A/N: Wanted Cover Maker.
Pam POV
Dalawang araw na ang lumipas mula ng gabing iyon. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari sa amin ng gabing iyon. Mula ng araw na iyon, hindi na ma alis sa labi ko ang ngiti. Pumapasok ako sa trabaho na maganda ang mood. Ngayon lang ako naging masaya ng ganito.
"Ooops, May tinatago ka sa aking babae ka ! Ilang araw ko ng napapansin iyon sayo.!" Cutious na tanong sakin ni Joey. Nginitian ko lang sya. Ngiting alam kong matagal na nyang gustong makita mula sa akin.
"Oh My God ! ARE YOU INLOVE ?!!" Pasigaw na tanong nito. Dahilan para mapatingin sa amin ang mga kasamahan namin sa trabaho. Nakakahiya pero wala akong nasagot sa kaibigan ko. Ngumiti lang ako. Kaya naman mabilis kong tinakpan ang tenga ko dahil.................
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh" Tili nya. I know na mangyayari to. Buti nalang matibay tibay ang mga salamin dito sa opisina namin, kung hinde ? Basag ang mga ito dahil sa tinis ng boses ng babaeng to. At syempre dahil sa pagsigaw nya. Lumabas ng di oras ang Editor in Chief namen.
"Anong nangyare ?" Tarantang tanong nito. Halatang kinabahan sya. Tinuro naman ng mga ka officemate namin si joey na ngayon ay parang asong timang na nakangiti habang nakatingin sa akin.
"Joey may problema ka ba ?" Tanong nito saka lumapit sa amin. Umiling naman si Joey kaya lalong nagsalubong ang kilay ni Chief. Napapa iling nalang ako. Wala na loko na, sinaniban nanaman ang bestfriend ko.
"Pam, follow me. At ikaw Joey. Para kang ewan, umayos ka nga.!" Pero parang wala lang. Tinignan ko si Joey sabay sabing. "Kwento ko sayo Mamaya lahat." Tumango lang ito.
Sumunod ako kay Chief sa loob ng opisina nito. Umupo ako sa isang upuan na nasa tapat ng mesa nya.
"So, everyone is waiting for the new work of AngelEyes. Kailan ba sya pwedeng mag release ng story ?" Tanong nito. Na alala ko ang bago kong obra ngayon. Pero para sa akin. Isa iyong diary tungkol sa aming dalawa ni Marcus.
"Sa ngayon sir. Wala pa, Pero don't worry, mag popost ako ng new story sa site natin para naman hindi mainip ang fans ni AngelEyes." Tumango tango naman ito.
Mabilis na lumipas ang oras. Uwian nanamin. Pa alis na sana ako pero hinarangan ako ng bestfriend ko. Joey. Yung tingin nya parang may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya. Mabilis nya akong hinila sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung san ang punta namin. Pero hinayaan ko nalang sya. Kinuha ko nalang ang cellphone ko saka tinext si Marcus.
*Hubby
'Kasama ko bestfriend ko, wag mo na ako sunduin. Take care, I Love you'
Saka ko na ito sinend. "Nginingiti mo dyan ?" Bigalang sabi nya. Nakangiti ba ako ?? Hahaha ganito ba talaga kapag inlove ? Eh bakit hindi ko ito naramdam kay Cedrick ?
"Hahaha" Sagot ko na lang. Pero tinignan lang ako nito. Matapos ng ilang minutong byahe, Nakarating na kame sa....Bahay nya ?? Seryoso ? Dito talaga ? Pwede namang sa Condo nalang nya.
"Joey bakit dito tayo pumunta ?" Tanong ko sa kanya ng makababa kami ng sasakyan nya. "Si Mama, gusto tayong makasama, Saka dito ka magpapaliwanag babae ka ! Sabado bukas, kaya naman pwedeng pwede kahit dito ka matulog !"
Hindi na ko nakapag salita pa dahil pumasok na ito sa loob ng bahy nila. Sumunod nalang din ako. I have no choice after all. Sinalubong kami ni Tita at isa isang hinalikan sa pisngi. Hinampas pa nito ang anak nya.
"Aray naman Ma !" Reklamo nito
"Kung hindi ko pa sinabing pumunta kayo dito di nyo ko pupuntahan dalawa !"
"Tanungin mo kaya yang babaeng yan !" Turo sa akin. Na kinagulat ko. Bakit ako ? "Masyadong naging bc kaya nawalan na ng time, kahit nga ako di na ko nasasamahan ee, Kung di ko pa hinila papunta dito di kami makakapag bonding !" Nakanguso nitong sumbong kay Tita. Natawa nalang ako saka napakamot sa ulo.
"Aray Ma ! Matatanggal na ang braso ko sa inyo ee !" Reklamo nanaman nya, ng hampasin nanaman sya ni Tita.
"Para kang bata ! Natural may sariling buhay sya. Hindi [puro ikaw. Aba, tumatanda na kayo, Kailangan nyo na rin naman makapag asawa !"
Hindi ko na sila pinakinggan pa dahil biglang tumunog ang phone ko.
*Hubby Calling*
Iniwan ko na muna sila at pumunta salikod bahay nina Tita.
"Hello ?"
"I Miss you Wife"
"Miss agad ? Di ba uso Hello sayo ?" Natatawa kong sabe.
"Yes, I miss you already. Medyo magulo dito sa bahay, pasensya na di kta natawagan this past two days." Mukha syang stress sa boses nya.
"May problema ba Hubby ?" Tanong ko, Bumuntong hininga lang ito.
"My twin brother is a mess right now. Kaya ako ang sumasalo sa mga trabaho nya sa V.E."
"Kawawa naman ang Hubby ko. Alam ko na, ikikiss nalang kita para mawala ang pagod mo. Muaaaaaaaaaah"
Narinig ko naman na tumawa sya sa kabilang linya. Oh my god. Ang sexy, tawa pa lang nakaka adik na...
"I Love you Wife"
"I Love you too Hubby"
"Take care, papakasalan pa kita. Mag iingat ka dyan. Regards sa parent's ng bestfriend mo Bye"
And the call ended. Paano nyang nalaman andito ako ? Di bale na. Pero........ Papakasalan ?? OMG !! Kyaaaaaaaaaaaa kinikilig ako......
Marcus POV
Pagkatapos ko syang maka usap, tinignan ko munang muli ang bahay kung saan sya magpapalipas ng gabe. Ako ang nagsabi sa bestfriend nya na ilayo muna sya kung maare. Maaaring sa mga oras na ito. Alam na ng Papa nya kung saan sya nakatira. Hindi ko alam kung kaya ko bang makitang nasasaktan si Pam. Masyado na syang maraming pinagdaanan.
Mabilis kong pina andar ang sasakyan ko ng Maka recieve ako ng message mula sa secretary ko. Mr. Miranda is in my office. He wants to talk to me. I need to know everything bago ko sya ipakilala kay Pam.
Ng makarating ako sa V.E ay nadatnan ko syang naka upo sa isa sa mga Couch na nandoon. Linapitan ko sya at umupo sa tapat na couch kung saan sya nakaupo.
"Tell me, Anong gusto mong gawin ko para ipakita mo sakin ang anak ko !" He said ng walang paligoy ligoy.
"Tell me everything Mr. Ignacio. At saka ko pag iisipan ang lahat. Hindi namin kailangan ng investment mo sa V.E. Mas importante sa akin ang mararamdaman nya sa oras na magkita kayo."
Tinignan nya lang ako ng seryoso saka ito bumuntong hininga. Para bang pinag iisipan kung kailangan nya bang sabihin sa akin ang lahat. Hanggang sa..
"I'll tell you a story an listen carefully. Hindi ko alam kung hanggang kailan mananatili sa ala ala ko lahat ng ito. Pero hangga't nandito pa lahat ay sasabihin ko na syo."
At ng mag umpisa syang magkwento. Hindi ko maiwasan ang masaktan. Para sa kanilang Pamiya.
My Pamela....... Sana nandoon ako, ng mga panahong nasasaktan ka ng sobra.....
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Villianueva: The Billionaire's Son's
Ficción GeneralWish Granted.... Sana Magustuhan nyo.. Nasa kanila na ang lahat.... Looks, Wealth , Body , And A Happy Family.. Same Face Different Characteristic Different Dreams but same principle They Will do Everything for their LoveOnes