Kasalukuyan akong nasa coffee shop kasama ang mga kaibigan ko iaantay na lng namin ang isa pa naming kaibigan na laging late sa kahit anong lakaran .
Nga pala ako si Cindy Villagomez , buti na lng at naging maikli pangalan ko di tulad ng iba na pang-apat na na tao ang pangalan nila sa sobrang haba -_- . Dalawa lng kaming magkapatid at bunso ako so lahat ng gusto ko nakukuha ko. Spoiled din ako pagdating kay kuya at sa parents ko . 18 years of age na din ako di ko pa nga tanggap ang edad ko tapos magbibirthday na naman ako next month . saklap diba ? Im taking Bachelor of Science in Business Administration . I took up this course kasi idol ko ang kuya ko. 2 years lng ang gap namin ni kuya kaya close kami sa isa't isa . Graduate na saya at nag tatrabaho na sa company namin.
A year ago, Sinama ako ni dad nung naghahanap kami ng condo pinapili nya ako kung Arendelle One daw ba o Arendelle two. Base sa design ng Area at sa unit mas maganda ang Arendelle One kaya mas pinili ko ito not knowing na eto pala ang gift nya sakin nung nag 18th birthday ako.
Kinalabit ako ni Master tsaka biglang tanong sakin . "Anong ginagawa mo ah?"
"Nagbabasa ng BS may bago ba ? hahaha" sabay tawa namin ng malakas .
Meet Master , tawag lng namin sa kanya but her real name is Grace Ann o diba ang layo . Haha . Akala namin nung una tahimik pero madaldal din pala bagay na bagay sa grupo naming lahat madaldal . Mahaba ang buhok na laging kinukulot, nakikijoin sa bawat trip ng barkada. Maputi din at payat. Si Mayor ang may pakana kung bakit sya Master ngayon.
Si Mayor naman nerdy, pilosopo, sobrang matalino, medyo may pagka weird, joker minsan . Inaasar nya lagi si master kaya feeling namin may gusto sya kay master :p Real name nya Bryan , tinawag syang mayor kse sa kilos at madaming alam.
"Hay nako antagal ni Mhay ! " narinig ko na mang reklamo ni Tintin sabay subo ng cake na na sa tapat nya. Round yung table so nakikita ko lahat ng pinagagagawa ng mga kaibigan ko.
Si Tintin sya ang medyo mataba sa barkada namin. BigaTin kumbaga. Mahaba buhok, matangos din ilong at soyal ang pagbabanggit sa salitang rr :) Boyfriend nya si Mau, pero wala sya ngayon malay ko ba kung saan . yung boyfriend nya naman payat, yung tipong hipan lng matutumba na , pero matangos di ang ilong.
"Haaawaaaaaaay " narinig ko na mang hikab ni Leklek. Ang aling maliit sa grupo namin. Maliit sya na medyo malusog pero cute, medyo mahaba din ang buhok, minsan seryoso din sya, minsan naman lutang at kpop fans sya di ko nga alam yung mga pinagbabanggit nyang crush nya e at minsan na din naming nahulihan ng isang kpop na half naked na sobrang gwapo pero picture lng sa iphone nya. Matinong bata sana sya pero nung napasama sa grupo namin naging madaldal at medyo greenminded nadin .
Ang katabi naman ni Leklek ay si Mariel isa sa pinaka greenminded sa grupo namin na kasalukuyang nagsi selfie . Ewan ko bakung bakit mahilig mag selpi to . Maikli buhok nya isa sa mga kpop fans din . Kpop din pormahan nya . Maganda, matangos ilong, sobrang daldal, masayahin at higit sa lahat naughty ang babaeng eto .
Katabi naman ni Mariel ay si Batchie . Isa din sa pinaka green minded sa grupo . Maingay lalo na ag nakakakita ng kpop na nakahubad at pag topic ay green . Mataba, chubby, flappy, malusog yan si Batchie noon pero medyo sexy na sya ngayon. Nag eextra rice lagi pag galit. Maputi, has a pointed nose, long and wavy hair at average lng din ang height.
"Malapit na daw si May. " Sabi naman ni Grace . Ang pangalawang Grace sa grupo namin . Eto hindi kpop . Mahilig sa OPM idol si Sam Conception. Green Minded din, masayahing bata, medyo matangkad lng ng konti kay aling maliit.