Chapter 2
Her Pov.
"The one who got the highest score in main dish is no other than, Hermosa," anunsyo ni Chef Anderson.
Yessssss! Napatalon ako sa saya! I got the highest score again! Pero 'di pa ako puwedeng mag-react, mamaya pa. Napansin ko namang lumingon sa akin si Tina, my bestfriend. May sinabi siya pero walang boses, pero dahil were super bestfriends ay naintindihan ko iyon. She's already congratulating me.
As you see sa reaction ko, yes I am Joey Jane Hermosa, nineteen years old, graduating ng Culinary Arts. Makikilala n'yo pa ako sa mga susunod na chapters, kaya maghinay-hinay lang.
Nasundan pa ang announcement ni Sir kaya humalukipkip lang muna ako.
"Hermosa and Dividad got the same score in the dessert." I smiled to Jovie, we have the same grade. Nakita ko siyang lumingon at ngumiti rin.
"And the group who got the highest score is, the group of Hermosa. Congratulation!"
Kaagad na nagwala ang mga kaklase at kagrupo ko. Dahil tapos na ang announcement, puwede na kaming mag-react.
"Guys! Maghinay-hinay lang. Congratulations sa inyong lahat! You may now go. Dismiss." Umalis na si Sir pagkasbi niya niyon, pero siyempre hindi naman nakinig ang mga kagrupo ko, patuloy pa rin kami sa pagdiriwang.
"Yey! Dahil diyan, let's go! Party time!" Ngumiti ng nakakasilaw si Tina.
"Hayyyyyy! Ano pa nga ba? Tara na't may bagong bukas na bar sa makati," sabi ni Kevin, ang my lihim na pagkagusto kay Tina pero bawal dahil ayaw ni Tina sa salitang commitment.
"Tara na guys, lets party!" anunsyo ni Stef, ang isa sa barkada ko.
Napagdisisyonan nilang magkita-kita sa makati ng 6PM.
***
"Where are you going?" walang lingon-lingon na tanong ng kapatid kong si Alex Miguel Hermosa. Hindii ko siya biological brother pero mahal na mahal ko 'yan. Anak siya ni Papa, not my biological father.
"Hoy! Where are you going?!" at doon ko na siya nilingon habang naka kunot ang noo.
"Hmmmm...ano...sa bar?" lalong kumunot ang noo niya.
"NO."
"Kuya!"
Tumaw siya "I'm just kidding, Sis. Go, lumayas ka na't baka magbago pa ang isip ko. 10PM curfew mo. 'Wag magpakalasing, call me if there's any problem, got it?" Mga bilin niya talaga ang dami.
"Opo, opo, Kuya. Bye." I kissed him, siyempre sa pisngi lang. Kaagad akong tumakbo patungo sa kotse ko. Aba, mamaya magbago isip niya.
***
*If you go hard you gotta get on the floor
If you're a party freak then step on the floor
If you're an animal then tear up the floor
Break a sweat on the floor
Yeah we work on the floor
Don’t stop keep it moving
Put your drinks up
Pick your body up and drop it on the floor
Let the rhythm change your world on the floor
You know we’re running shit tonight on the floor*
'Yan ang kantang naabutan kong tinutugtog ng DJ dito sa bar na pinuntahan namin. Maaga pa pero madami nang tao tulad ng inaasahan naming opening kaya dinudumog. Kaagad kong kinuha ang phone ko para malaman ko kaagad kung nasaan ang mga kaibigan ko. Mabuti na lang at nag-reply agad si Stef, kahit mukang busy na ang lahat sa kanya-kanyang night life nila.
Kaagad akong lumakad papunta sa puwesto nila at tulad ng inaasahan, si Stef, Nicolai, at Andrew lang ang nandito.
"Ang tagal mo, kanina ka pa namin inaantay," nakasimangot na sabi ni nicolai.
"Oh! Sorry, my brother's fault. Hinarang niya 'ko, akala ko nga hindi na niya ako papayagan," sabi ko at umupo katabi si Stef.
Kaagad akong niyakap ni Stef. "Hmmmm...I like your perfume...sweet." at doon ko napagtantong lasing si Stef. Anak ng putcha! Bakit ako rito umupo!
"Hoy! Bakit lasing agad 'to? Anong ginawa n'yo?"
"I dont know, ganyan na 'yan nang maabutan namin. I think someone drugged her. Hayun, ang dahilan why were still here waiting for you. Pero dahil nandito ka na," Andrew said and stand up ang carry Stef. "We need to go home. Her father will surely kill me if anything happen to her." Tuluyan na siyang umalis. Nilingon ko naman si Nicolai na kinalabit ako.
"Sis! Alis na ko, ha? I need to make my own night life, you know!" smile sabay kindat niya.
Naiiling na tinanguan ko na lang siya. Napa-facepalm na lang ako. Mag-isa lang ako ngayon dito sa table namin.
Inilibot ko ang mga mata ko. I think I need to go to the comfort room.
Kaagad kong binuksan ang pinto at pumasok sa comfort room, pero nabigla ako sa nakita. There he is, my boyfriend having sex with Sofia, the girl I hated the most. Hindi ko kinaya ang mga nakita ko. Hindi ako agad nakakilos sa kinatatayuan ko hanggang sa napansin na nila ang presensya ko.
"Joey?" tawag sa akin ni Joseph, ang boyfriend ko.
"Walang-hiya kayo! Ang landi mo talagang babae ka! Hayop ka talaga 'no! Ang kapal ng pagmumukha mo!" Pilit kong inaabot ang ulo niya para masabunutan.
"Tama na Joey! Nasasaktan na si Sofie!" pigil sa akin ni Joseph. Kung kanina ay hinaharang niya lang ako, ngayon ay nagawa niya na akong itulak. Malakas iyon kaya halos ma-out of balance ako at napalayo. Ang galit na nararamdaman ko kanina ay parang nawala, napalitan iyon ng sakit na hindi maipaliwanag, habang gulat at hindi makapaniwalang nakatingin ako sa kaniya.
"Hindi ko kasalanang nagsasawa na siya sa 'yo, Joey! Ni hindi ka manlang niya mahawakan o mahalikan, kaya mas pinili niya ako kaysa sa 'yo. I'm better than you, Joey!"
Doon na ako natauhan. "No, Sofie. I'm better than you dahil madali ka niyang nakuha. Malandi ka kasi, ang baboy ninyo pa. Bagay nga kayo!"
Lumabas na ako ng comfort room. Hindi ko ininda ang pagtulo ng mga luha ko. Kaagad akong pumunta sa counter ng bar at walang padadalawang-isip na uminom. I want to forget. I hate this feeling.
