Once Again 16

1.2K 37 3
                                    

Takie POV

Umiiling siya habang naka hawak sakaniyang labi, nag iinit ang pisngi ko habang naalala ko na hinalikan siya.







"Tch, don't text him! Lalo na kapag kausap kita" malamig niyang sinabi.







Nakakalimutan ko ng may pader nga palang naka harang sa pagitan namin. Puro saya nalang ang gusto ko, ayaw ko ng harangan pa kung ano man ang nasa pagitan namin.






Umiiling nalang din ako habang naka tingin sakaniya, naka upo ito sa sofa habang naka tingin kung saan nag lalaro kanina sina Xian at Trish.








"Wala kang karapatang sabihin saakin na huwag ko siyang i text" mataray kong sabi, kahit paano ay ayaw ko pa ding bumigay agad.








Naka tayo lamang ako, tumingin siya saakin. Lungkot at talagang mababasag ang puso ko sa tingin niyang ito. Parang sinaksak ako ng milyon milyong kutsilyo sa puso ko, pagod at parang susuko na anytime.








Nahihirapan na ba siya? Kahit paano naman ay kinakausap ko siya ha? Tinatarayan kung minsan, pero hindi ko pinaparamdam na wala ako, na hindi ko siya pansin. Dahil pinapansin ko naman ito.






"Ama ako ng anak mo Takie" malamig niyang sabi saakin, matigas pa sa yelo kung bigkasin niya ang salitang iyon.








Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng sakit, hindi ko na maramdaman ang luha sa mata ko. Dahil pagod na yata dahil sa luha ko noon. Sumeryoso ang muka ko.








"Ama ka lang ng anak ko" iniwas ko ang tingin ko sakaniya ng sabihin ko iyon.










Alam kong masakit man iyong sinabi ko ay mas namumuo pa rin ang galit sa puso ko, galit na noon ay pinag lalaruan ako. Hindi imposibleng gawin niya ulit iyon, kung noon nga ay nagawa niya ngayon pa kaya? He never to believe me!








"Yes, alam kong makasalanan ako Vien pero huwag mo namang sabihin saakin na ama lang ako ng anak natin, mahal kita. Pero pinag dudahan mo iyon" tinignan ko siya, galit ko siyang tinignan.









Siya pa itong nag sabing pinagdudahan ang pag mamahal niya saakin? Pinag dudahan niya rin ako noong mga panahon na, na set up ako ng Sheila na iyon. Hindi niya ako pinaniwalaan, nag duda rin siya noon.






Kaya huwag niyang sabihing pinag dududahan ko ang pag mamahal niya sakin, dahil sa simula palang ay pinag laruan na niya ako at hindi minahal. Nagawa pa niyang buntisin ako sa mga panahon na iyon, iyon ang gusto niyang kuhanin saakin? Hindi ko siya pinag dudahan, pinadala lang ang sulat na yon noon.





Gusto ko mang manumbat ay hindi ko magawa, gusto kong sabihin sakaniya na hindi niya ako pinag katiwalaan noon!






"Don't say that!" Tumaas na ang aking tono.






"Why? Takie, hindi mo alam ang nangyari dito. Takie gustong gusto kitang sundan noon ngunit ayaw mo" anito sa mahinahon at giit na salita.








"Dahil! Hindi ka naniwala saakin noon! Dahil nag duda ka rin saakin! Hindi mo ako minahal noon, ayaw mong mag ka anak! Bununtis mo ako! Yun lang ang habol mo saakin hindi ba?!" Sigaw ko, hindi ko na napigilang hindi mag salita, masyado na siyang maraming sinabi.









"Muntikan mo na nga mapatay ang anak mo noon hindi ba?! Tapos sasabihin mo saakin na pinag dududahan ko ang pag mamahal mo? Hindi mo na ako inintindi Xavier! Hindi!" Dagdag ko, galit lamang ang nararamdaman ko.










Walang luha na tumulo, pagod na ang mata ko. Pagod na silang lumuha. Nakita kong laglag ang panga nitong naka tingin saakin. Maamo at nag susumamo na ngayon ang muka nito.









Tumayo siya, aambang lalapit ngunit agad akong umatras, nakita ko ang kaba sa muka nito ng makitang umatras ako. Matalim at galit ko siyang tinitignan.







"B-babe" mamaos niyang tawag saakin, hindi ko alam kung yayakapin ko siya ngunit bumalot na saakin ang galit. Galit na noon ay hindi ko nailabas.








Umiling ako, umatras muli ako ng makitang lalapit nanaman siya.







"No, never. You need learn. Learn more." Sabi ko at tinalikuran siya.







Lumabas ako ng mansion nila, hindi ko pa na bubuksan ang gate nila ng naramdaman ko ang yakap nito saakin sa likuran.







"D-don't leave me, please" umiling muli ako, inalis ko ang kamay niya sa tiyan ko.





Mahigpit ngunit, marahas ko iyong inalis sa tiyan ko. Agad na akong lumabas ng mansion nilang hindi tumitingin, tatawag nalang ako mamaya kay Trish na iuwi niya na lamang ang anak ko sa bahay. Wala na akong lakas na bumalik pa roon, dahil hindi ko maatim na makita pang muli ang ama ng anak ko.

♡♡

- vote and comment salamat, mga readers kong minahal wahahaha! 😂😂

MS 2: Once Again (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon