-----------------
DJ's POV
Asan na ba yung si Albie? Kanina pa ako nagaantay dito. 6729187 hours na ang nakakaraan. Ang dami dami na ngang nanghingi ng number ko. Nakakasawa ng ibigay.
Puro pacute pa tong mga nagtatrabaho dito di na lang magtrabaho eh.
"Hi sir you need help?" Oh sino na naman tong pacute na to? May biglang lumapit na naman kasi sakin na babae.
"No thanks."
"Ako kasi kailangan ko ng tulong mo." sabi pa nya ulet. anong meron dito sa babaeng to? tssh. Sige na Daniel pagbigyan
"Yes? How may I help you?" call center lang ang dating. haha
"Sagipin mo naman yung puso kong malapit na mamatay dahil sayo." sabi ko na nga ba eh. hayy nako.
"Miss, may cellphone ka ba?" tanong ko sakanya. Ngiting ngiti naman kaagad tong babaeng to.
"Ha? Eto oh." inabot nya sakin yung cellphone nya then tinype ko yung number ko.
"Text me if you want. Sige alis na ako *wink*" para-paraan lang yan. Tamo, kilig na kilig yung babae.
Tanginang to si Albie oh. Nasaan na naman ang kaluluwa nun? Di pa din talaga nagbabago. Lagi pa ding late kung dumating.
"BRO!" napalingon ako sa tumawag sakin.
Ayun na pala eh. Lokong to talaga!! Aba't may kasama pang chicks. Kaya pala nahuli.
Inuna pa ang pangbababae.
"Ayy sorry di pala ikaw yung hinahanap ko, sensya pre. Kamukha mo kasi kapag nakatalikod eh. Talikodgenic kasi yung si Daniel eh. haha! Sige ah." ang gagong to.
TALIKODGENIC PALA AH? Sya LayoGenic. Pahiya ko kaya sya sa kasama nyang babae ngayon?
"Hoy, bro!! Ako nga to eh! Di ka naman nagkakamali. Batukan kaya kita?" -.-
"Alam mo pre! Ang layo eh, wag mo na pangarapin pang maging kamukha yun. Saka... (tinignan nya ako mula ulo hanggang paa) Ang layo talaga eh. (with matching iling-iling) Panget kasi yun. May laging malaking glasses na suot tapos kimpy yung buhok panget pumorma. Eh ikaw di ka naman mukhang nerdy eh. Mukha ka ngang nagpapaiyak ng mga babae eh."
Wow, sagad hanggang buto kung manglait tong napakabait kong pinsan. Pigilan nyo ko dahil malapit ko ng upakan to. haha.
"Eh kung upakan kaya kita dyan Albie Casiño. Wagas ka pa din talaga kung manglait ngayon ha? Mahal kong pinsan. Eh kung ibuko kaya kita dyan sa babaeng kasama mo na ----umpphhh." di ko pa natatapos yung sinabi ko ng bigla nyang takpan yung bibig ko. Ehee. Kailangan pa kasing takutin eh. hahaha.
Tinignan nya ulit ako na parang akala mo ine-xray ako.
"HOY! MABAKLA ka naman sakin nyan." sabi ko sakanya.
"Ulol!" hahahaha. Asar talo.
"Anong pinainom na gamot sayo sa America? Bakit ang gwapo mo na? Penge namang pampagwapo dyan para..."

BINABASA MO ANG
Campus Nerd Turned to Heartthrob and Badboy
Fiksi Penggemar..Si Daniel, na inakala nyang pinaglaruan lang sya ni Kath ay nagbago dahil sa nangyare, binago nya ang sarili nya at piniling iwan ang pagiging nerd...