“DM, hindi? DM, hindi? DM, hindi?” paulit ulit na sabi ko. “Iba na talaga to. Bat ganun? Hindi na normal na fangirl feels ang nararamdaman ko para kay Chris!!”
“OK ipush ko na ito.” Type, type, type. Send!
“Wooh!! Sana mabasa man lang nya ito. Sana di matabunan ng ibang DM ng mga tulad ko fangirl. Di na ko umaasa na masagot nya to, sana mabasa man lang nya.”
Kinabukasan sa school nila…
“Girlfriend!” sabi ni Max sa akin.
“Sinong girlfriend? Sinong may girlfriend? Oh my gosh!!”
“OA mo te. Tinawag lang kitang girlfriend para naman may tawagan tayo.”
“Bigla-bigla ka kasi eh! GF nalang para maikli. Ok ba GF?”
“ang artiii!!! Ok GF!! Oh ano ng nangyari sa DM mo?”
“E ikaw anong nangyari sa DM mo?”
“Kainis naman to oh, ako yung naunang magtanong eh.”
“Wala eh, nakatulog na ako kagabi, walang reply. Ok lang di naman din ako umasa na magrereply sya eh. Sa dami ba naman ng followers nya. E ikaw?”
“ganun din, ano pa ba. Hmmm, gusto mo icheck? May free data ako ngayon eh.”
“Wow bigtime. Sige icheck mo muna yung sa iyo. Pero wag ma-hurt pag wala ha!”
“OO naman yes. Bawal mag expect. Nakakamatay.”
At ng tinignan na nila ang kanilang mga account, walang reply pareho.
“OK. Life goes on GF!!”
“Yes naman! ay nga pala, kanina dumaan dito si kuya.”
“O anong sabi? Nagkwento na ba sya sayo?”
“wala namang nakwento eh. Kinukulit ko. Saka tinanong ko kung bakit sya dumaan dito eh wala naman syang kailangan sa akin.”
“Baka may crush sya dito GF!!”
“OMG. Di ko nanotice yun ah! Hayaan mo from now on, babantayan ko na yan si kuya!”
“Oh, hayun na naman yung kuya mo oh! Ayan na sa pinto ng room natin. Puntahan mo na! at nagkakagulo na ang mga classmate nating babae na may crush sa kanya.”
Lumapit na si Max kay Miggy.
“huli ka kuya! Taga-dito ang crush mo ano!”
“oy! Hindi ha! Dinalhan lang kita ng snacks eh, kasi sobra yung nabili ko.”
“Achuchuchu ka kuya! Sinong crush mo dito? Sabihin mo na! parang di mo naman ako kapatid oh! Tignan mo yung mga classmates kong babae, crush ka nyang mga yan.”
“naku tigilan mo nga ako Max. sige aalis na ako.”
“Ewan sayo kuya! Pero salamat dito ha!”
At umalis na si Miggy. Halos lahat ng classmate namin na babae ay lumapit kay Max.
“Max! ilakad mo naman ako sa kuya mo!”
“max! para sa akin ba yang binigay ng kuya mo?”
“Max! ang swerte swerte mo sa kuya mong gwapo!”
“Ay nako, para sa akin po ito. Salamat sa pagpuri sa kuya kong napakagwapo! Salamat!”
“max! ano yang dala ni kuya mo?”
“snacks! Sobra raw yung nabili nya kaya eto dinala nya sa akin. Pero tingin ko para sa crush nya ito. Nahiya lang sya na ibigay kasi ang dami ng tao dito ngayon.”
“Oh ano pang hinihintay mo? Kainin na natin yan!”
“Anong kainin na NATIN yan ha Charlotte?”
“oo kainin na NATIN yan! Girlfriend mo ako eh, natural iseshare mo sa akin yan!”
“Ang lakas mo talaga GF!”
Di nila alam, nakasilip pa rin mula sa pinto si Miggy at nangingiti.
“GF, After ng exam mamaya date tayo ha.”
“Saan naman GF?”
“hmmm… kung saan makakalimutan natin na brokenhearted tayo!”