Once Again 22

1.2K 27 0
                                    

Takie POV

Naramdaman kong may humalik sa pisngi ko. Hindi ko mamulat ang mga mata ko, masakit ang katawan at parang pagod sa pag tulog.

"Mommy wake up"

"Shh son, your mom is tired" mabilis kong minulat ang mga mata ko.


Nasilaw pa ako sa sinag ng araw na nag reflect sa sliding door. Nakita kong naka ngiti ni Xian na naka upo sa tiyan ni Xavier, tapos ay inuulunan ko ang kamay niya. Ngumiti ako kay Xian at hinalikan ang pisngi niya.



"Good morning baby" bati ko sakaniya.

Tumingin naman ako kay Xavier na naka ngiti, ngumiti din ako sakaniya. Tinignan ko ang ilalim ng kumot, humalakhak si Xavier sa ginawa ko. Tinignan ko siya ng matalim.


"Hindi ko hahayaang hubad ka kapag matutulog, kaya binihisan na kita" Naka ngiti niyang sabi.



Umiling nalang ako, umusod ako ng ka onti para maka higa din si Xian sa gitna namin. Naka ngiti naman si Xian na humihiga sa gitna namin.


Ang gwapo ng anak namin, kamukang kamuka niya talaga ang ama niya. Ang nakuha lang saken ni Xian ay ang puti at ang mata. Iyong ilong at tangkad saka ang muka ay nakuha niya sa ama niya. Ang cute nila, para silang kambal.


Umupo ako para mapag masdan ko ang mag ama, ang gwapo talaga ng dalawang ito. Ang dati ay gusto ko ng baby girl, kaso mukang si papa God ang nag bigay para maka muka niya ang ama niya.


"Kamukang kamuka mo ang anak ko" sabi ko, agad siyang sumimangot.


"Anak natin" pag tatama niya "Paano mo yan magagawa kung wala ako diba?" Anito na naka ngisi na muli.

Huminga ako ng malalim, eto ang gusto kong maranasan ng anak namin. Gusto kong buo ang pamilya ng anak namin.

Namula ang pisngi ko ng maalala ang kagabi, may nangyari samin! Baka ma buntis nanaman ako ng lalaking ito! Bakit hindi ko siya pinigilan kagabe? Bakit!



Ginulo ko ang buhok ko para maiwasan ang hiya. Tumayo na ako, naka kunot ang mga noo ng dalawa. Dumaretso ako sa bathroom para makaligo na. Susme Takie! Minsan naman ay pigilan mo ang pagiging malandi! Para hindi ka na muna mabuntis! Hindi kapa nga kasal diba?!


Inis na inis ako sa sarili ko, masyado akong nag pa dalos! Ghad! Hindi ko iyon naisip! Kainis ha!


After kong naligo ay pag labas ko basa ang buhok ni Xavier, naligo yata siya sa kwarto ni Xian. Naka ngiti ang dalawa ng lumabas akong naka tapis.


"Labas na muna kayo sige na" sambit ko sa dalawa, ngumisi lang si Xavier at si Xian naman ay nauna ng lumabas sa daddy niya.



Matalim kong tinititigan si Xavier.

"Ang sabi ko! Lumabas na muna! Sundan mo si Xian!" Sigaw ko rito, naka ngiti pa ang loko bwisit siya!


Aambang babatuhin ko siya ng high heels ko ay umakto na itong aalis na.

"Oo na eto na, nahihiya pa siya nakita ko naman din yan kagabi ha?" Saka siya tumatawa papalabas.




Nag bihis na ako, naka dress akong hanggang hita. Papasok pa ako sa kumpanya ko. Saka may school si Xian ngayon. Paniguradong ihahatid naman ni Xavier ang anak namin.


Bumaba na ako at pumuntang dining room, nagulat ako ng nandoon si mommy at daddy. Kasama niya si Vion at Sam. What the hell?

Naka ngisi si Xavier saakin, at si Xian naman ay kumakain na. Ngumiti sila mommy saakin, kumaway naman si Sam.


Hindi ko alam pero parang umurong ang dila ko, wala akong masabi. Gulat lang ako, para akong lumulutang na nag lalakad para maka upo na.


"Finally, nalaman na din ni Zack na may anak siya sayo" sabi ni mommy, tumingin ako sakaniya.

Kumunot ang noo ko, nag simula na silang kumain. Samantalang ako ay walang ganang kumain.


"Alam niyo mom? Paano?" Gulong gulo kong tanong sa mommy ko.


"Rackie" simpleng sagot niya na agad ko ding nakuha.

Si Vion ang nag sabi na ama ni Xian ay si Xavier? At hindi sila na galit kay Xavier? What the holly shits happen?

Uminom ako ng tubig para malinawan ako sa mga iniisip ko. Paano nangyari iyon? Paanong hindi sila na galit? Paano? Agad nilang tinggap ang ama ng anak ko ganon? Masaya ako pero nakakapag taka lang din naman minsan e.

♡♡

- vote and comment

MS 2: Once Again (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon