Ng malapit ng matapos ang concert, may farewell thank you pa ang grupo.
“Thank you all very much for coming on our concert here!”
“WE wish to come back really soon!”
“And for that special girl who stole our leader’s heart, please take care of it! And we want, I mean we love to see you again and your lovely friend!”
Tilian ang lahat na naman! nawala yung pagkatulala ko sa sinabi ni Rafael sa dulo.
“AND your lovely friend.. OMG Maxene!!!” pang aasar ko naman sa kanya.
“Stahphettt!!” kinikilig na sabi ni Maxene. Nagpaluan pa kami ni Max sa braso sa sobrang kilig.
“Hey!” nangingiting pagpipigil ni Chris kay rafael.
Sabay nagbow na silang lahat at umexit na.
Habang naglalabasan na ang mga tao, kanya kanyang kwentuhan. At halos lahat sila pinagkukwentuhan ang girl na sinasabi ni Chris.
Ako ba talaga yun? Grabe! Di ko talaga maimagine!! Hinubad ko na ang jacket na binigay nya at niyakap ko. Di pa rin ako makamove on sa mga nangyari. Mahirap na mag assume.
“Friend, kain muna tayo!” aya ni Max.
Ng biglang nag ring ang phone ko.
“Hello? Kuya? Bakit po? Katatapos lang ng concert kuya grabe!”
“Mabuti pala at tapos na, dumiretso ka na dito sa ospital inatake na naman si papa.”
“Max, mauuna na ako. Inatake na naman daw si papa e. didiretso na ko sa ospital. Sorry ha.”
“ok lang sige na umalis ka na. papasundo nalang ako kay kuya mamaya after ko kumain. Ingat ka friend!”
At umalis na ako.