Chapter 37

20 1 0
                                    


Maaga nga kaming nagising ni ryan dahil sa tunog ng kanyang alarm "You want coffee?" Tanong ni ryan sa akin habang yakap ako patalikod.

"Yes please" kinuskusot ko pa ang aking mata dahil sa antok. Alas tres pa ng umaga at gusto ko pang matulog ulit. Pero alam kong naka bantay lang si ryan sa akin dahil alam niya talagang babalik ako sa pagkakahiga.

Tapos na akong makapag bihis binaba na ni ryan yung gamit namin. "You want some bread?" Tanong ni ryan.

"I don't feel like eating now" Ako lang ba yung ayaw kumain ng 4am? Parang hindi ko kayang lunukin yung pagkain. Pagkatapos naming mag coffee ay sabay din kaming mag toothbrush ni ryan.

"Bub you should shave na" reklamo ko nung napapansin kong humahaba na yung bigote niya. "Help me shave later" sabi ni ryan at tumunog na ang kanyang phone..

"Malapit na raw sila. Labas na tayo" Sabi ni ryan. Pagkalabas namin ay madilim pa. At malamig ang simoy ng hangin. 7 am yung flight namin papuntang puerto princesa sakto lang yung oras na aalis kami kasi malayo pa kami sa airport.

May tumigil na isang van sa harap ng bahay at lumabas na si Mike "Good morning you too" he greeted us. Nilagay agad ni ryan yung maleta namin sa likod. Pagka bukas ng van ay nakita ko agad si roy at julia na natutulog. Si chad at dianna naman ay nakikinig ng music sa kanilang earphones. Habang si jane ay nakangiti na bumati sa akin. Habang si justin at anne ay nasa likod. Shocks doon nalang yung vacant na seats. "I'll go first bub" mahinang sabi ni ryan at pumasok na.

Sa likod na kami umupo ni ryan at dahil four seats yun. Si anne yung nasa pinaka gilid at katabi niya si justin. Si ryan ay umupo sa tabi ni justin kaya umupo na ako sa pinakagilid din. Pagkaupo ko ay bumulong na agad si ryan sa akin. "Sorry, but can we change seats?" Tumingin naman ako sakanya at gusto kong matawa. Ang lalaki kasi ng mga biceps ayan tuloy ang sikip pag sila yung makatabi. Tumango na ako at nagpalit kami. Pagkaupo ko palang ay naamoy ko agad yung pabango ni justin.

Binalewala ko agad yung mga naalala ko sa amoy niya. "You okay?" Bulong ni ryan sa akin. Tumango lang ako at nilagay niya agad yung kamay niya sa bewang ko. Alam kong napatingin si justin don kasi nahapit din yung damit niya. Damn!

Binalewala ko lang yon at nakatulog ulit hanggang sa nakarating kami sa airport. Kumain pa kami ng breakfast at nag kwentuhan habang hinihintay yung flight namin. Tinawag naman ako ni jane kasi nagpapasama siya sa toilet. Sumama naman si julia sa amin at nag freshen kami.

"Pagkadating natin sa puerto 6 hours na byahe na naman papuntang el nido" Masayang sabi ni julia.

Kayanin kaya namim yung six hours na byahe? Pagkalabas namin ay nakasalubong namin si dianna at anne. Doon ko lang napansin yung hoodie niya. Yon yung pinasuot sa akin ni justin nung nakita niyang magkapareho kami ni roy ng hoodie.

"Una na kami sa inyo ah" Sabi ni jane. Tumango lang si dianne at nakatingin pa rin si anne sa akin. Kaya nag iwas na ako ng tingin.

What's happening to me? Bumalik na kami sa boys. Na nag hihintay sa gate namin 15 minutes nalang at boarding time na namin.

Nagtatawanan lang yung mga jowa namin habang si jane naman ay may pinapakita sa aking mga photos ng damit. May sarili ng clothing line si jane at sobrang proud ko para sakanya. She wanted me to work with her pero naka focus ako sa family business namin. Si kuya ed at ate lexie ay ikakasal na din. Kaya alam kong magiging busy si kuya kaya ako muna yung mag hahandle ng works niya.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now