Chapter 5 --First Love-- part 1

12.2K 188 3
                                    

--Chapter 5 --First Love--

Nagising si Marigold na wala nang Rodney sa kanyang tabi. Sumulyap siya sa orasang nakasabit sa dingding. Alas-onse na nang umaga.

Napabangon siya bigla at nakaramdam ng pag-inog ng kanyang paligid. Sapo ang noo ay ipinikit niya ang mga mata at dahan-dahang muling dumilat. Nawala nang kaunti ang kanyang pagkahilo subalit ramdam pa rin niya ang hindi magandang timpla ng kanyang katawan.

She scanned the whole room to find a note from Rodney, but she didn’t see any. Napangiti siya nang mapait. Galit pa rin kaya ito sa kanya? Base naman sa kanilang mainit na sandaling pinagsaluhan kagabi ay tila humupa na ang galit nito. Pero bakit hindi man lang siya nito ginising para magpaalam na aalis?

Hindi niya maiwasang mag-alala. Alam niyang hindi dito natatapos ang pagtatalo nila ng binata. Ito pa lang ang umpisa. Sigurado siyang may malalim pang mga dahilan ang nararamdaman nitong panibugho sa kanyang ama. At natatakot siyang malaman kung ano ‘yun.

Nang maramdaman niyang kaya na niyang tumayo nang maayos at hindi natutumba ay bumangon na siya sa higaan at tinungo ang kalapit na banyo. She was naked from the sheets but she didn’t mind putting some clothes on. Wala rin namang tao dito kundi siya lang.

She suddenly heard a knock from the front door. Nagmamadali niyang inayos ang sarili upang daluhan iyon sa pagbabaka-sakaling ito ang ama.

“Sino ‘yan?” tanong niya habang papalapit sa pintuan.

“Gold!”

Napahugot si Gold ng isang malalim na hininga nang mabosesan ang Daddy niya. Agad naman niya itong pinagbuksan pagkaraan.

“Dad, tuloy ka,” sabi niya na niluwangan ang pagkabukas ng pinto.

May bitbit itong dalawang malalaking plastic bag na hinuha niya ay naglalaman ng mga groceries. Tuloy-tuloy na pumasok si Lino at ipinatong ang dala-dalahan sa lamesa.

“Dad, hindi ka na sana nag-abala pa,” nahihiyang sambit niya.

Lumingon sa kanya ang amang Alkalde at tipid na ngumiti. “Nangangayayat ka na. Binili ko ang lahat ng paborito mo,” sagot nito na isa-isa pang inilabas ang laman ng malalaking supot.

Pinigil niya ang kamay nito. “Dad, hindi ko ‘to matatangap. Pasensya na ho.”

Kita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito at pagtiim-bagang. “Pati ba naman ang pagtulong ko sa’yo anak, tatanggihan mo? Pinagbawalan ka na—”

“No, Dad. In fact, hindi niya alam na natunton mo na kami.”

He sighed. “Tanggapin mo na.”

“Hindi ko ho alam ang sasabihin ko sa kanya kapag nagtanong siya kung saan galing ‘to. Kaya, Dad, salamat nalang ho.”

“Sabihin mong pinamalengke mo.”

Umiling lamang siya at napakagat sa labi. Nakita niyang sumilay ang nang-uuyam na ngiti sa labi ng matanda.

“Hindi mo pwedeng idahilan ‘yun kasi hindi ka pwede lumabas ng bahay na ‘to?” hindi makapaniwalang-tanong nito at napayuko siya. “O hindi mo pwedeng sabihing namalengke ka dahil kahit kusing wala kang pera?”

She sighed and gently shook her head. Hindi niya magawang mag-angat ng ulo upang salubungin ang tingin ng ama.

“Ah! Alam ko na, pareho, hindi ba?” bahagyang tumaas ang tinig nito at napahilamos na siya ng mukha.

“Dad, please,” pakiusap niya. Nag-angat siya ng tingin at agad lumambot ang ekspresyon ng ama nang makita nitong nangingilid ang luha niya.

“Bakit ka nagtitiis nang ganito?”

Fill Me In - PUBLISHED under RedRoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon