TBS-45

4.1K 111 8
                                    

Belle POV

Hanggang ngayon tawa pa rin ako ng tawa. Kahit na nasa loob na kami ng sasakyan nya. He volunteer to bring me home. Ayoko man tumawa dahil masakit na ang tyan at panga ko pero hindi ko parin mapigilan sa  tuwing na aalala ko silang dalawa ni Marcus kanina. Ahahaha

"Stop laughing ! Your distracting me !" Kunwa'y galit nitong sabe. Nakanguso pa ito na para bang batang inagawan ng Candy.

"Sorry, di ko sinasadya. Ang cute nyo kasing magkapatid kanina. Ahahaha" Tawa pa rin ako ng tawa pero sya ay biglang tumahimik. Ng tignan ko sya, naka serious mode nanaman ang itchura nya. Bipolar talaga ang lalaking to kahit kailan. 

"Sorry na di na ko tatawa. Seryoso nito." Sabi ko. Pero laking gulat ko nalang ng biglang itinabi nya ang ang sasakyan. Tumngin sya sa akin na para bang nagtatanong. Problema nya ? 

"Ba't mo tinigil ?" Tanong ko.

"You have a boyfriend ?" Tanong nya. Nakatingin lang sya sa akin na para bang sinasabing sabihin mong wala. Pero wala naman talaga. Pero hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at iba ang sinagot ko.

"Oo" Sagot ko. Baliw na ata ako. Siguradong lagot ako kay Edmar nito. "Bakit mo natanong ?" Dagdag ko pa. Natahimik sya dahil sa sinabi ko. "Is he handsome ? Is he rich ? Mabait ba sya ? Mahal ka ba nya ?" Sunod sunod nyang tanong. Ano ba talagang problema ng lalaking to. 

"Oo ang sagot ko sa lahat ng tanong mo ! Ano bang problema mo ?! Kanina ang saya mo, ngayon naman galit ka. Hindi kita maintindihan !" 

"Ikaw ang problema ko. Sabi nila ako ang mahal mo! Kaya ka nga umalis diba ? 2 months Kris ! Dalawang buwan lang pero nagawa mo nang kalimutan ang feelings mo sakin. Pero ngayon parang gusto ko nang maniwala na, siguro nga mababaw lang ang pagmamahal mo sakin para mapalitan mo ko ng ganun kabilis. Ang gago ko dahil naging miserable ako sa loob ng 3 buwan para lang sa wala !" 

Hindi ko alam pero namalayan ko nalang ang sarili ko na sinampal sya. Oo sinampal ko sya. Dapat matagal ko nang ginawa ang bagay na iyon. Anong karapatan nya ?! Anong karapatan nyang sabihin lahat ng iyon ?!!!

"Anong karapatan mo ? Anong karapatan mong magalit ? Anong karapatan mong sabihin ang lahat ng iyon ? ANONG KARAPATAN MONG SUMBATAN AKO ?!" Tears escape down to my chicks pero mabilis ko iyong pinunasan dahil ayokong umiyak sa harap nya. Gait ako, pakiramdam ko lahat ng galit ko noon sa kanya bumabalik. Sinikap kong patunguhin sya na maayos,siguro naman ngayon pwede na akong magalit. 

"Wala kang alam, Wala kang alam sa nararamdman ko. WALA KANG ALAM SA LAHAT !!" Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa ngayon, alam kong anong mang oras pwede akong magbreakdown sa harap nya. Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagsalita, alam kong ito na ang oras para malaman nya ang lahat, para mabawasan ang bigat sa loob. 

"Oo, may gusto ako sayo, Actually high school pa tayo noon. Tapos lumala noong college. Hanggang sa namalayan ko nalang, na Mahal na pala kita. Pero ng mga panahong iyon, masyado kang babaero. Halos lahat lahat ng babae sa Campus naging flings mo, Pero sa kabila ng lahat ng iyon, nanatiling mahal mo ang bestfriend mo. Alam mo bang dahil sayo nag iba ako ? Naging lalaki ako."

"I know, your friend told me. Pero hindi ako naniwala." 

"Natatakot ako na baka, gawin mo sa akin ang mga ginagawa mo sa ibang babae. Gusto kong maging iba sa paningin mo at sa paningin ng ibang lalake. Gusto kong ayawan nila ako para walang lumapit sa akin. At tama nga ako, nag iba ang tingin mo sakin. Masakit isipin na, kaya nyo lang ako nilalapitan ni Marcus, ay dahil binilin ako sa inyo. Dahil isa akong babae. Isa akong mahinang babae na pwedeng saktan ng kung sino. Kaya binago ko ang sarili ko. Ayokong ipagtanggol ng ibang tao. Kaya kong lumaban mag isa. Kaya kong mag isa ! Pero kahit na lumayo na ako sa inyo. Inaraw araw mo pa rin ang pang aasar sa kin. Ang tanga ko lang, ang gaga ko lang dahil sa bawat pang aaasar mo, lihim akong sumasaya. Dahil napapansin mo na ako, At sa bawat pang aasar na iyon lalo akong nahuhulog sayo." Tumawa ako ng mapait dahil na aalala ko ang mga panahong iyon. "Nakakatawa diba ??  Dahil hanggang sa makapagtapos tayo, makapag trabaho tayo hindi nawala ang nararamdaman ko. Umiwas ako, dahil alam kong bandang huli, masasaktan ako. Hindi ako nagtrabaho sa V.E dahil sa iyo. Alam kong makikita ko kayo doon ng bestfreind mo. Ahhh, na alala ko pa, Ang saya ko, noong nalaman kong, magpapakasal na ang bestfriend mo. Pero ng makita kitang nasasaktan at miserable doble ang sakit na naramdamn ko, masakit na nakikita kang nasasaktan, pero mas masakit na alam kong, hindi ako ang dahilan. 

Tapos si Nanay biglang pinasok V.E. That time gusto  ko talagang pumasok, Nagpanggap lang akong ayoko dahil ayokong malaman mo na gusto kong maging secretary mo. Kahit na sobrang ilang ako sa mga pinag susuot ko tiniis ko, para kahit papaano may mapagbalinan ka ng atensyon, Ako, alam kong aasarin moko ng sobra, pagtatawanan ng sobra.. Pero okay lang, atleast diba, nakakalimutan mo sya. Pero sabi nga nila, lahat ng bagay may hangganan, hanggang sa di ko na kinaya ang sakit. Ayokong dumating sa puntong kamuwihan kita ng sobra. Kaya nagdesisyun akong umalis.

Sinubukan kong kalimutan ka, pero gabi gabi akong umiiyak, pakiramdam ko araw araw akong pinapatay sa sobrang sakit. Hanggang sa nakilala ko si edmar. Tinulungan nya akong mag move on. Maging masaya at kalimutan ka. OO naging masaya ako. Nakalimutan kita. Pero.........hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo. Binalik ko ang dating ako. Ginawa ko ang lahat para maging komportable ang pagbabalik ko at ang pagharap ko sa iyo. Kinalimutan lahat ng nararamdaman ko. Kahit gusto kitang sumbatan ! Gusto kitang saktan ! Gusto kitang sigawan pero, Anong karapatan ko diba ? Eh, isa lang naman akong secretary. 

Kaya mas mabuting magpanggap nalang. Tutal, doon naman ako magaling. Ang lucky me, i succed. Pero ngayon....Nagawa kong sabihin sayo ang lahat. Ahahaha ang sarap pala sa pakiramdam. Ang sarap palang kumawala sa kulungan na mat................."


Hindi ko na nagawang tapusin pa ang sinasabi ko ng bgla nya akong kabigin palapit sa kanya. At namalayan ko nalang na sinakop na nya ang labi ko, gamit ang kanya. Yes, He's kissing me. 

And i don't know if it is right or wrong....


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Oh, Last na to... next year naman, busy na si Author eee...

Merry Xmas and Happy New year in ADVANCE:))))

Villianueva: The Billionaire's Son'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon