WARNING: This chapter contains mature content. Thank you.
--Chapter 12 –Second Best--
Amazed. ‘Yan ang unang naramdaman ni Marigold pagkatapak na pagkatapak pa lamang niya sa Manggahan Resort. Napakaganda ng lugar na napalilibutan ng humigit-kumulang na mga apatnapung matatayog at malalabong na puno ng mangga.
Pagkababa niya ng kotse ay hindi na niya pinansin pa si Martin at agad na niyang nilibot ang resort. At habang dinadala siya ng kanyang mga paa sa gitnang bahagi nito ay lumapad lalo ang kanyang pagkakangiti dahil maging ang malaking swimming pool dito ay hugis-mangga.
Gawa rin sa kawayan ang mga cottages at may mga treehouses. May mga swing na gawa sa kahoy, maging ang dalawang mini bar sa magkabilang sulok ay maganda rin ang pagkakadisenyo ng kawayan. This place is native and classy, combined. Halatang pinag-isipan ang bawat detalye.
“Nakalimutan mo nang may kasama ka.”
Napakislot siya nang bumulong sa kanya si Martin. Hinampas niya ito agad sa braso. “Papatayin mo ba ‘ko sa nerbiyos?” asik niya.
“Magseselos na ba ko sa Manggahan?” anito na ikinakunot ng noo niya. “Kasi kanina lang ako ang nagpapangiti sa’yo, ngayon itong resort na. Tapos nagagalit ka pa sa akin kasi inistorbo kita sa pagmumuni-muni mo.”
“Alam mo, hindi bagay sa’yo. Ang laki-laki mong tao, napaka-isip bata mo.” Naupo siya sa may mini bar at sinundan naman siya ng binata.
“Ayaw mo?”
“Na ano?”
“Wala. Nasa may munisipyo daw ang mga doktor, doon ginaganap ang conference. Dito lang sila tumutuloy,” pagbibigay-alam nito sa kanya.
“Hindi ko naman siya hinahanap ah? ‘Diba si Robert ang ipinunta natin dito?”
“Rupert, hindi Robert. Oo, siya sana. Kaso bigla ka na lang umalis nu’ng sasalubungin niya tayo.”
Natawa siya. “Sorry, ‘kamo. Nasaan siya?” Nagpalinga-linga siya sa paligid.
“Umalis. Sa atin ibinilin ang resort. Okay lang ba kung magtagal tayo ng kaunti? Tamang-tama kasi ang dating natin eh, manganganak na si Bemini, ‘yung asawa niya.”
“’Yan nga sana ang sasabihin ko sa’yo. Gusto kong magtagal dito kahit na mga isang buwan lang, kung pwede.”
“Pwede!” natutuwang sabi nito. “Marami kang pwedeng gawin dito, kaya siguradong hindi ka maiinip! Kaya lang may problema tayo.”
Her eyebrows furrowed. “Ano?”
“Walang bakanteng kwarto.”
“Style mo,” sabi na niya. Pwede ba ‘yun? Ang laki-laki nitong resort na ito tapos walang bakante? Hindi rin naman peak season.
“May conference nga ‘diba. Ilan bang doktor ang ineexpect mong makita rito? Anim? Sampu?” Kumuha ito ng dalawang beer sa cooler saka inabot sa kanya ang isa. “Twenty-eight sila, Gold. At sixteen lang ang available rooms dito na maaaring tulugan.”
“Eh, saan tayo matutulog?”
Napangiti ito nang maluwang sa kanyang tanong. Nagtatakang napataas naman ang kanyang kilay. May nasabi ba siyang mali?
“Saan tayo matutulog?” nakangising pag-uulit nito. “Nagsisimula ko nang mahalin ang salita tayo, ah.” Bahagya nitong inilapit ang mukha sa kanya. “Lalo na kung sa bibig mo nanggagaling.”
BINABASA MO ANG
Fill Me In - PUBLISHED under RedRoom
General FictionPAG-IBIG. PANLILINLANG. GALIT. MATINDING PAGNANASA. Sino'ng dapat na piliin? Ano'ng damdamin ang dapat sundin? (Warning: Mature content)