“Sabi na nga ba friend, may nangyari. Nagbigay na ng statement si manager via twitter.” Malungkot na sabi ni Max sa akin.
“ok lang. at least di na tayo masyadong umasa di ba. At buti na lang, nakasama natin sila kahit saglit lang. pinakilig tayo ng sobra kahit saglit lang.”
“Grabe no. ung bias natin, ayun pa yung nakaclose natin ng isang gabi. Ayy grabe! Di ko makakalimutan yan sa buong buhay ko!”
“Naitabi mo ba ung fancam natin? Ayun ang tanging pruweba!”
“OO naman friend! Nakasave na sa laptop. Sinave ko pa pati sa email at lahat ng usb ko para sure!”
“Yun oh! Mukhang engot lang ako dun! Hahaha!”
“Ikaw kaya ang pinakamagandang babae nung mga oras na yun friend! Ang haba-haba ng hair mo grabe!!! Pero di ko pinost sa kahit anong social media site yun, mahirap na para sayo. Yung ibang fancam lang ang pinost ko, yung mga hindi ka kasali para safe. ”
“Thank you Max.” sabi ko sabay halik sa pisngi nya.
“Ang sweet mo talaga friend! Tara na nga at kumain na lang tayo! Di pa ako nag aalmusal eh!”
“Tara!”
Pagkatapos kumain ng dalawa ay dumiretso sila sa bahay nila sa Maxene.
“Andito na ako. Kasama ko si Charlotte.” Sabi ni Max pagbukas nya ng pinto ng bahay nila. “As usual walang tao. Tara manuod tayo ng fancam mo!”
“Gora! Excited nako!”
Habang nanunuod ako ng fancam ay kilig na kilig ako. Grabe! Ang tindi mo magpakilig Chris!! Si Max naman ay busy sa pag-iinternet.
“Max, nagtweet na ba sila?”
“Wala pa nga ni isa sa kanila eh. Bakit ganun parang ang tahimik nila? Ano kayang nangyari?”
“Kahit naman itweet ko si Chris, di nya rin mababasa kasi sa dami ng followers nya.”
“Itweet mo pa rin sya! Pero wag mo iflood ha, baka makilala ka ng mga fans at baka ikaw naman ang dumugin. Itweet mo sya. Atleast nangumusta ka.”
“Di ba ako feeling close nun?”
“Di yan ano ka ba! Dati rin naman tinutweet mo sya di ba? Saka ayun nga sabi mo, baka di nya rin mabasa kasi sa dami ng followers nya. Hmmm… try mo kaya sya i-DM?”
“Na-try ko na rin yun dati, wa epek naman.”
“Gawin mo nalang! Pakipot pa te? Uso ba yan?”
“OO na po! Hahaha, mamaya pagdating ko sa bahay, i-Dm ko sya. Ikaw din! I-DM mo si rafael!!” pangangantyaw ko kay Max.
“Achuchuchu ka! Wag mong baligtarin ang sitwasyon. Pero sige.”
“Achuchuchu ka friend!~”
“anong achuchuchu yan ha! Nandito na pala kayo. May dala akong snacks oh.” Sabi ni Miggy.
“thanks kuya!”
“Ano na naman yang pinagkakaabalahan nyo dyan ha? Panigurado yang KORYAN na naman na yan.”
“Kuya naman, maka KORYAN ka jan.”
“E hindi naman kayo nagkakaintindihan nung mga yun, kung makasamba kayo dun.”
“Anti ka na naman jan kuya. Wag ka nga. Kaya di ka nagkakashota eh.”
“Ewan sa inyo. Dyan na nga kayo!” at lumabas na ng kwarto si Miggy.
“lagi na lang kayo nag-aaway ng kuya mo.”
“Dahil sa mga bias natin kaya kami nag-aaway. Selos na selos sya dun.”
“wala bang nililigawan si kuya mo?”
“Ewan ko dyan. Di naman nagkukwento eh.”
“Edi tanungin mo sya next time. Para naman mawala na yang pagseselos nya sa mga bias natin. Naghahanap lang ng makakakwentuhan yan eh. Saka para maging close kayo.”