Chapter 3 --First Boyfriend--

18.7K 220 6
                                    

--Chapter 3 --First Boyfriend--

“Ma’am Marigold, may bisita po kayo.” Napahinto si Gold sa pagbabasa. Nilingon niya ang kasambahay na si Rina at inilapag ang libro sa tabing lamesa ng kanyang kama.

“Sino raw?” tanong niya sabay bangon mula sa pagkakahilig sa bandang ulunan ng higaan.

“Rodney daw po,” magalang na tugon ng dalaga.

Napasinghap siya at parang tatalon na sa tuwa ang kanyang puso. Miss na miss na niya ang binata. Parang kanina lang may nangyari sa kanilang dalawa dahil buhay na buhay pa sa alaala niya ang naganap noong kaarawan ng kanyang ama dito mismo sa kaniyang kwarto. Pero anim na araw na buhat nang mangyari iyon at hindi niya ikakailang nasasabik na siyang makita at makasamang muli ang binata.

She hurriedly went to her bathroom to fix herself before she went to see Rodney. It’s been almost a week, she wonder how he look today. Isa ito sa mga nadiskubre niya sa binata, na kahit anong ayos o porma nito ay bagay pa rin dito. Isn’t she lucky?

That night, they were officially on. Rodney is her first boyfriend. And he’s the first one to ‘do it’ with her. She blushed as she remembers the memories of her first night with him. They did ‘it’ the whole night. Ignoring her phone calls, knocks on her door, forgetting all the world. Rodney is the only person that mattered to her that night. And he made her feel loved with every touch and kisses. Wala siyang pinagsisisihan sa mga nangyari, ginusto nila iyon pareho at inalis na niya sa isip niya ang pag-aalala na baka bigla na lang itong mawala at hindi na magpakita sa kanya matapos siya nitong makuha.

“Pakisabi, Rina, sandali na lang at bababa na ako,” sabi niya nang makitang nandoon pa rin ito at naghihintay sa kanya sa loob ng kwarto.

“Eh Ma’am,” nababalisang tugon nito na pasilip-silip sa labas ng pinto at tumatanaw sa baba ng hagdanang katabi ng pintuan ng kanyang kwarto. “Natatakot ho akong bumaba. Sabay na tayo.”

“Bakit ka naman natatakot?” Pati siya ay napasilip na rin sa labas ng pintuan at tumanaw sa baba kung nasaan ang living room.

Napatda siya nang makitang nakaupo roon si Rodney na may madilim na anyo at nakatitig sa kawalan. Habang ang kanyang ama naman ay palakad-lakad sa harapan ng binata na parang galit na kumukumpas pa ang mga kamay habang nagsasalita.

“Kasi Ma’am, nagalit po si Mayor nang malamang pinapasok ko sa bahay si Sir Rodney nang hindi ipinapaalam sa kanya.”

Naituon niya ang pansin kay Rina na halata pa ring kinakabahan.

“Tapos lalo hong nagalit nang magpakilala si Sir Rodney kay Mayor bilang nobyo niyo.”

“Ano?” Bumundol ang kaba sa dibdib niya at tumunghay muli sa ibaba. Kung nagalit ang Daddy niya sa pakikipag-boyfriend niya ay tiyak na pagbabawalan siya nitong makipagkita kay Rodney. At parang hindi niya yata ‘yun kaya.

She had obeyed her father eversince. Pero ‘wag lang ito, piping-dalangin niya. H’wag lang ang palayuin ako kay Rodney dahil hindi ko kayang isipin na hindi ko na siya makikita o makakasama.

“Sumabay ka na sa akin pagbaba,” untag niya sa kausap na bahagya pang napapitlag dahil ang atensyon nito ay nakatuon din sa dalawang magkausap na lalaki sa baba.

Tumango ito at magkaagapay na lumabas sila ng kanyang silid. Napahigpit ang kapit niya sa braso ni Rina nang mapalingon sa kanila ang dalawa nang nasa bandang gitna na sila ng hagdan.

Nakatuon ang tingin niya kay Rodney na nagliwanag na ang mukha nang makita siya. Tumayo pa ito at ngumiti sa kanya. Gustuhin man niyang gumanti ng ngiti ay hindi niya magawa dahil ramdam niya ang nagbabagang tingin ng kanyang ama sa kanya.

Fill Me In - PUBLISHED under RedRoomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon