Chapter 5 --First Love-- Part 2

10.5K 151 4
                                    

PART 2

“H’wag kang mabibigla,” babala nito saka muli siyang niyakap.

“Ano ‘yun?” Rinig na rinig niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

“Ang Kuya mo. Wala na siya.”

Kung ilang minuto siyang natigilan sa narinig, hindi niya alam. Basta na lang niyang naramdaman ang walang buhay na pagkalaglag ng kanyang kamay mula sa pagkakayapos sa nobyo.

“Gold,” masuyong tawag sa kanya ni Rodney.  Humiwalay ito nang bahagya sa pagkakayakap  kanya at hinaplos ang kanyang mukha.

“Ano’ng ginawa niyo sa Kuya ko?” sambit niya kasunod ang pagragasa ng luha sa kanyang mata. She saw a hint of hurt in his soulful eyes.

“Gold!” he muttered in a pained expression.

Inilayo niya ang kanyang sarili sa binata. “Alam ko na ang lahat. Sinabi na sa akin ni Daddy!”

Napatayo ito at gulat na gulat. “Totoo palang nag-usap na kayo? Bakit hindi mo man lang sinabing nagpunta dito si Tito Lino?” Napahilamos pa ito ng mukha at sunod na sunod ang naging pagbuntong-hininga. “Panatag ang loob kong iwanan ka rito, ‘tapos ngayon, alam na pala niya kung nasaan ka,” pagpapatuloy nito.

“Ano bang sinasabi mo? Ano’ng ginawa ninyo sa Kuya ko?” She stood up and hit his arm.

“Kami? You should have trusted me, Gold. Sana sinabi mo sa akin na alam na ni Tito Lino kung saan ka pupuntahan para hindi ko na pinapunta si Alex dito.”

“Rod, h’wag mo nang paguluhin pa ang isip ko. Hindi kita maintindihan.” She helplessly hugged herself and cried harder. Alex just died, or just have been killed. She blew out her lungs and shot him an accusing glare.

“Nagkita kami kahapon ni Alex.”

“At kinidnap niyo siya?”

“Hindi! Gold, hindi! Makinig ka muna. Pinuntahan ko siya kahapon dahil iyon ang gusto mo. Pero nagulat ako nang sabihin niyang gusto niyang magpatulong sa akin para takasan ang Daddy niyo,” mabilis na paliwanag nito bago pa siya muling magsalita. “Akala ko noong una, niloloko lang niya ako para matunton ka ni Tito Lino pero napatunayan kong totoo ang sinabi niya nang makita ko ang tauhan ng Daddy niyo na humahabol sa kanya.

“Takot na takot si Alex, Gold. Tinatawagan daw niya ako para balaan, pero naiwanan ko ang cellphone ko dito kaya pinuntahan na lang niya ako sa takot na ako ang makita ng mga humahabol sa kanya. Takot siyang mahuli ng mga ito dahil mula pala nang hindi ka umuwi ay pinahanap ka agad ni Tito Lino at narinig niyang ipapapatay ako. He confronted your father at galit na galit ito sa kanya dahil sa nalaman niya. He ran away that very day, Gold. Ang sabi raw ng Daddy ninyo ay ito mismo ang papatay sa kanya once he caught him.”

Tumindig ang mga balahibo niya. Kaya ba talagang gawin ‘yun ng Daddy niya sa sarili nitong anak?

“Rodney, please. Sabihin mo sa akin ang totoo. Sino ang pumatay sa Kuya ko?” pagmamakaawa niya.

“Isinama ko siya dito sa Rosario at kumuha siya ng matutuluyan kagabi. Siya na ang nagsabing hindi ka muna niya pupuntahan at baka masundan kami. At mahigpit niyang ibinilin sa akin na h’wag sasabihin sa’yo para hindi ka na mag-alala.”

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. He looked at her with his pleading eyes, asking to believe what he’s saying.

“Gold, pupuntahan ka dapat niya kanina.” Umiiling-iling ito at hirap nang ibuka ang bibig upang magpatuloy. “Kung sinabi mong alam na ng Daddy niyo na nandito ka, sana naitakas ka namin at hindi na sana nagpunta dito si Alex. He was killed in this building, Gold. By a gunshot. Kaninang alas-dose ng tanghali. At sa paniniwala namin ay nanggaling mismo sa baril ng Daddy mo.”

Fill Me In - PUBLISHED under RedRoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon