CHAPTER 5: The Preparation

2.1K 62 0
                                    

Chapter 5

Joey's Pov

Feeling ko mababaliw na ako kakatitig sa chart na ito. Anak ng tipaklong naman oh! Sigurado ba silang magkakaibigan sila? Bakit magkakaiba sila ng mga trip na pagkain.  Tsk! Mukhang pahirapan 'to ah! I tried to contact Stef and Tina pero mukhang busy rin mag-eksperimento ang mga 'yon. I tried to call Andrew pero nakapatay rin ang phone. Si Nicolai rin, cannot be reach.

"Haaaayyyyyy!" buntong-hininga ko habang nakaupo rito sa kusina.

"Ang laki ata ng problema natin ngayon, Princess?" tanong ni Kuya na kumuha ng juice sa ref.

"I can't think straight! I need to make one dish na magugustuhan nilang lima, but the hell, Kuya! Wala manlang silang pagkakapareho! Ang sabi magkakabarkada sila since High school, pero grabeng magkakabarkada 'to magkakaiba ng gusto," busangot na sabi ko sa kanya.

"Alam mo Sis, hindi por que magkakaiba sila ng trip na pagkain, ibig sabihin ay magkakaiba na sila ng taste. As what you said, magkakabarkada sila, meaning may pagkakapareho sila. Try to find it, Sis. I'm sure nandyan din ang sagot, hindi mo lang makita kasi masyadong halata, sa sobrang halata hindi kapansin-pansin," he smiled at me sabay tapik sa balikat ko at pumunta na sa living room.

Napatitig ako sa kanya at napaisip. Agad kong kinuha ang chart at binasa ko ulit then poof! I got it. I think napansin na 'to ni Kuya kaya clue lang ang sinabi niya.

Agad akong tumakbo paakyat ng kuwarto. Kinuha ko ang bag ko at  tumakbo pababa.

"Kuya!" tumalon ako sa likod niya and hug him, sabay kiss him sa pisngi! Nagulat yata siya sa biglang pagtalon ko sa likod niya.

"Geez  Joey!" saway sa akin ni Kuya.

"Chill, Kuya! I just want to say thank you for giving ideas!" he rolled his eyes.

"Stop laughing, Gab! " he said. Doon ako napalingon sa laptop niya. Ate Gab, future wife ni Kuya.

"Oh, hi there Ate Gab!" kaway ko.

"You really should see his face nang sakyan mo siya, Jo," tawa niya pa rin.

" Oh! Ate you really need to go home soon I'll make you a dessert na ipagpapalit mo kay Kuya!"

"Joey, shut up!"

"Oh Babe, dont worry. Kahit gaano pa kasarap magluto si Joey, mas masarap ka pa rin," she wink to Kuya. At ang Kuya ko nangamatis naman.

"Kadiri kayo," sabi ko at nagkunwaring nasusuka.

Tiningnan naman ako ng masama ni Kuya habang si Ate Gab ay tumatawa pa rin. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako, medyo marami na akong minuto na nasayang.

Kinuha ko na ang car key ko at kaagad sumakay sa kotse ko. Hindi uso ang gate sa subdivision namin kaya wala akong problema.

I'm going to Trigon Supermarket, doon ay kompleto lahat lahat ng kailangan ko. Everything about cooking and baking is there kaya perfect place iyon para sa akin.

After 30 minutes ay nakarating na ko sa Trigon. Pero hindi muna ako namili, kailangan ko muna i-sure ang mga kailangan ko. Buti na lang uso ang wifi rito na walang password. I searched for the ingredients I need. I already order 1 frappe and cake. After an hour I got everything I need. Kaagad na akong pumasok sa supermarket.

I want everything to be perfect. I want to make the best dish. Naalala ko nanaman ang pinag-usapan namin nina Tina after i-announce ang tungkol sa presentation.

"Did you heard the news?" hinihingal na sabi ni Nicolai.

"What news?" tanong ni Andrew.

"Naka-post sa bulletin board na kung sino man ang mag-top 3 ay kukuning chef ni Mr. King para sa King's Palace na mag-o-open next year dito sa Pilipinas!" Nicolai said.

"Teka teka! You mean King's Palace like in Jeju Island???! " exagerated na tanong ni Stef.

"OO!" sigaw na sabi ni Nicolai.

"Ohmygashhh! Shit! shit! That is so fancy, you know!" sabi ni Tina.

King's Palace, ngayon ko lang sya narinig pero base sa reaction nila mukhang big time iyon.

"Kelan pa nagkaroon ng hari ang Pilipinas?" at doon ko naagaw ang pansin nilang lahat.

"Syete ka, Joey!" 'di makapaniwalang sabi ni Stef

"Seriously, Jo?" baling sa akin ni Nicolai

"Iba ka talaga Joey Jane! Busy ka kasi sa mga barko, hayan tuloy puro sa dagat ang alam mo," tawa ni Andrew.

" Joey, King' s Palace is known as one of the Beach Resort in the world. They have the best Hotel Room, best place ever. And the Resturant is great. I heard that Chef Anderson will be the one who manage the resturants there," paliwanag ni Tina.

"Maraming nangangarap makapagtrabaho sa mga King's. Kahit ikaw pangarap mo din maging trabahador ng King's. Remember the King's Vladimir Ship 'yong pangarap mong barko? Sila ang may-ari no'n."

Grabe talaga, hanggang ngayon I can't believe na 'yong ipagluluto ko ay siyang may-ari ng Vladimir Ship.

I need to give my best para magka-chance akong makatungtong sa Vladimir.

Lahat sila naghahanda kaya hidi ako puwedeng magpatalo.

Tomorrow will be the most awaited day for our batch.

***

Alduine's Pov

"Mr. Fernandez got the highest grade in your batch. Congratulations, guys. And tomorrows batch will be the Sincerity Class. You may now go," anunsyo ni Daniel.

"Wow, I'm full!" that's Kyle.

"Shh, Kyle." suway ni Dr. Alfred.

"In fairness, the best talaga ang mga studyante mo Daniel," Andrew said.

"How about you, Alduine? I saw the grade you gave to Ms. Natividad. Why did you gave her 83? This is the first time she got that low," Daniel asked.

"She prepared Crab," I painly replay to him.

"Because its your favorite," Kyle said.

"That's the point. It's my favorite. Hindi niya ako masusuhulan ng masarap na crab niya para bigyan siya ng mataas na grade. Napansin ko lang lahat na lahat ng nai-served sa akin, sa atin ay puro mga paborito nating pagkain. Hindi man lang nila naisip na isa sa atin ay alergic sa crab.  Kaya I want something na hindi papabor sa paborito ko kundi pati sa ating lima," mahaba at seryosong sabi ko.

"Thats great, Alduine. Isa ka nga talagang bussinessman at hindi tulad ng isa diyan na puro sarap ang iniintindi," daniel said.

"Hoy! Masarap naman kasi talaga, kaysa sa isa diyan, kesyo hindi healty-- sobrang tamis nakaka-diabetis," litanya naman ni Kyle.

"Shut up, Kyle! I just want to make sure it will be balance," sagot naman ni Alfred

"Sakit talaga kayo sa ulo. But well, tomorrow will be the last day, right?" tanong ni Andrew kay Daniel.

"Yeah! And tomorrow my batch will be the best! " pagmamalaki ni Daniel

"We hope so!" sabi naman namin ng sabay-sabay, at nagtawanan.

.....

The BACHELORS: CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon