SECOND FAILURE
Laglag ang balikat niya nang lumabas ng klinika ng isang doktor na nagngangalang Rodney Santos. Napatungo siya nang makitang agad na tumayo si Martin mula sa pagkakaupo at paghihintay sa kanya.
“Ano’ng nangyari?”
His voice was soothing and full of concern. She bitterly smiled. Ano na lang ang gagawin niya kung wala ang binata sa kanyang tabi?
“Sa kotse na tayo mag-usap,” ang tanging naisagot niya. Nagpatangay siya rito nang alalayan siya palabas ng gusali. Hindi niya maiwasang manghina. Kung meron mang siyang pagkabigong naranasan sa buong buhay niya, ito na siguro ang pinakamasakit.
“Pwede mo na bang sabihin?” Frustration was written on his face.
“Wala siya diyan, nasa Nueva Ecija raw, may conference,” matamlay niyang tugon.
“Bataan lang ito, Gold. Kung problemahin mo ‘yan, parang nasa dulo ng Pilipinas ang Nueve Ecija. Mga limang oras siguro nandoon na tayo kaya pumasok na sa kotse para makaalis na tayo.” Tinapik siya nito sa balikat saka nagtungo sa driver’s seat samantalang nanatili siyang nakahilig sa hood ng kotse at hindi kumilos.
Bumalik ito sa tapat niya at akmang magsasalita ngunit inunahan na niya.
“Iba siya,” umpisa niya. “’Yung mukha niya iba. Pero may pakiramdam akong siya ito. Ewan ko, naguguluhan ako.” Naiinis na sabi niya sabay abot ng larawang nakuha niya sa opisina ng pinuntahan nilang Rodney.
“Paanong magiging siya ‘to? Ano ‘yun, nagpaplastic surgery siya, ganu’n?” naguguluhan ding tanong ni Martin.
“Exactly. Her secretary told me that he undergone surgery when he met an accident many years ago. Halos wasak daw kasi ang bungo nito at hindi makilala.”
Bakas na bakas ang pagkabigla sa mukha ni Martin at parang gusto niyang kabahan. May alam ba itong hindi niya nalalaman?
“Wala siyang litrato bago ang aksidente?”
“Wala. At hindi rin daw alam nung babae ‘yung itsura ni Rodney bago ito maaksidente.”
“Gold, may kailangan kang malaman,” may pag-aalinglangang wika nito saka tumabi sa kanya sa pagkakaupo sa unahan ng sasakyan. “Dapat noon ko pa ito sinabi. Kaya lang kasi…”
“Sabihin mo na,” naiinip na sabi naman niya. Ang dami pa kasi nitong ligoy-ligoy. Alam niyang ikabibigla niya ang anumang sasabihin nito kaya pinuno na niya ng hangin ang kanyang dibdib at humarap dito.
“Pwedeng tama ang hinala mong ang doktor na ‘yan ay ang Rodney na hinahanap natin.” He looks at her intently. “Naaksidente sila ng Daddy niya.”
“Ano?” Napatayo siya bigla.
“Ang Daddy mo, pinaulanan ng bala ang bahay ng mga Santos para takutin at itaboy palayo ng Taysan. Maswerte pa rin sila dahil hindi magawa ni Sir Lino na patayin na lang ang mag-ama kahit na napakadali lang nu’n para sa kanya. Tumakas sila Rodney at naaksidente sa may tulay bago pumasok ng Rosario ang sinasakyan nilang kotse.”
“Paano ka nakakasigurong aksidente nga at hindi ito kagagawan ng Daddy?” naghihinalang tanong niya.
“Alam ko, dahil kitang-kita ng mata ko ang pagkahulog ng kotse nila sa malalalim na bangin nang mawalan ito ng kontrol at tumalon sa patay na ilog.”
Tiningnan niya ng mataman ang binata. Bakit hindi man lang nito sinabi sa kanya? Paano pala kung patay na ito?
“Nangyari ‘yun noong araw na ipinabibigay mo sa kanya ang sulat mo. Papasok ako ng Taysan nang masaksihan ko ang aksidente. ‘Yun din ang dahilan kung bakit nagawa kitang linlangin. Hindi ako sigurado noon kung anong kinahinatnan ng mag-ama. Sumabog rin kasi ang kotse ilang sandali pagkatapos ng aksidente.”
BINABASA MO ANG
Fill Me In - PUBLISHED under RedRoom
General FictionPAG-IBIG. PANLILINLANG. GALIT. MATINDING PAGNANASA. Sino'ng dapat na piliin? Ano'ng damdamin ang dapat sundin? (Warning: Mature content)