Chapter 15

503 9 0
                                    

PAGKATAPOS ng naging tagpo ni Abella at Nathan nang nagdaang gabi, halos maubos ang luha niya dahil sa kakaiyak. Hindi niya matanggap na nangyari iyon. At naniniwalang panaginip lang ang lahat at gigising rin siya na si Nathan ang bubungad sa kaniya.

"Hindi ko maintindihan ang Nathan na 'yan. Noong nakaraan lamang ay todo habol siya sa 'yo tapos ngayon sasabihin niyang wala na siyang nararamdaman sa iyo? Oh my god! Ano bang trip niya?" nanggigigil na saad ni Julio matapos niyang magkwento rito. Nakapamaywang pa ito na halata ang galit sa mukha dahil sa nalaman nito mula sa kaniya.

"Hindi ko rin maintindihan, Jennifer. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Parang gusto kong paniwalaan lahat ng mga sinabi niya pero umaasa pa rin ako na nagsisinungalin lang siya." Nasaktan man siya pero hindi iyon sapat para sumuko siya.

"My god, Abella! Huwag mong sabihing hahabulin mo pa rin ang mokong na 'yon. Pagkatapos ng ginawa niya, pagkatapos ka niyang saktan. Balak mo pa talagang makisama sa grupo ng mga martyr. Nababaliw ka na ba? Hindi pa ba sapat sa 'yo ang sakit na dinulot niya? Hindi mo siya deserve, Abella," sermon agad nito. Napahimas pa ito sa ulo indikasyon na galit na ito. Tinawag na rin siya nito sa kaniyang pangalan.

Yumuko siya. Nababaliw na nga marahil siya pero wala siyang pakialam. Martyr man siya sa paningin ni Julio o ninuman, wala siyang pakialam. Basta hindi siya susuko hanggat may pinanghahawakan siyang pagmamahal para rito.

"A-alam ko nasaktan niya ako, Jennifer pero sa kabila niyon alam kong mahal pa rin niya ako. Nararamdaman ko iyon."

"Abella, gumising ka nga! Sinampal na niya sa 'yo ang katotohanan. Hindi mo pa ba paniniwalaan iyon, sa kaniya na mismo nanggaling."

"Kahit na, Jennifer. Pakiramdam ko, iba ang sinasabi niya sa nararamdaman niya. Nararamdaman kong parang may mali. May hindi tama," pilit niya sa kaibigan kahit alam niyang hindi na siya nito papakinggan.

"Talagang may mali, Abella. At alam mo kung ano 'yon? Mali na ipagpilitan mo ang sarili mo sa sa taong itinataboy ka na. Mali, Abella, maling-mali. Nakakaloka!" Bumuntong hininga ito, saka saglit na pumikit. Mapinlantik pa ang mga kamay nito na hinimas ang sintido.

"Malakas ang kutob kong may mali. May nangyayaring hindi ko alam...dahil hindi si Nathan ang klase ng tao na basta-basta na lang susuko." Alam niyang kahit ano'ng sabihin ni Julio sa kaniya hindi pa rin niyon mababago ang isip niya.

Lalong puminta ang inis sa mukha ni Julio. "People change, Abella alam mo 'yan." Nakapamaywang ito na halos mamula na ang pisngi dahil sa inis.

Nagsusumamong tiningnan niya ito. "Alam ko 'yon, Jennifer pero hindi si Nathan. Dahil alam kong hindi nagbago ang nararamdaman niya sa akin dahil nararamdaman ko iyon. Alam ko!" malungkot niyang tugon. "May mali lang talaga. May hindi ako maintindihan. Hindi ako naniniwala na sa loob lamang ng mahigit isang linggo, nawala na agad ang nararamdaman niya sa akin." Kunot-noo niyang sabi.

"Ano'ng hindi mo maintindihan doon, Abella? Dahil akong intinding-intindi ko na itinataboy ka na ni Nathan palayo sa kaniya." Lumapit si Julio sa kaniya at pabagsak na umupo sa tabi niya.

Humarap siya rito. "Kahapon pinuntahan ako ni Tita Irene sa restaurant, pinipilit niya akong tigilan na ang pagsunod sa anak niya. May sinabi pa siya sa huli..." Pilit niya iyong inalala. "Sabi niya, alam ko raw ang kaya niyang gawin paghiwalayin lang kami ni Nathan. Hindi ba't kaduda-duda iyon?" pagtatapat niya rito.

"So, sinasabi mo bang may kinalaman ang Irene na iyon sa naging pagbabago ni Nathan?" tila nag-iisip din na tanong ni Julio.

Tumango si Abella. Wala siyang ibang maisip na dahilan kung bakit bigla na lang naging ganoon si Nathan maliban kay Irene. Alam na niya ang takbo ng utak nito. "Kung talagang totoo ang mga sinabi ni Nathan sa akin, bakit kailangan pa akong puntahan ni Tita Irene at sabihing tigilan na ang anak niya?" tanong niya rito. Malaking palaisipan iyon sa kaniya.

A Man in Her Past [Published Under IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon