Kinabukasan, sa tagpuan namin with the boys…
“Sigurado ka bang dito sinabi ni Rafael na magkita tayo? Di kaya nag aasume lang tayo at nananaginip??” tanong ko kay Max.
“Kinurot ko naman ung pisngi ko after namin mag usap eh. Nasaktan naman ako, so di ako nananaginip kahapon.”
“Eh bakit wala pa sila??? OMG.. kinakabahan talaga ako friend!!! Kasi parang lahat umaayon sa atin. Nagtataka ako bakit napakaswerte natin?”
“OO nga eh, pati ako di pa rin makapaniwala hanggang ngayon. Wala naman syang sinabing time. Sabi ko lang pupunta tayo dito early in the morning. Umokey naman sya.”
“Ihanda nalang natin ang mga sarili natin. Baka may biglaang appointment sila ngayong umaga. Or baka di na tuloy ung fan meeting nila later kaya umalis na agad sila dito sa pinas. Maraming possibilities. Kaya ihanda na lang natin ang feelings natin friend.”
“OO friend handa na naman ako. Teka icheck ko lang yung twitter at facebook ko, baka sakaling may balita about sa kanila.”
FACEBOOK/TWITTER:
“Di na raw matutuloy yung fan meeting/presscon mamayang gabi.”
“Di na matutuloy yung mall show nila ngayon.”
“May biglaang conflict sa schedule ng isang member ng grupo.”
“Humihingi ng tawad ang manager ng grupo sa biglaang pag-alis ng mga ito.”
“Maaari ng irefund ng mga bumili ng ticket para sa fanmeeting.”