Once Again 18

1.1K 28 0
                                    

Takie POV

Tatlong araw na ang nakalipas nong nangyari na iyon, masasabi kong nag dudusa at nag mamakaawa saakin si Xavier. Nag mamakawaang huwag ko siya iwan.









Araw araw ay nanliligaw siya saakin, minsan na nga ay nadatnan niya si Vion. Pero matigas at walang ekpresiyon lamang ang tungo ni Vion kay Xav.









Para bang sinabi ko sakaniya na ligawan niya ako, samantalang ang totoo ay ayaw ko na siyang makita. Kahapon ay umalis din si Liam, pumunta na ng Paris ulit para sa negosyo.











Si mommy at daddy ay bibisita ngayon dito, minsan nalang sila nakakauwi ng pinas. Dahil may negosyo din kami sa Paris.











"Mommy I want daddy!" Pangungulit ni Xian, kanina niya pa ako kinukulit.








"Yes, wait. Nasa company si daddy okay? Just wait" sabi ko.











Mas lalong hinawakan ni Xian ang aking damit.










"No! I want daddy right now!" Sigaw niya, at naiiyak.










"Okay, okay. Tahan na tatawagin ko na siya" mahinahon kong pag tahan sakaniya.









Kumalong siya saakin at inabot ko naman ang cellphone ko.






Nag dial ako kay Xavier, isang ring niya pa lamang ay sinagot na niya.










"Hello babe" umirap ako sa kawalan.






"Xian need you, are you free?"








"Yes, I'm in my way" sabi nito sa kabilang linya.








Agad ko na itong binaba, wala naman akong ganang maki pag usap sakaniya.










"Malapit na si daddy okay? Huwag ka ng umiyak" sabi ko kay Xian. Sumilay sakaniya ang ngiti at niyakap ako.












Ilang sandaling pag hihintay ay agad na ding sumilay sa tawa si Xian habang sinasalubong niya ang ama nito.











"Dadddddddy!" Sigaw nito habang tumatakbo sa ama niya, sinalubong ni Xavier ang anak niya ng yakap at binuhat ito.











Binaling ko na ang tingin ko sa cellphone ko, hindi ko makalimutan ang mga sinabi ko sakaniya. Hindi ko alam, pero hindi ko siya kayang tignan. Parang nalulusaw ako kapag tumitingin sakaniya.











"How's my son?" Tanong nito kay Xian, umupo sila sa tabi ko.








Gusto kong tumayo at umalis nalang pero nakahawak na si Xavier sa bewang ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ay naka titig ito saakin.






"Okay lang po daddy, I want to go mall" sabi ng anak ko habang hinahawakan ang muka ng ama niya.









Hindi ako nakatingin pero nakikita ko sa gilid ng aking mata.







"Okay, okay son. Ask to your mommy" malambing nitong sabi sa anak niya.







Hinawakan naman ni Xian ang muka ko, kaya napatingin ako rito.









"Mommy mall" naka ngiti niyang sabi saakin.












"Okay, be with your dad" sabi ko.








"Sama ka! Family bonding mommy, ang sabi ni teacher dapat ay laging mag kasama ang mama at papa mo, kapag hindi sila mag kasama ay mag ka away sila at hindi bati" inosentong sabi ng anak ko.








Napa tingin ako kay Xavier, nakaramdam ako ng sakit. Hindi alam ni Xian, munting bata lang siya.






"Baby, uhm... busy kasi si mommy nandiyan naman ang daddy mo right?" Ngiti kong sinabi, nanlumo ako ng makitang naiiyak siya dahil sa pag tanggi ko.







"Sumama kana" malamig na sabi ni Xavier, habang tinatahan ang anak namin. "Sasama si mommy okay" mahinahon na ngayon ang sabi ni Xavier sa anak niya.








"Sasama ako" Sabi ko, mag paparaya ako para sa anak ko.








Ayaw ko siyang nakikitang malungkot at umiiyak, parang pinipiga ang puso ko kapag nakikita ko siyang umiiyak. Nag tatalon siya sa saya ng sinabi ko iyon, niyakap niya pa ako ng mahigpit.

MS 2: Once Again (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon