Once Again 15

1.2K 36 1
                                    

Takie POV

Naka upo lamang ako habang pinapanood ko ang anak kong nakikipag laro kay Trish, walang ka pagod pagod ang anak ko. Tumatawa at nakikipag kulitan.



Naka busangot naman si Xavier habang naka tingin saakin, hindi ko mapigilang hindi matawa. Napa tingin muli ako sakaniya ng ngumunguso siya.



He's cute, I'm falling in love Once Again to him, kahit ideny ko pa iyon ay iyon talaga ang totoo.



Hinahawak ko ang purse ko, narinig ko kasi ang cellphone ko kaya Kinuha ko iyong phone sa purse.



Liam:

Hey, dinner?


Agad akong nag tipa ng maisasagot rito.


Sure, where are you?

Agad din siyang naka pag reply saakin, talagang masasabi kong he's a good man.

Liam: Blue Arcade, nasa gym ikaw? Kumain kana ba ang lunch mo?

Napa ngiti ako sa reply niyang iyon. He's concerned, noon pa man. Hindi niya ang kayang iwan, minsan ay iniisip ko na kung may gusto ba siya sa ibang babae?


Me: yup, ghad! Stop that! Maganda na ang katawan mo



Bigla akong naka ramdam ng init sa pisngi ko ng na isend ko iyon. Nakita kong matalim ang mga tingin saakin ni Xavier kaya binaba ko muna ang cellphone ko habang hinihintay ang reply niya.



"Sinong ka text mo?" Inis niyang utas saakin, ngumisi ako sakaniya.


Lalong tumalim ang tingin niya saakin.




"Si William?" Dagdag niya pa, seryoso ko na siyang tinignan, he's jealous damn!



"Ano naman sayo kung siya?" Seryoso ko pa ring tugon.



Umiling siya at binaling ang tingin niya sa anak namin at muling tumingin saakin.


"May anak na tayo Vien" halos ubuhin ako sa sinabi niya.




"Oo nga, ama ka niya lang. What if gusto ko si Liam? May magagawa kapa ba?" Taas kilay kong sinabi.


Tumunog muli ang cellphone ko kaya tinignan ko ang reply ni Liam.

Liam: Takie, I won't haha! You drool?




Uminit ang pisngi ko sa huli iyang pangungusap, what the fuck? Wala naman akong pakielam sa katawan niya ha? He's not get my point! Ang gusto kong sabihin ay tama na dahil maganda na ang katawan niya at baka masobrahan ghad!




Nagulat ako ng may humablot sa cellphone ko, nakita kong si Xavier ang kumuha non. Tumayo ako at lumapit sakaniya.



"Akin yan!" Agaw ko sakaniya sa cellphone ko.



Nakatayo na siya ngayon, tinataas niya ang kamay nito. Dahil hindi ako katangkaran ay hindi ko maabot ang kamay niya upang makuha ang cellphone ko.




"Don't text him" seryoso at malalim niyang utas.




Tinignan niya ang reply ni Liam habang naka taas ang kamay nito. Hinawakan ko ang laylayan ng kaniyang damit, kaya napa tingin siya saakin.



"What?" Tanong niya, ngumisi ako at hinawakan naman ang kaniyang kwelyo.



Gulat siya sa ginawa ko, agad ko siyang hinalikan nanlaki ang mata mga mata niya, pero agad din siyang naka bawi at nakita ko ang kamay nitong bumaba. Ginantihan niya ako ng halik pabalik.





Agad akong kumilos at kinuha ang cellphone ko sa kamay niya.




"Got it!" Sigaw ko at tinulak siya, agad kong tinago ang cellphone ko sa purse ko.



"What the fuck!" Anito habang tumitingin saakin.








"Mahalay ka! Bwisit ka!" Sigaw ko, buti ay nakita kong umakyat sila Xian sa kwarto ni Trish.





"Ikaw itong nanghalik!" Suhessiyon niya.




Uminit ang pisngi ko, naiinis ako dahil iyon lang ang dahilan ko para makuha lang ang cellphone ko.





"Ayaw mo kasing ibalik ang cellphone ko! Iniistorbo mo kami ng ka text ko!" Sigaw ko sakaniya.

MS 2: Once Again (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon