C-16 🌹

20 0 0
                                    

Gusto niya rin ako? Pwede bang mag celebrate? Muntik na akong di makatulog kagabi kasi sobrang tagal mag sink in sa utak ko yung sinabi ni justin.

Kotang kota na ako kagabi. Kasi bukod sa sinabi niyang gusto niya ako. Hinalikan niya rin ako.

For the first time that we kissed I know that I already love justin. He makes me happy and sad maybe that's the reason why I fell in love with him.

"Fia" Narinig ko namang may tumawag sa akin. 

"Oh bakit?" Tanong ko kay andrea.

"Can I have justin and roy's number?" Sabi niya agad.

Ano na naman kaya yung iniisip ng babaeng to. "Bakit di nalang sila yung kinausap mo?" Sabi ko. At nagpatuloy sa paglakad.

"Mas madali kasi pag sayo ako humingi" Nakangiting sabi niya.

"Well, wala akong maibibigay sayo. Ask them first" I said. At nauna ng maglakad sakanya.

I'm so tired of this girl. I will never give her justin's phone number.

Pumasok na ako sa classroom. Naka upo na silang apat. Umupo na ako sa tabi ni justin at humarap agad siya akin. "Woah! Ano na naman?" Sabi ko.

"Akala ko kinain kana ng CR." Nakangiting sabi niya.

Hindi pa rin nawawala yung pan aasar niya. Parang di awkward sakanya yung nangyari kagabi.

Buti nalang magaling akong magtago ng nararamdaman. "Madami kasi yung gumamit." Reklamo ko.

"Bad mood ka ata" Sabi niya. Kaya napatingin ako sakanya.

Nababasa niya ba kung anong iniisip ko? "Wala lang to" Mahinang sabi ko at umayos ng pag upo. "Tell me" Sabi niya.

"Uhm, excuse me" Napalingon naman kami. The heck andrea what are you doing?

Tumingin siya kay roy at justin "Alam ko pa bigla bigla ako pero pwede bang makuha yung numbers niyo?" What the heck, siya yung humihingi ng number?

Nagulat naman silang apat dahil kay andrea. "Bakit gusto mong hingin yung number namin? Para saan?" Tanong ni roy.

Nakita ko namang kinakabahan si andrea. "Gusto kasi kayo ng mga kaibigan ko" Nahihiyang sabi niya.

Kaibigan niya? Pa iba iba kaya siya ng sinasamahan. "Bakit ikaw yung humihingi?" Sabi naman ni justin.

Tahimik lang akong nakikinig sakanila hanggang sa dumating si Sir at nagsimula na yung klase.

Bumalik nalang si andrea sa seat niya. At gusto kong matawa.

Nakaka antok yung one hour class ni sir. Mahihirapan talaga ako sa midterms nito.

And speaking of midterms. Yung result ng prelim examination namin, Sa class nato Second ako sa highest dahil si Mike yung first, Roy got the third.

Yung sa second class naman Ako yung first tapos si roy naman yung second and third is mike. Nagugulat din ako kasi marami namang mas matalino sa akin sa class na yon.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now