IV. SLOWMOTION

2 1 0
                                    

            At bago pa man kami lumabas ng dressing room ni Max, inabot na namin sa kanila ang mga ginawa rin naming remembrance. Tuwang tuwa naman sila sa binigay namin mga stuff toys at bracelets. At sinuot na nila ito agad.

            “thank you Charlotte and Maxene! You’re such an angel!” sigaw nila. Lalo tuloy kaming nagblush ni Max.

            Pagbalik namin ni Max sa seats namin, nagstart na ang concert. Grabe ang lakas ng hiyawan! At syempre nakisigaw na rin kami ni bff. At nung moment na lumabas na sila, lalong nabaliw ang mga katulad naming fangirls! At nagsimula na silang kumanta. Syempre handa na ang camera namin para sa fancams. Nakikisabay na kami ng pagkanta sa kanila.

            At nung kinakanta na nila ang “baby, I want you”, nagsibabaan sila ng stage para makainteract sa mga fans! Lalong nagkagulo! Pero may mga security naman na nakabantay. Ay grabe! Hinahanap ko kung san nagpunta si Chris kasi busy ako pagpafancam, dun sya pumunta sa bandang gitna. At nung bumalik sya, papunta naman sya sa malapit sa amin!!

Parang nagslowmotion ang eksenang yun. Nakita kaya ako ni Chris? Ako ba yung nginingitian nya? Di na ako nakapagfancam nun, sayang.

“OMG Charlotte!” kinikilig na sinisiko ako ni Max.

At nung chorus na ung kinakanta nya, nasa harapan ko na si Chris. Kinakantahan nya ako habang hawak ang isang kamay ko. Di ko alam magiging reaction ko, para akong lumulutang!! Ang alam ko lang nagrerecord pa rin ang camera ko at nakatutok sa kanya. Nafreeze ako grabe. Nakasmile sya habang kumakanta. Inggit na inggit ung ibang girls at grabe ang sigawan nila!

After ng chorus, nagsmile sya ulit sakin at binigay nya sakin ang hawak nyang rose. After nun, umakyat na sya ng stage. At tulala pa rin  ako nun. Tinapik na lang ako ni Max para gumalaw na man ako.

Ng matapos ang kantang yun, nagchill muna sila sa stage. Nagkwentuhan saglit, fan service kung baga. At nagsalita si rafael.

“you know what, there is a girl behind these sparkling eyes of Chris.”

At naghiyawan ang lahat! Kinakabahan ako grabe! Pabirong tinulak ni Chris si Rafael. Nagtawanan naman ang iba.

“hey, that’s true believe me! Don’t feel jealous to her ok? Please be good to her!” sabi pa ni Rafael.

“Lets just ask Chris himself if its true, ok?” gatong pa ni Miggy.

“Charlotte!! Bang ganda ganda mo! Haba ng hair!! Kabog na kabog!!”  pang aasar ni Max.

“Oy wag ka ngang maingay! Baka marinig ka ng iba eh!” nahihiya kong sabi.

“I don’t know how to say or what to say. Stop it guys.” Nahhiyang sabi ni Chris habang nakayuko.

“Hey don’t be shy pretty boy! These tons of girls will definitely love you even if you have that girl. Am I right ladies??” tanong ni Miggy.

Naghiyawan na naman ang lahat. Supportive para kay Chris.

BIASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon