Poem

9 2 0
                                    

Natatakot ako
Natatakot ako na baka pagmulat ng mata ko wala na kayo
At maisip mo na layuan na ako
Na itigil mo, na kalimutan na ako

Itong takot na to ang pumipigil sa akin
Para sabihin ang nais sabihin
Para malaman mo ang aking iisipin
Pati ito itong tibok ng damdamin

Ito
Ito ang takot na ayaw maalis sa akin
kahit na sabihing lalambingin
Ang pakiramdam na sabihin na ayaw mo sa akin
At kahit kailan hindi mo mamahalin

Takot lang naman ako
Kahit na sabihin ko
Wala parin namang magbabago
Kasi kaibigan mo pa rin ako

Hidden (Poems,quotes,questions)Where stories live. Discover now