino ang nababagay sa akin, 'Ma. Ako lang."
BINABASA MO ANG
A Man in Her Past [Published Under IMMAC]
RomancePilit kinalimutan ni Abella ang masaklap na kinahantungan ng nakaraan niyang pag-ibig na akala niya'y road to forever na, ngunit nagkamali siya dahil siya mismo ang pumutol sa inakala niyang forever na iyon. Hindi niya 'yon gusto pero iyon ang hinih...