Chapter 7

574 23 1
                                    

"HEY, bro are you okay?" pukaw ni Koki kay Nathan nang mapansin nitong nakatingin lang siya sa kawalan. Walang kurap.

Humarap siya rito at pilit na ngumiti. "Yah, I'm okay," sagot niya para hindi na ito mag-usisa sa kung anong iniisip niya. Wala siya sa mood para magkwento rito.

"You're still thinking Abella? Bro, c'mon don't think too much baka pumutok na ang mga brain cells mo niyan. Okay na kayong dalawa kaya huwag ka nang mag-alala," natatawang anito. "O baka naman you just miss her that's why you're out of this world," patuloy nito sa pambubuska.

Walang ganang ngumiti siya. "Bro, I didn't miss her I just thinking some matters," paliwanag niya.

You didn't miss her, huh? tudyo ng isip niya na hindi na lang niya pinansin.

"Really? I can't believe, bro ngayong pang okay na kayo?"

"Pareho na kaming naka-move on. We're just friends," patuloy niya.

"That's the beginning, believe me, bro," natatawang anito. "Diyan din kayo nagsimula dati, eh."

"Well, let's see," aniya na lang at kumibit-balikat pa. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapang alam na niya ang punta.

Tumayo ito sa pagkakaupo sa swivel chair habang tumatawa. Nagsimula na rin itong ayusin ang mga gamit sa ibabaw ng lamesa nito. "My instinct never fail." Humarap ito sa kaniya. Seryoso na ang mukha. "I'll go, Nathan ikaw na muna ang bahala rito. I'll be back around five pm," paalam na nito.

Ngumiti lang siya rito at tumango. Naiwan siyang pailing-iling dahil sa naging usapan nila ni Koki. Naniniwala pa rin ito na may part two ang pagmamahalan nila ni Abella.

Pero sa 'di malamang dahilan tila na-excite siya sa mga mangyayari sa kanila ni Abella. Hindi niya mawari pero hindi niya tinututulan ang posibilidad na magkaroon ng ikalawang bahagi ang pagmamahalan nila.

Natahimik siya at napatulala nang bumalik muli sa isip niya ang kaninang iniisip. Lahat ng mga narinig niya kay Abella nang nagdaang araw ay hindi na maalis sa isip niya. May bahaging nagsasabing dapat niyang sundin ang mga iyon at may bahaging tumututol roon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ang alam lang niya naapektuhan ang damdamin niya sa mga sinabi ni Abella tungkol sa pagpapatawad at pagmamahal sa isang ama.

Ilang minuto pa siyang nag-isip bago nagpasiyang lumabas ng opisina ni Koki para magtrabaho. Kailangan niya munag libangin ang sarili para hindi isipin ang gumugulo sa kaniyang isip.

Dahil sa dumadagsang customers, natuon doon ang atensyon niya at napayapa ang kaniyang isipan.

"NATHAN ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Abella nang madatnan niya si Nathan sa labas ng restaurant na pinagtatrabahuhan niya. Nakasandal ito sa kotse niya habang nakahalukipkip.

Lumayo ito sa kotse at humakbang palapit sa kaniya. "I'm here to treat you some coffe kung papayag ka?" Ngumuso pa ito at luminga sa paligid na tila may hinahanap. "But if you don't want, it's okay," dagdag pa nito.

Nag-isip siya. "Sure," pagpayag niya. Medyo lumalamig na rin kasi ang simoy ng hangin at mukhang masarap ring mag-coffee.

Lumapad ang ngiti ni Nathan. "Then let's go," aya nito.

Nagulat siya sa sumunod na aksyon ni Nathan. Hindi agad siya nakahuma sa ginawa nito. Hinawakan nito ang braso niya at marahan siyang hinila palapit sa kotseng nakaparada.

Pinagbuksan siya nito ng pinto na tila hindi alintana ang ginawa. Kapagkuwa'y natigilan si Nathan nang mapansin ang ginawa. Mabilis nitong binitawan ang braso niya at umiwas nang tingin. Ibinulsa nito ang mga kamay. Naiilang na ngumiti.

A Man in Her Past [Published Under IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon