Exams are totally done. Monday na yung results and I'm wishing for a good results. This is the best birthday gift that I could give to my mom.
Habang tumatagal nasasanay na akong mag isa sa bahay na walang kausap. At makausap. Tanging TV lng yung nag iingay sa bahay minsan naman ako. Kasi kumakanta kanta ako.
Minsan naman si justin pa bigla biglang dumarating dito.
Papunta na kami ngayon sa bahay ni tito. Kasi doon lang naman gaganapin yung party niya. Naka casual lang kami ni justin.
Hindi na ako masyadong nagpa bongga ng suot kasi aalis din naman agad kami. Si justin sobrang gwapo, muntik ng hindi ko makilala.
Ayokong ma expose masyado sa mga taong related sa business kasi tatanungin na naman ako kung anong plano ko pag nakatapos ako. Pagod na pagod na ako sa ganyang mga tanong. Nakaka pressure sa part ko.
Nakarating na kami sa bahay ni tito. Naghanap lng na parking slot si justin. Andami naman kasing sasakyan.
Binuksan naman ni justin yung pinto para sa akin. Bago ako bumaba. "Chivalry is not dead" He smiled.
"Thank you" I blushed.
Pumasok na kami sa bahay ang dami ng tao. Yung iba nakikita ko sa office ni daddy noon. "Let's go" I said. At hinawakan yung braso ni justin.
"Wait." He said. Kaya napatigil ako. Tumingin ako sakanya. "Why?" I asked. Bigla niya agad kinuha yung kamay ko sa pagkakahawak sa braso niya at hinawakan yung kamay ko.
His hand fits in mine so bad. Natatakot ako baka marinig ni justin yung lakas ng tibok ng puso ko.
"Fia, you made it" Tito hugged me.
"By the way tito, this is justin my friend" At tumingin siya kay justin.
"Hello Justin. Nice meeting you" Tito smiled at tumingin sa akin. Parang may sinasabi yung mga mata niya.
"Glad to meet you sir" Justin replied. Nag shake hands lang sila at konting usap-usap tungkol sa business. Nagulat pa ako kasi nakikipag conversate pa talaga siya kay tito.
"Enjoy the party. May kakausapin lang ako." Sabi ni tito at umalis na.
Umupo naman kami sa isang table at kumain. Ofcourse hindi mawawala sa party yung pagkain.
"Marami ka palang kakilala dito" Tumingin ako sakanya habang umiinom siya ng wine.
Marami kasing nakakapansin kay justin. "Dad's fault" He smiled a little. "Ikaw nga. Most of them are boys" He said not looking at me.
"Mga kaibigan yun ni kuya. Minsan kasi pag may outing sila sumasama ako kaya ganun" I explained. Bakit ba ako nagpapaliwanag?
"So may kuya ka pala?" He asked.
"Yes. Kasama niya si daddy at mommy ngayon" Bigla akong nalungkot. Tumango lang siya. "Bakit hindi ka sumama?" Tanong niya.