Miss A...

4.4K 72 23
                                    

Hi guys.

Gusto ko humingi ng konting pabor sa inyo. Pabor na sana ay mapagbigyan nyo. Sana pagkatapos nyong mabasa ito. Mabigyan nyo ko ng advice...

Alam kong matagal akong hindi nakakapag update... Kaya naman humihingi ako ng tawad sa inyo.

July 25, 2017. 7:00 am namatay ang Lola ko. Kay naman nandito lang kami sa bahay ng Tita ko kung saan sya naka lamay.

Syempre Lola ko. Kayamasakit din ang pagkawala nya. Pero bago sya namatay inuwi muna namin sya sa bahay namin. Gusto ng Mama ko na alagaan muna sya. Dahil bed ridden na talaga sya. Kaya naman hinatid sya sa amin ng mga tita ko.

Pero matapos ang isang araw, kinailangan namin ihatid ulit ang Lola ko sa bahay ng tita ko. Dahil hindi kaya ng Mama ko ang pag aalaga sa kanya. Ako, ang tatay ko, ang mga kapatid ko ay wala tuwing araw. Nagtatrabaho kami ni Tatay. Samantalang nag aaral naman ang mga kapatid ko. Kaya naman mag isang naiiwan si Mama sa bahay para mag alaga kay Lola.

May sakit din ang mama ko. Kaya naman no choice din sya kung hindi ibalik ang lola ko sa Tita ko. Nagalit sila Tita sa amin. Bakit daw namin kinuha si Lola kung hindi naman daw namin sya aalagaan hanggang sa huli.? Puro lang daw kami salita. Kulang sa gawa. Wala akong sinabi. Si Tatay ay naging tahimik lang din. Si Mama ang nakausap nila dahil usapin nila iyong magkakapatid.

Pero masisisi nyo ba ako na hindi maki alam kung pinag sasalitaan na ng masama ang Mama ko. Sinabi ko sa kanila na hindi kaya ni Mama na alagaan si Lola dahil mag isa lang sya. Inaamin namin yon. Hindi madaling alagaan sya.

After ng naging confrontation nila. Hindi na nila ulit kami tinawagan. No updates about kay lola. Until one day. Narinig ko nalang na may kausap si Mama sa cp. Kaya naman lumabas ako nv kwarto para tanungin sino kausap nya. One of my tita. Sabi nya. Mahina na daw si lola. At any moment ay maari na syang mawala. Kaya namn ng gabing iyon ay humanap ako ng sasakyan para makapunta sa kanila.

Nadatnan namin si lola. Na mahina na nga. Namamaga at iba na ang itchura. Sa maniwala kayo o hinde. May bigat akong naramdaman. Pero wala ng bibigat pa ng si Lolo ang nawala. Hindi kami naging ganoon ka close ni Lola. Dahil hi di ko sya nakasama ng Matagal. Pero kahit ganon ay masakit at mabigat parin sa dibdib na makita syang ganoon.

Around 12 am ng umaga ay naka uwi kami sa bahay. At kinaumagahan binawian na nga sya ng buhay. Lahat tayo hindi perpekto. Hindi ko magawang umiyak. At hindi ko alam kung bakit. Nakikita ko ang ibang kamag anak at mga kapatid ni Mama umiiyak. Pero hindi ko maiwasan ang magtanong. "Totoo ba ang pinapakita nila ?" Maraming tanong sa puso at isip ko. Dahil ng mga panahon na kailangan sila ni Lola pinapabayaan lang nila si Lola. Ngayon lang na naging bed red. Lang sya inasikaso.

Walang gabi ng lamay ang hindi sila nag aaway. Silang magkakapatid. Anong dahilan ? Pera. Nakalamay na nga si Lola. Nagagawa pa nilang uminom. Yung iba di mo aakalain na namatayan dahil hindi mo yun makimita sa itchura nila.

Pero hindi ko naman alam kung ano ang nasa isip nila. Kaya naman hindi ko na gaano pinansin pa.

Sa buong lamay ng lola ko. Nakita ko kung sino totoo at peke sa kanilang lahat. Lahat kami dito ay pare parehong nagpaplastikan. At hindi ko alam kung paano ko iyon natagalan. May mga puntong gustong gusto ko ng sumagot dahil sobra na rin ang mga sinasabi nila sa Mama ko. Pero hindi ko ginagawa dahil matanda sila sakin. At lamay ni lola. Respeto na lang para sa lamay niya.

Kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiwas. Pero habang umiiwas ako. Hindi ko maiwasan ang magtanim ng sama ng loob sa kanila.

Baket ?? Kase napakadali para sakanila ang mag sumbat. Pero kami. Hirap na hirap na mag sumbat.

Ng mga panahon na lumpo si Mama dahil sa sakit nya. Nagpakita ba sila ?? Hinde !

Ng mga panahon na nasa Hospital si Mama. Nasaan sila ?? Wala !!

Lagi namin sila sinasabihan. Pero walang pumupunta sa hospital para makibalita. Kahit na malakas pa si lola noon. Hindi nya rin pinuntahan si Mama. Walanh kapatid na nagpakita sa kanila. Pero okay lang...

Hindi ako nagalit. Pero ngayon ?? Nag susumbat sila na para bang sila may ginawa ?? Ina amin ko may tampo ako kay Lola. Dahil hindi nya nakikita si Mama. Puro nalang ang ibang kapatid ni Mama.

Nagagalit ako ngayon. Sa kanilang lahat. Mga peke !!

Am i bad readers ?? Kung Oo pasensya na. Sorry. Ganito yata nagagawa ng galit no ??

Madalas sa kwento ko. Napakadali magpatawad. Dba ??

Pero bakit ako ngayon hirap ??

Baket ?? 😭😭😭😭

Ang sabi nila. Kapag binato ka ng bato. Batuin mo ng Tinapay.

Pero paano mo sila mababato ng tinapay kung ang tinapay na iyon ay nananatiling nasa iyo lang. At hirap kang batuin sila nito dahil masyado kang nasaktan ng batuin ka nila ng bato ??

Madalas sinasabihan ako na. Matuto naman daw akong magalit at magsalita. Hi di iyog puro OO lang ang sinasagot ko. Pero hindi ko sila pinapakinggan.

Ang sabi nila.. sa panahon ng kagipitan. Pamilya mo ang matatakbuhan.

Pero ng gipit si Mama. Nagkasakit si Mama. Walang pamilya ang nagpakita sa kanya. Walang kapatid o ina.

Bilib nga ako sa kanya dahil kahit ganoon ang pinapakita sa kany ng pamilya nya. Hindi sya nagalit sa kanila. Pero ako ?? Bakit nga ba ako nagalit ??

Bakit ako nagagalit ??

Bakit hindi ko magawang pakisamahan sila ng totoo ??

Baket ???


----------------------------------

Sa ginawa kong ito alam kong may manghuhusga sakin. Pero okay lang. Lahat naman tayo ganyan.

Gumaan ang pakiramdam ko habang tinatype ito. Feeling ko may nakausap ako.

7/28/17 last night. Bukas libing na...

RIP la...

Villianueva: The Billionaire's Son'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon