At after nga ng exam ay dumiretso kami sa isang ice cream house.
“Akala ko ba sa isang lugar kung saan makakalimutan natin na brokenhearted tayo? Eh tignan mo nga GF ung pinapalabas nila sa tv, yung nakaraang concert nila.”
“haayy.. mawawala na ang pagkabroken natin neto, kasi nakita na natin sila.”
Oo nga naman ano. Medyo gumaan nga ng konti ang pakiramdam ko ng makita ko si Chris, kahit sa screen lang ng TV.
Feeling ko, lalo akong nafa-fall kay Chris habang tumatagal. Mas lalo ko syang namimiss. Nakakainis ka talaga Chris! Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito! Pero alam ko naman na isa lang yun sa pangarap ko na natupad. Fan-service lang siguro ang nangyari sa amin nung gabi ng concert nila.
Masama talaga ang umasa e, pero heto pa rin ako hanggang ngayon, umaasa pa rin na maalala ako ng isang taong sa tingin ko hindi na ako kilala ngayon.
Para bang hanggang puro imagine na lang ako. katulad nung mga bidang babae sa mga koreanovela. Di ko mapigilang hindi maimagine eh. Yung tipong nakarating na ung imagination ko sa puntong kasama na sa future ko si Chris. Ang sakit isipin na malabo talagang mangyari yun.
Kung baga sa telenovela, langit sya, lupa ako. ok bye, masyado na naman akong nag-iimagine. Naalala ko na naman na broke ako. kailangan ko ng magmove on! Help me if you can, I’m feelin’ down!
Pero bakit ba di ko mapigilang hindi panuorin ang mga videos ng grupo nila? Pakinggan ang mga kanta nila? Tignan ang mga pictures nila? Lalo na si Chris.
Di ko maexplain! Parang hihimatayin ako everytime na maaalala ko yung pagkanta nya sa harapan ko. Iniisip ko na lang lagi na fan service lang nila yun. Para lang kiligin ang mga nanunuod sa kanila.