--Chapter 4 --First Struggle--
“Good morning, baby.” Marigold heard Rodney greeted her while caressing her back. Nakahilig ang kanyang ulo sa matipunong dibdib ng katipan habang ang kalahati ng kanyang katawan ay nakadantay sa binata.
“Good morning,” she sofltly replied, slowly opening her eyes and sweetly smiled.
Magmula nang yayain siya nitong umalis noon sa kanilang bahay para mag-date ay hindi na siya muli pang umuwi. Rodney convinced her to run away from her evil father. Evil, yes. Rodney told he that he just want to keep her safe. Matatahimik lang daw ang nobyo kung kasama siya nito palagi. And he asked her to trust him in this situation. Lalo na’t patuloy pa rin ang imbestigasyon sa ama at hindi nila alam kung ano ang masamang binabalak nito para lang hindi mahuli ng batas. She said yes. That’s why they’re here together. Magdadalawang linggo na silang nagsasama sa maliit na apartment na inupahan ni Rodney para makapagsimula silang mamuhay nang magkasama, malayo sa kani-kanilang pamilya.
Alam niyang ipinapahanap na ng kanyang ama kung saan sila naroroon. Gustuhin man niya itong tawagan o kahit man lang ang Kuya niya ay hindi niya magawa. Iniiwas niya ang sarili sa kahit na anong posibilidad na matunton sila, lalo na’t hindi naman sila lumayo at lumipat lang sila sa kabilang bayan.
“Pwede ba tayong pumunta ng Taysan?”
Napabangon si Rodney sa kanyang tanong. Nalaglag ang puting kumot na nakatakip sa katawan nito at nahantad ang kahubaran ng binata. Hanggang ngayon ay parang panaginip pa rin ang lahat. Noong una ay nobya lang siya nito. Ngayon naman ay itinuturing na siyang asawa at masaya na silang nagsasama.
“Ako na lang ang pupunta doon. Balak mo bang tawagan si Alex?”
Tumango siya. Inaasahan na niyang hindi ito papayag pero nagbaka sakali siya. At alam niyang kapakanan lamang niya ang iniisip nito. Kapag may nakakita sa kanya na maaring magsuplong sa kanyang pamilya ay tiyak na babawiin siya ng mga ito mula kay Rodney.
“I know you’re worried,” he whispered and reached for her.
Bumangon naman siya at yumakap sa bisig nito, hila-hila ang kumot na nagkukubli ng kanyang kahubaran sa ilalim nito. Nag-aalala siyang talaga. Subalit kung ang kapalit naman ng pagbalik niya sa kanyang pamilya ay ang paghihiwalay nila ng kanyang nobyo ay huwag na lang.
“Makikipagkita ako kay Alex, kung gusto mo.”
Napaangat ang ulo niya dito upang tingnan ang mga mata nito. Nasisiguro niyang handa itong gawin ni Rodney pero natatakot siyang may masamang mangyari rito.
He told her many things about her father. Things that were kept out of her knowledge. Mga bagay na kapag nalaman niya ay tiyak na makakapagpabago ng tingin niya sa sariling ama. Tulad ngayon.
Tuso raw ang kanyang Daddy. Sakim sa kapangyarihan at mapagmataas. Wala raw itong awang basta nalang nagpapapatay ng tao kapag wala na itong silbi. Lalo na kung tinraydor ito o ‘di kaya’y may sinabing masama ukol dito, ang ama raw niya mismo ang bumubugbog at bumabaril. Nakapagpatibay ng kaniyang paniniwalang nagsasabi ng totoo ang binata nang maalala niyang minsang umuwi ang ama at nakita niyang may sugat ang kamao nito at may mga talsik ng dugo sa damit.
Kitang-kita ni Gold ang paglukot ng mukha ni Rodney nang ilahad niya ang eksenang iyon. At nang tanungin niya ito kung may alam ito tungkol doon, isang marahang tango ang isinagot nito, ngunit nagpumilit siyang alamin ang totoo. Kinuwento ni Rodney ang lahat mula sa umpisa at nalaman niyang isa pala sa napaslang ng kanyang ama ang Tito Rodel ng nobyo, kapatid ng Daddy nito. At nakikiusap daw ang pinsan nitong tumestigo laban sa alkaldeng ama.
Hindi mapigilan ni Gold na maluha nang marinig noon iyon. Kahit gaano pa ka-sama ang Daddy niya, Daddy niya pa rin ito. At kung sakali man, parang hindi niya kayang sikmurain na si Rodney pa mismo ang magiging daan para makulong ang ama niya. Mas matatanggap pa niyang ibang tao nalang. H’wag lang si Rodney.
BINABASA MO ANG
Fill Me In - PUBLISHED under RedRoom
General FictionPAG-IBIG. PANLILINLANG. GALIT. MATINDING PAGNANASA. Sino'ng dapat na piliin? Ano'ng damdamin ang dapat sundin? (Warning: Mature content)