Special Chapter Two

1.6K 26 2
                                    

"Mommy! Mommy!" Rinig kong sigaw ni Lia.

Nag babasa ako ng magazine habang hinihintay namin ang ama nila, binaba ko ang hawak kong magazine at tinignan si Lia at Talia na hawak nila ang stuff toys nilang bili ng kaniyang ama.

"Yes anak?" Naka ngiti kong tanong sakanila, pinahid ko ang dumi sa muka ni Talia.

Umupo sa tabi ko ang dalawang kambal at nag hihintay ako ng sasabihin nila. Mga high school na sila, binitawan ni Talia ang teddy bear niyang singlaki niya. Ganoon din si Lia.

"Wala si kuya! Tinakasan niya tayo!" Inis na inis na sabi ni Talia at nag busangot.

Malapit sila sa kuya nila, kahit na may pag ka masungit si Talia sakaniyang kuya ay gusto nitong galing kasama ang kuya nila. Maging si Lia ay ganoon din sakaniyang kuya.

"May liligawan daw siya mommy!" Sabi naman ni Lia.

Hindi ko alam kung bakit nag kaka ganito ang dalawang ito, hindi naman ako ganito dati ha? Bakit ang kukulit nila? Para silang mga bata pa.

"Lia, Talia. Hayaan niyo at ako ang bahala sa kuya niyo, huwag niyo akong papa stress at baka tumanda ako ng hindi oras" sabi ko sakanila.

Tumawa sila ng tumawa, sinamaan ko sila ng tingin kaya tumahimik sila at nag lambing saakin. Ang ganitong side nila ay nakuha nila sakaniyang ama. Ng mabuntis ako ulit ni Xavier ay talagang nag hihirap siya saakin. Yes! May kapatid pa sila, Zaria Xia ang bunso naming anak, talagang sinabi ko kay Xavier na ayaw ko ng mabuntis, talagang mapapatay ko siya ng hindi sa oras.

Nakita kong tumatakbo si Xia papunta saamin, naka busangot siya sa dalawa niyang ate at niyakap ako. Pawis na pawis siya, kaka galing niya lamang yata sa garden.

"Get out!" Sigaw niya sakaniyang mga ate.

Tumawa ang dalawa at umupo ng maayos, selosa si Xia. Saakin yata nag mana ang batang ito, she's five years old.

"Baby, napaka rude mo naman sa ate" malambing na sabi ni Lia at hinalikan ang pisngi ng bunso.

"Oo nga, kanino ka ba nag mana?" Tanong naman ni Talia.

"Inaagaw niyo saakin si mommy" malungkot niyang sabi at humigpit ang yakap saakin, pinunasan ko ang kaniyang pawis sakaniyang noo at maging ang kaniyang leeg at likod.

Napapangiti na lamang ako kapag ganito ang usapan nila, mommy's girl ang bunso naming anak. Lagi siyang naka sunod saakin.

"Xia anak, pantay pantay kayo saakin. Mahal ko kayong lahat, mula kay kuya at sa ate mo" hinaplos ko ang buhok niyang mahaba.

"Mommy's right, we love you so much, bad ang magalit okay?" Tumango naman siya.

May narinig kaming yabag ng paa, tumingin kami doon at umalis saakin sa pag kaka yakap saakin. Tumayo siya at yumakap sakaniyang ama.

"Daddy!"

Sumama ang tingin ng kambal ng makita ang kuya nila, naka ngisi lamang si Xian sakaniyang mga kapatid.

"Kuya!" Pagalit na sabi ng kambal.

"You bad! Bakit kayo galit kay kuya? You told me awhile ago, na bawal ang magalit kasi bad iyon" busangot na sabi ni Xia.

Bumaba siya sa daddy niya at lumapit sa kuya niya, lumapit saakin ni Xav at hinalikan ako sa labi.

"Wife, I miss you. I love you my wife" aniya at muli akong hinalikan sa labi.

"I miss you too hubby, and I love you too"

Naka ngiti siyang nakatingin saakin, na para bang wala ang mga anak namin dito. He kiss me again, hinawakan niya ang bewang ko.

"Mom! Look at you daughters!" Napa baling kami ng ama niya sa sinabi ni Xian.

Tumatawa si Xia at nakatingin sakaniyang mga ate at kuya. Nag hahabulan sila sa loob ng mansion.

"Dad!"

"Tinakasan mo kami!" Sigaw ng kambal.

Napa iling na lamang ako habang pinapanood sila, walang tigil sa pag tawa si Xia.

"Go! Punch kuya!" Sigaw niya.

"Kanino nag mana ang mga anak mo wife?" Tinignan ko ng masama ang lalaking nakahawak sa bewang ko.

"Saakin! Anak ko ang mga iyan" Inis na sabi ko sakaniya.

Tumawa siya, nakakainis kaya siya. Paano ko magagawa ang mga iyan kung hindi niya din anak ang mga iyan? Kung sabihin niyang anak ko parang hindi niya mga anak e.

"Stop! Let's eat" pigil niya sa mga anak namin.

Tumayo na si Xia kahit na ba tumatawa parin siya, nag pa buhat pa siya sakaniyang ama. Si Xian naman ay sobrang kapit saakin. Takot siya sa kambal, paano ba naman kasi lagi niyang tinatakasan ang kambal na ito at lagi siyang nandoon kung saan ang bahay nila Lance.

Ang anak nila Lance ang kaniyang kababata at sabi ng kambal ay iyon nga daw ang kaniyang ni liligawan.

♡♡

- arlhayca 😍

MS 2: Once Again (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon