°°
Nasa garden ako ngayon kasama mga besties ko.. Ayan inaasar nanaman nila ako.
" Wag mo kasing Dibdibin hyung wala ka naman nun ey , dalawa kaya likod mo " Sabi ni Kwan,
" Kala mo sya may dibdib " sabi ni jeonghan hyung.
" Sus natamaan ka nanaman hyung? " sabi ni hao.
" Ang hilig nyo kasing mag assume kaya kayo nasasaktan ey " sabi ni wuno. Natahimik naman ako bigla. Oo nga tama sya nag assume kasi ako na gusto ako ni hoshi kaya ito ako ngayon nasasaktan.
" Joke kasi yun diba? " sabi ulit ni wuno kaya nag tawanan sila hao, kwan at seok.
" Ahahahaha ang funny mo talaga hyung pakotong nga " sabi ni kwan.
"Subukan mo ng pasingawin kita " sabi ni wuno tapos tumawa ako.
" Ahahahahaha .. Huehuehuehue" yung tawang pilit tapos sa huli hindi ko padin napigilan ang iyak ko.
" Ey? Hindi naman yun joke ey? " sabi ni wuno.
" tsk emoboy manahimik ka nalang okey? " sabi ni jeonghan .
" Sorry guys di ko lang talaga mapigilan ey . " sabi ko sabay punas ng mata ko.
" alam mo hyung di kame sanay na ganyan ka. Diba ikaw pinaka matapang sa Trez mariaz? " sabi ni kwan.
" Porket ba matapang hindi na umiiyak? pag nasaktan ka kasi kahit gaano ka katigas lalambot ka agad " sabi ko. Ewan ko ba sakanya lang naman ako nag kaganito ey. Siguro kasi sya yung 1st crush , 1st love at 1st heartbreak ko.
" Ji ikwento mo kasi samin kung bakit ka nasasaktan para alam namin diba? " sabi ni wuno. Oo nga pala hindi pa nila alam na ginago ako ni soonyoung.
Edi ayun kinwento ko sakanila yung nangyari kahapon.
" Ey napaka gague pala nyan ni Soonyoung ey " sabi ni wuno
" Paamin amin pa sa crowd tapos ganito hayts ! gigil nya si ako ." Sabi ni jeonghan hyung.
" pag nakita ko talaga yan ttyakuin ko sya buong katawan . Mata lang walang latay wala naman sya nun ey " sabi ni hao.
" Tinulungan ko pa naman sya sa surprise nya sayo tapos sasaktan ka lang pala nya! " sabi ni kwan.
" Kinausap mo na ba sya ng masinsinan? baka nag kamali ka lang sa pagkakarinig mo hyung " sabi ni seok.
" Hello? seok? are u with us? diba nga kakasabi lang ni hyung na naring nya na sya ung pinag uusapan ng kausap ni soonyoung hyung " sabi ni kwan.
" Ohmyghaaaad Kwan . Tama yung english mo " sabi ni hao pero hindi sya pinansin ni kwan seryoso talaga sya.
" Alam nyo naman yan si Soonyoung hyung mahilig mag joke " sabi ni seok.
" So kaya pati feelings ko ginagawa nyang joke? " seryosong tanong ko sakanya .
" Hyung hindi naman sa ganon- " hindi nya pa tinatapos ang sasabihin nya nag salita na ako.
" Tama na seok wag mo na sya ipag tanggol . Syempre kakampihan mo yun mas matagal mong kilala yun ey. Pero ako kasi yung nasaktan dito, kaya kung pwede lang konting konsiderasyon " sabi ko tapos umalis na ko sa garden . tinatawag nila ako pero hindi ko nalang sila kinibo.
ayako kasing sakanya ko mabuntong ung init ng ulo ko kaya umalis nalang ako dun.
Pumunta ako sa treehouse. Dito muna siguro ako matutulog nalang ako wala pa akong ganang pumasok ey.
YOU ARE READING
Sabi Ko Na Nga Ba (SOONHOON ff)
FanfictionCOMPLETED. [Soonhoon series#1] °° Huh? Ako Mag kakagusto dun sa Walang Mata na yun? tsk Sarreh, Not Sorry Im Not Into Men , lalo na kung dun sa bulag na yun. °° SOONHOON ff. This story is inspired @Purpleyhan Campus Royalties. ©infiressuweg2017 Al...