Chapter 6

737 20 2
                                    

SA MGA nangyari lalo lamang bumibigat ang nararamdaman ni Abella. Naiipit siya sa sitwasyon. May parteng gusto niyang ayusin ang lahat at may parteng nangunguna ang sakit. Hindi niya alam ang gagawin. Naguguluhan siya.

Forgiveness is the only key to the cage of anger and pain you made for yourself,  Abella.

Bumuga siya nang hangin ng maalala ang mga sinabi ni Julio sa kaniya. Tama naman ito pero parang muling sumariwa ang lahat ng sakit. Parang mahihirapan siyang i-let go ang mga iyon. Pero alam niyang Nathan deserve second chance dahil nasaktan din niya ito. At ngayong alam na nito ang totoo at humihingi ng tawad, marahil deserve nga niya iyon.

Napasigaw si Abella nang maramdamang may humila sa kaniya patungo sa di niya alam na bahagi ng kalsada. Hindi niya ito makilala dahil naka-mask ito.

"S-sino ka? Bitawan mo ako," singhal niya nang huminto ito sa medyo madilim na bahagi ng kalsada. Sinubukan niyang hilahin ang kamay para mabawi iyon pero hindi nito iyon hinayaan.

"Ano ba? Nasasaktan ako. Ano bang kailangan mo?" Kinakabahan na siya sa maaaring mangyari.

"Abella, please mag-usap tayo."

Tinanggal nito ang mask. Nahirapan pa siyang makilala ito dahil bahagyang madilim ang lugar pero dahil sa boses at amoy nito nakilala niya kung sino ang lalaki.

"Wala na tayong pag-uusapan, Nathan magkakasakitan lang tayo," seryoso niyang sabi. "Bitawan mo na ako."

Binitawan nito ang kamay niya. "Hindi tayo magkakasakitan kung pareho nating bibigyan ng chance ang isa't isa. Abella, I'm really sorry. I'm really really sorry for what I've done to you. Alam kong kasalanan ko, tanggap ko 'yon pero sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon. Pinagsisisihan ko lahat ng kasalanan ko."

Naalala na naman niya lahat ng payo ni Julio na nagpapakalma sa kaniya ngayon.

"Nathan hindi madaling kalimutan 'yong sakit sa pagkatao ko. Hindi ganoon kadaling gamutin. Mahirap," pagtatapat niya sa malungkot na boses.

"I know just a chance, Abella. Gusto kong bumawi sa lahat ng nagawa ko. I want to heal your pain, Abella."

Tumingin siya rito. "Paano mo gagamutin ang sakit, Nathan kung ikaw mismo ang nagpapa-trigger sa sakit na mayroon ako."

"I don't know how, Abella but I'm willing to bet. Handa akong tumaya para lang magamot ang sakit na ginawa ko," sensirong anito. Halos nagmakaawa na.

"Hindi ako marunong sumugal, Nathan. Hindi ko alam kung ano'ng makakagamot sa sakit na dinulot mo."

"Forgiveness, Abella. Hindi ko sinasabing patawarin mo na ako dahil alam kung hindi madali. But the medicine for the pain is forgiveness and I'm willing to wait untill you can take that medicine."

Hindi siya nakaimik. Pinagdikit niya ang mga kamay at pinaglaruan ang bawat isa. Tama lahat ng sinabi ni Julio, Nathan deserve second chance pero hindi ko alam kung paano iyon ibibigay.

Nakapag-isip na si Abella. Naisip na niya ang sitwasyon, naging unfair siya kay Nathan na animo'y wala siyang nagawang kasalanan. Hindi niya ito inintindi, ang sitwasyon nila noon. But the pain is still there.

Huminga siya ng malalim. "Alam kong may kasalanan din ako sa nangyari noon. Kung hindi ako nakipagkita sa Mommy mo hindi mo sana iisiping pinagbili ko ang pagmamahal ko sa 'yo. Kasalanan ko kung bakit lalo kang nagalit sa akin, nasaktan kita. Sinubukan kong linisin ang pagkatao ko sa 'yo pero hindi mo ako pinaniwalaan. Sinaktan mo ang pagkatao ko. Masakit iyon, Nathan...mas masakit pa sa pakikipaghiwalay ko sa 'yo," malungkot niyang litanya at naalala ang lahat na parang kahapon lang iyon nangyari.

A Man in Her Past [Published Under IMMAC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon