Once Again 33

1.1K 28 3
                                    

Takie POV

"Hai Zack" may lumapit na babae, I know who she is.




The Freya bitch. Hinawakan ni Freya ang dibdib ni Xavier, bumitaw ako sa pag kakapit sakaniya. Dahil busy naman siya sa babae niya, uupo na muna ako at kakainin tong Coton candy ko.




Naka simangot akong umupo sa pang apat na upuan.




"Hey wife, saan ka pupunta?" Hinabol niya ako at sumabay sa pag lakad ko papunta sa apat na seater.




Umupo ako at tinignan siya, naka taas ang isang kilay ko sakaniya.





"Oh? Busy ka kay Freya diba? Bakit ka nandito? Doon ka" inis kong sinabi.





Papunta nanaman iyong si Freya dito, lahat yata ng kaibigan at pinsan ko ay na landi na niya e. Hindi ba siya nahihiya? Fuck!




Umirap ako sakanila, umupo sa tabi ko si Xavier. Na agad na ding umupo si Freya sa harapan namin. Tinignan ko siya.





"Oh Freya? Wala ka na bang malandi na iba? At ang kapal pa ng muka mong umupo dito, ang dami kayang vacant!" Inis kong sinabi, huwag niya ako.





Baka gusto niyang makita ang pag kamalditahan ko lalo na ay buntis ako.





"Masama ba? Hey Takie, iniwan mo siya. Your so selfish" maarte niyang utas saakin.





"Oh fuck! Edi kunin mo siya, doon kayo sa motel! Dahil tangina, ayaw kong makita yang pag mumuka mo!" Medyo tumaas na ang boses ko.





Hinawakan ni Xavier ang braso ko.





"Wife, tama na. Makakasama sayo yan" mahinahon niyang sabi at tumingin siya kay Freya "Leave us alone Frey"





"Oh? Tatanga tanga ka nanaman ba diyan sa babaeng iyan? Zack iniwan ka niya" sabi niya, at tinignan niya ako.





"You please, leave us alone and shut up!" Iritadong utas ni Xavier.




"I can't believe you! Iniwan ka niya dati pa! At ngayon ay nag papaka tanga ka sa babaeng yan na walang ginawa kung hindi iwan ka" kita ko ang galit sa muka ni Xavier ng sabihin ni Freya iyon.






Huminga ako ng malalim, tinignan ko ang coton candy na hawak ko. Muli akong tumingin kay Freya na ngayon ay naka taas ang kilay saakin, iniangat ko ang coton candy na hawak ko at sinubsob sa muka niya, pag sa sakripisyo na muna ang tiyan ko.






"Masarap yan, dahil sa sobrang kapal ng muka mo a kailangan mo ng maging malagkit na pag mumuka!" Sigaw ko rito, hinawakan muli ni Xavier ang braso ko.





"What the fuck! You bitch!" Histeriya niyang sabi at tinuro ako.






Aamba na sana itong manampal ay agad na naka kilos si Xavier, hinawakan niya ang kamay nito. Kita ko kung paano ka galit ang mata ngayon ni Xavier.





"Subukan mo! Hindi na ako mag dadalawang isip na saktan ka, kahit na babae ka!" Banta ni Xavier.





Hinila na niya ako paalis sa shop na iyon. Tumingin siya saakin ng nasa tapat na kami ng sasakyan niya.





"You okay?" Alalang tanong niya.







"Yup" ngingiti naman ako.






Tumango siya, pinag buksan niya ako. At siya na din ang nag ayos ng seat belts ko. Umikot siya upang maka pasok sa driver seat.





"Hinihintay na tayo ni Zachary" sabi nito sa kalagitnaan ng pag dadrive niya.





Ilang sandali pa ay, nasa tapat na kami. Mabilis na kaming bumaba, nakita namin si Xian sa garden at nakikipag laro siya kay Trish.





Ng matamaan niya kami ay agad na siyang tumakbo papalapit saamin.





"Mommy! Daddy!" Umupo ako upang mag lebel ang tingin namin ng anak ko.





Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap, at hinalikan niya ang pisngi ko. Tumingin naman siya sa daddy niya, tumayo na ako. Binuhat naman niya ang anak namin.






"Gusto mo na bang kapatid son?" Tanong niya kay Xian.





Hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi, namilog ang mata ni Xian ng marinig niya ang salitang kapatid.







"Yes dad, gumawa na po ba kayo ng kapatid ko?" Halos mabilaukan ako sa tanong ng anak namin.




Jusko, saan niya nakuha ang salitang iyon? Ngumisi naman ang ama, bwisit ang lalaking ito.







"Yes, magiging kuya kana" masayang humalik ang anak namin sa pisngi sa daddy niya.





Tinadtad niya ang ama niya ng maraming halik sa pisngi nito.





"Saan mo nakuha ang salitang mga iyon anak?" Naka sila pa rin ang ngiti niya ng tinignan ako.




Tumingin siya sa loob ng mansion at muling bumaling saakin.




"Kay tito Dave po" anito at humagikgik.






Kita ko ang inis sa muka ni Xavier, umiling nalang ako. Alam kong minsan ay tinuturuan niya ang anak niya, kaso mukang ayaw niyang tinuturuan ng iba, kahit kapatid niya pa.


♡♡

- vote and comment!

MS 2: Once Again (COMPLETED!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon