Sofia's pov
Maaga na naman akong ginising ni justin hinanda ko agad lahat ng gamit ko at yung sarili ko bago bumaba "Good morning po" Bati ko kay manang at manong berto.
Sabay namang bumati si manong at manang sa akin. "Kumain kana" Sabi ni manang. Na miss ko talaga yung luto ni manang
"Sa labas na ako mag hihintay sayo fia, wag ka masyadong magtagal at baka ma late ka na naman." Biro ni manong.
"Okay po" ngumuso ako.
"So malapit na yung midterms kailangan na natin tapusin yung chapter 15 ngayon. And by tomorrow mag bibigay na ako ng pointers." Sabi ni Sir.
"Yes Sir" Sabay kaming sumagot sakanya.
"Fia" lumingon naman ako sa tumawag sa akin at nakita si roy.
"Bakit?" Tanong ko. Napalingon naman si justin pero binalik din agad sa harap.
"Your pen" sabay bigay sa akin nung ballpen ko.
"Thank you" I smiled.
"Si manong berto na yung susundo sa akin " Malungkot na sabi ko.
"Ma mimiss na naman kita" justin said.
"Just call me" I said.
"Okay! Take care" Hinalikan niya ako sa noo at umalis na.
Nandito lang ako sa bench habang nag hihintay kay manong berto pina alis ko na si justin ayaw ko kasing makita kami ni manong berto na magkasama. Baka kasi pag hinalaan kami at isumbong ako kay daddy.
Dumating rin agad si manong at sumakay ako. "Fia, tumawag yung daddy mo kanina may emails daw na kailangan mong ayusin" Sabi agad ni manong.
"Okay po. Thank you po" I said.
Nakarating na ako sa bahay may tatlong package for me at lahat para sa business ni daddy.
Pumasok agad ako sa kwarto at binuksan yung laptop ko. Sobrang daming emails na kailangan kong gawin. Yung packages lahat documents.
Tumawag naman si daddy sa akin. "Hello dad?" I said.
"Have you read all the emails? How about the packages?" Tanong niya agad. Nalungkot ako kasi trabaho agad yung tinanong niya sa akin..
"Binabasa ko pa ngayon dad. Kakarating ko lang po sa school" I said.
"Okay. I need that all on thursday make sure to finish that on time. Call you back fia we miss you" End call. Gusto ko tuloy umiyak. I really hate this.
Hindi ba pwedeng kamustahin niya muna ako? Pero hindi ko naman masisisi si daddy ganyan talaga sya ka workaholic.
"Fia, tomorrow is the day." Text ni jane sa akin.
"Okay just text me what time?" I asked.
"After school. We need to be early so we can get the nicer one. Morning sana sila mag oopen kaso may pasok tayo kaya they moved it after school." She said.