--Chapter 7 --Second Life—
H’wag na h’wag kang mawawalan ng pag-asa. Nandito lang ako. Hihintayin kita. At ipinapangako ko, sa oras na maayos na ang lahat, hinding-hindi ka na iiyak at hindi na tayo maghihiwalay pa.
Nakikiusap akong alagaan mong mabuti ang sarili mo. Tandaan mong magkikita pa tayo, makakasama pa kita at hinding-hindi ako aalis sa tabi mo.
Mahal na mahal kita. R.
Maingat na itiniklop ni Marigold ang binasang sulat. Unti-unti nang gumagapang ang liwanag sa buong paligid at napangiti siya nang matipid. Tanaw niya ang kagandahan ng buong isla mula sa kanyang kinatatayuan sa tabi ng bintana ng kanyang kwarto.
Umaga na naman, bulong niya sa sarili. Kung may ilang libong beses lang ay nasabi na niya ‘yan sa kanyang sarili. Makalipas ang mahigit anim na taon ay ganito na ang nakagawian niya. Tanghali na naman… Gabi na naman… Hindi na niya magawa pang sabihin ang katuloy nitong …kumusta na kaya siya? Ano na kayang ginagawa niya ngayon?
Kung pagsisisi lang ay sawang-sawa na siya. Halos ito na nga yata ang nananalaytay sa kanyang dugo, ang umuukilkil sa bawat himaymay ng kaniyang pagkatao.
She remembered how it felt when she woke up in an unfamiliar place. A place where there’s no happiness, no life… She almost run out of reasons to live.
Paano kaya kung hindi ako umalis nang araw na ‘yun? Masaya na siguro kami ngayon ni… Pag-isip man lang ng pangalan ng mahal niya ay hindi niya magawa. Dahil para siyang pinapatay, araw-araw, minu-minuto, tuwing naiisip niya ang binata.
“Gold.”
Napalingon siya kay Martin, ang bodyguard niya. Ito rin ang lalaki sa airport at ito lang ang tangi niyang nakasama sa islang pinagdalhan sa kanya ng ama mula nang araw na iyon.
“Busog pa ‘ko,” sabi ni Marigold at mabilis na ibinalik ang paningin sa labas. Ito ang paborito niyang linya. Lalapitan pa lang siya ni Martin ay iuunahan na niya agad ng ganito.
Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito bago tuluyang lumapit sa kaniya. Paiwas na unti-unti siyang dumistansya mula sa binata. She couldn’t take his nearness anymore. At kung hindi niya ipagpipilitan sa sariling iwasan ito ay nagdedelikado siya, nasa bingit ng pagka-hulog ang puso niya.
Temptasyon. Ganyan kung tawagin ng konsensya niya si Martin. Temptasyon dahil may kapangyarihang taglay ang binata kung saan kaya nitong ilihis ang isipan niya mula kay Rodney patungo dito. At hindi iyon isang magandang ideya. Rodney is waiting for her. At nakagawa siya ng malaking kasalanan sa nobyo. Iniwan niya ito at naniwala siya sa isang kasinungalingan na nauwi sa padalos-dalos na desisyon. At alam niya rin na siya mismo ang naghatid sa katipan sa kapahamakan at labis siyang nag-aalala para dito. Ngunit wala siyang magawa. Nandito siya sa isla, malayo sa taong mahal niya, at kasama sa iisang bubong ang isang matipunong lalaking handang gawin ang lahat para sa kanya.
“Nasa labas lang ako kung may kailangan ka.”
Para namang pupuntahan niya ang binata doon kung may kailangan nga siya. She built a wall between them. Dahil iyon ang tamang gawin. She established a boundary wherein, he is just her bodyguard and she is the one whom he needs to protect. That’s all. Kung hindi niya iyon ginawa, malamang sa malamang ay naligaw na ng landas ang puso niya.
Sa loob ng anim na taong nakasama niya si Martin, wala itong ipinakitang masama sa kanya. Lahat ng ginagawa nito ay para sa ikabubuti niya. Though he wears a mask whenever her Dad visits them, mabilis din naman nito iyong tinatanggal kapag wala na ang ama. Alam niyang nais nitong makipagkaibigan sa kanya, maka-kwentuhan siya o makausap man lang sa isang normal sa paraan. Hindi iyong masyadong pormal. Ito na nga rin ang nagdesisyong tawagin siya sa palayaw niya at tinanggal na ang katawagang Ma’am. At kapag may pagkakataon ay kinukwentuhan siya nito ng kung anu-ano lang. Siya naman ay madalas na tahimik lang at hindi sumasagot, o ‘di kaya’y tumutugon man, matipid na salita lang o isang tango.
![](https://img.wattpad.com/cover/14320163-288-k292654.jpg)
BINABASA MO ANG
Fill Me In - PUBLISHED under RedRoom
General FictionPAG-IBIG. PANLILINLANG. GALIT. MATINDING PAGNANASA. Sino'ng dapat na piliin? Ano'ng damdamin ang dapat sundin? (Warning: Mature content)