I. CONCERT

7 0 0
                                    

Dumating na sila sa bansa!! Ako na yata ang pinakaexcited na tao sa buong mundo. Gusto ko nga sana makigulo sa airport, kaso naisip ko na ireserve na lang ang energy ko para sa concert nila tutal manunuod naman ako. Mamamatay na ko sa sobrang excitement!

              Handa na lahat ng gamit ko ng araw na iyon. Camera. Fan signs. Mga ginawa kong souvenir items na ibibigay ko sa kanila (kung sakaling makalapit ako sa kanila.) Concert ticket ko na pinag punan ko buong buhay ko. Natawa ako dyan, pero syempre lubus lubusan ang saya ko. Heto na ang pinakahihintay kong pagkakataon para makita ang pinakaiidolo kong grupo mula sa bansang Korea.

              Tanghali pa lang umalis na ako ng bahay kahit na gabi pa ang concert. Magkikita kami ng kaibigan ko malapit sa venue. Ng magkita na kami, pareho pa kaming kinikilig.

              “This is it friend!” sabi ni Maxene, ang bestfriend ko.

              “Is it real? Pakikurot nga ako please!! Pero syempre joke lang yun.” Sabi ko sa kanya. Nagkatawanan pa kami. Kumain muna kami sa malapit na fast food doon. At ang dami na talagang tao. May mga bitbit pang mga tarpaulin at kung ano ano pa. halatang mga adik din katulad namin, aminado naman ako dun.

2 hours before the show, pinapila na kami at handa ng pumasok sa colesium. Ang daming butterfly sa tyan ko! Grabe ang kaba ko. Napahawak na lang ako ng mahigpit sa braso ni Maxene.

At ng makaupo na kamimedyo malapit na rin yun sa unahan. Ng maramdaman kong parang masi-CR pa ako. Naparami yata ang inom ko ng soft drinks. Nagpaalam muna ako kay Maxene na magsi-CR ako.

“Bilisan mo ha! Nandun pa naman sa dulo yung CR e ang alam ko.” Sabi nya.

“Ok. Call me pag wala pa ako in 30 minutes ha.” Sagot ko naman.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hinanap ko na ang CR. At ng makarating na ako dun, may naabutan pa akong ilang babae na nandun. At hindi ako palagay sa kanila. Feeling ko mga bashers sila. Ang sama kasi ng tingin nila sa akin at sa crown na maliit na suot ko na pauso naming mga fans. Mukhang manggugulo lang sila. At gumastos pa talaga sila para manggulo? Ewan ko lang ha.

Nagtuloy ako sa cubicle, at sila ang ngay nila magkwentuhan. Nagtatrashtalk. Di ko na napigilan ang sarili ko at lumabas na ako at sinagot ko na sila.

“Ano bang problema nyo sa kanila ha?”

“Ikaw ano bang problema mo?” sagot ni ateng maangas.

“Kung nandito lang kayo para manggulo sa kanila, please lang wag nyo ng ituloy. Ang layo pa ng pinanggalingan nila tapos ibabash nyo lang.”

“E pano kung ayaw namin? may magagawa ka ba?” sabi ni ate. Sabay kinuha ang crown ko.

Pilit kong inaabot pero tinulak ako ni isa pang ate na kasama nya sa cubicle. Hinarangan yata nila ung pinto kaya di ako makalabas. Sigaw ako ng sigaw. Lumabas lang sila na tawanan ng tawanan.

Ako na lang ang tao sa CR. Wala yatang makakarinig sa akin dahil nasa dulo ito. Ano bang mangyayari sa akin? Konting minuto na lang at magsisimula na ang concert. Wala pang signal sa loob ng CR di ko matawagan si Maxene. Ano  na kayang nangyayari sa labas. Napaiyak na lang ako.

Samantala ang bestfriend ni Charlotte ay nag aalala na sa labas.

“Nasan ka na ba friend!! Cannot be reached ka pa!” Nagpapanic na sabi ni Maxene.

Napagpasyahan nyang pumunta na sa security at ipaalam ang pagkawala ni Charlotte.

BIASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon