Special Chapter

1.2K 33 7
                                    

Takie

Masaya akong nag ka roon ng pamilya, masaya akong nag ka tuluyan kami ni Xavier, walang kasiguraduhan noon.


Ngunit munabuti ni Xavier ang mag hintay saakin, na ako naman ay wala ng nararamdaman. Pero kalaunan ay minahal ko siya ulit, minahal ko siya bilang ama ng aking mga anak. Mahal ko siya noon pa, alam kong nabura iyon noon, ngunit muling bumalik ang pag mamahal ko sakaniya.




Masaya akong nag ka roon ng kambal at Xian na anak, niyakap ako ni Xavier kaya nawala ng mga iniisip ko.




"Lalim ng iniisip mo" puna nito ng nakuha niya ang atensiyon ko.


"Iniisip ko lang ang mga nakaraan" ngiting sabi ko rito.




Iniayos niya ang mahaba kong buhok, hinalikan niya ako sa pisngi.




"Masaya akong nag ka roon tayo ng Zachary, Talia Zann at Lia Zanny, sapat na saakin ang kayo" aniya, hahalikan na niya sana ako sa labi ngunit napatigil siya ng marinig ang mga iyak papalapit sa kwarto namin.





Walang pakundangan ng buksan ni Talia ang pinto at tumakbo papalapit saamin, agad niya akong niyakap. Umupo ako, upang itahan siya sa pag iyak niya.


Sunod ang pumasok ay si Lia, kasama niya ang kuya niyang matawa tawa. Tinignan nila si Talia na umiiyak at yakap ako.



"Shh tahan na, anong problema baby?" Tanong ko rito, matanda ng ilang minuto si Lia.



Humarap na saakin si Talia, pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.


"S-si kuya kasi, m-may m-mumu daw" aniya sa takot na baka may multo nga.





Nag peace sign si Xian saaming ng daddy niya, inaalo ko si Talia, sumampa naman sa kama si Lia at Xian.



"Huwag mo ng gagawin iyon Zachary" sermon niya sa panganay namin.





"Sorry na po daddy, dito na lang kami matutulog" aniya at humiga sa gitaan namin.




Ganoon din ang ginawa ni Lia, nakuha niya yata saakin ang pagiging tahimik at makulit.


"Manang mana sayo si Talia at Lia" saad ni Xavier.



Inirapan ko lamang siya, humiga na muli ako. Naka yakap saakin si Talia, takot na baka bitawan ko siya.



"Good night" sabay sabay naming sabi.





"I love you, my wife" aniya at hinalikan ako sa noo, ganoon din ang ginawa niya sa mga anak namin.




"I love you, too my husband" sabi ko.




Pinikit ko na ang mga mata ko, mahigpit ang yakap saakin ni Talia, naka subsob siya sa dibdib ko. Niyakap ko din siya pabalik.



Kahit na naka pikit ako ay hindi ko ramdam ang antok, masaya ako dahil dito. Wala na akong mahihiling pa, masarap na maka piling mo ang mahal mo at ang mga anak mo.




Masarap sa feeling na mula umaga, ay bubungad saiyo ang mga ngiti nila. Masaya ako dahil mahal na mahal ko siya. Naramdaman ko ang mabibigat na talukap ng aking mata ng mag mulat ako, unti unti itong pumikit at naka tulog.

♡♡

- salamat sa pag suporta, isang istorya ang natapos ko, masaya ako dahil kahit paano may nag babasa at may sumusuporta saakin. Pwede kayong mag comments, at gagawin ko ang lahat para masagot ang katanungan ninyo, maraming salamat ulit mga taga pag basa.

MS 2: Once Again (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon