Chapter 38 ✨

22 0 0
                                    

 "Magpa hinga ka muna sofia" Sabi ni julia sa akin nung natapos na kaming maligo. Kagagaling lang din namin mag island hopping yung tour C. Pinuntahan namin yung Hidden beach, Secret beach, Matinloc shrine, Star beach at Helicopter Island. Kahit papano ay nakalimutan ko yung trabaho. Ngayon lang ako naka ramdam ng antok ng naka uwi na kami. 

"I need to finish this. I'm losing clients if I will not move" Naka harap na naman ako sa laptop dahil sa daming emails na kailangan ng feedback ko. Anong oras na rin akong nakatulog kagabi kahit si ryan ay di rin natulog ng maaga kahit pagod kami sa island hopping. Nasa tabi ko lang siya tahimik at naka tingin sa akin na sobrang stressed. Yung presence niya lang sapat na sa akin yon kasi pag wala siya sasabog na ata ako sa galit at di ko na alam kung anong gagawin ko. 

"Hindi talaga natin maiiwasan na hindi mag trabaho. Kahit ako marami din akong kailangang i monitor para sa business ko." Sabi naman ni jane na nakahiga sa bed niya. Busog pa kaming lahat dahil sa dami ng kinain namin sa boat. Baka gigising sila mamaya para mag dinner kami sa labas. 

Nakatulog na agad si Dianne at Anne sa sobrang pagod. Lumabas nalang ako para di ma istorbo yung mga tulog nila. Bumalik ulit ako sa gazeboo at doon pumwesto. Hindi ko na rin sinabihan si ryan na nandito ako para makapag pahinga din siya. Kanina pa kasi siya humihikab "Bakit di ka pa nagpapahinga?" Nagulat naman ako nung tumabi si justin sa'kin. 

Naamoy ko agad yung pabango niya. "May tinatapos lang ako. Ikaw ba bakit di ka pa nagpapahinga?" Tanong ko ng nakatingin pa rin sa laptop. "I can't sleep. Kaya lumabas ako" Sagot niya. 

"May problema ba sa trabaho mo?" Tanong niya. I ended up saying everything."Alam na naman namin yung reason kung bakit di dumating on time yung items. Dad also talked to the client and it was already fixed." I explained. Tumango siya "I'm just finilizing my report about the incident" Sabi ko habang nag t-type sa keyboard. 

"How are you now?" Mahinang sabi niya na para bang ayaw niyang marinig ng iba. I glanced at him at nilalaro niya yung kamay niya. "Ganun pa rin" Malapit na akong matapos sa report ko "Masaya ka ba ngayon?" Sambit niya na nagpatigil sa akin. 

Hindi ko alam at bakit sinisimulan niya ako ng mga ganitong tanong. "Masaya ako justin" Di pa rin ako tumitingin sakanya. Kinakabahan ako sa mga tanong niyang ganito. "Ano ba ang gusto mong sabihin sa kin?" dagdag ko. 

"I miss you" He whispered. Napatingin ako sakanya na nakatingin sa akin. Parang sasabog yung puso ko sa sinabi niya. "Justin, alam mo naman na di-" he cut me off

"Alam ko masaya ka na kay ryan and I can see it. That's why I'm asking you if are you really happy now?" He asked. Kinakabahan ako sa mga pwede kong masabi sakanya. Malakas pa rin yung epekto niya sa akin. Hindi ako makasagot sa tanong niya kasi kahit ako ay naguguluhan din. Ang alam ko ay masaya ako at Mahal ko si ryan. 

But is it enough? Sapat na ba na masaya ako at mahal ko siya?

"It's already fucking two years sofia. But why do I still feel this way?" Naguguluhang tanong niya sa akin. Sana pala ay natulog nalang talaga ako para hindi na kami mag usap ng ganito. 

"You're being unfair to your girlfriend Justin. What are you talking about?" Kinakabahan na ako sa mga sasabihin niya.

"You're not answering my questions" Malamig na sabi niya. 

"Sabihin mo sa akin na wala ka na talagang nararamdaman sa akin" Damn! what's wrong with him? 

"Tell me sofia" Malambing na sabi niya. "Justin you're talking nonsense" Sabi ko. Tatayo na sana ako pero hinila niya yung kamay ko "Sabihin mo sa-" 

"I am happy justin, Ryan is my life now hindi ko makakaya kung wala si ryan sa tabi ko. Kalimutan na natin yung nakaraan" Nag babanta na ang mga luha ko pinipigilan ko yung sarili kong hindi maiyak sa harapan niya. "I know you still have feelings for me I can feel it" Is he still hoping for us to be okay again?

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now