Sofia's Pov
We're here at the cafeteria eating our lunch. "Bukas na natin sisimulan yung business proposal" Sabi ni mike. Tumango naman kaming lahat.
Magiging busy na naman kami neto pero okay lang alam ko namang makakaya rin namin to.
Para sa future, laban lang.
4 months na rin pala akong mag isa sa bahay. Kahit anjan sila manong at manang lydia, paminsan minsan na lang rin sila natutulog sa bahay kasi lalo na ngayong umuwi yung pamilya ni manang lydia galing din sa ibang probinsya. Kaya minsan ako nalang talaga mag isa bahay.
Buti nalang pumupunta si justin palagi sa bahay. Kaya may kasama ako.
"Justin, pinapatawag ka ni Sir lester sa admin" Sabi ni roy.
"Bakit daw?" Tanong naman ni justin at tumingin sa akin.
"Di ko rin alam, basta sabi niya pumunta ka daw after class" Yun lang sabi ni roy.
Gusto ko sanang samahan si justin sa admin kaso pupunta kasi ako kela tito ngayon. Kasi makikipag laro ako kay zia at zoe.
"Call you later baby" yun lang sabi ni justin at umalis na sila ni roy. Hinatid naman ako ni chad at mike sa bahay ni tito. At nagpa alam sakanila.
Pagkapasok ko palang sa bahay, patakbo na akong niyakap ni Zia. "Tita sofie, bakit ngayon ka lang bumisita?" Sabi niya.
"Sorry zia, busy kasi si tita sa school. Nasaan na si Zoe?" Tanong ko kay zia
"She's in the toilet" Sabi ni zia. Kaya nagpunta nalang ako sa kitchen nag bi-bake na naman ng cookies si tita.
"Fia, you're here. How's school?" Tanong agad sa akin ni tita.
"Okay lang po. Busy lang po talaga this week." I said.
"I hope these cookies will give you some energy" At bigay sa akin ng cookies.
I take a bite. And everything was history. Charot lang ang sarap kasi. "Tita, how to be you po?" I said. Natawa naman si tita at sinagot ako ng "Ask your tito" at tumawa na namin kami.
Nakipag harutan lang ako sa kambal ng ilang oras. Sabi pa ni tita dito nalang daw ako matulog kaso, marami pa akong gagawin sa bahay.
Pinahatid naman ako ng driver nila tita pauwi, kasi medyo madilim na. "Manong salamat po. Mag ingat po kayo" paalam ko sa driver nila tita. At pumasok na sa bahay.
Ginawa ko agad yung night routine ko pagka pasok ko sa kwarto.
Sinuot ko agad yung tshirt ni justin at sinimulan yung business proposal. Gusto ko kasi, gumagawa ako ng sample para naman kung alin yung mali yun nalang yung babaguhin. Mas madali pa yung process ng pag gawa.
Habang nasa gitna ako ng pag gawa tumawag naman si justin sa akin. "Yes baby" sabi ko agad.
"I have to tell you something important" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni justin.
"Is it a good news?" Seryosong tanong ko. "Or a bad news?" Dagdag ko.
"Tumawag si daddy sa admin. I need to be excused for 1 week."Deretsong paliwanag ni justin.