CHAPTER 6: The Finals: Part 1

1.9K 71 2
                                        

Chapter 6

Joey's Pov

Nandito na kami sa kusina. 25 students kaming maglalaban-laban this day, habang lima naman kami nina Jovie, Andrea, Carolyn at Dennis ang magse-serve ng dish kay Mr. King. Kinakabahan na ako nang sobra sa hindi ko maintindihang dahilan. I'm ready and 101% prepared sa ihahanda ko.

Tahimik lang kami na naghihintay ni Andrew at  Joshua. Sila ang kasama ko sa isang linya. Tatlong tao ang magkakasama sa isang linya at swerte ko dahil tahimik silang naghihintay at makakapag-relax ako.

"Syet! Bakit gano'n, para silang hindi tao!"

"Ano ba, Stef! Calm down!" iritang saway ni Tina.

"Grabe, nakita mo rin 'yon 'di ba? Ang gwapo! Walang duda, barkada nga ni Sir ang mga iyon!" dugtong pa ni Stef.
Napapailing na lang si Tina sa mga kalinya niya.

"Oo nga, grabe! Sana talaga pumasa ko sa taste niya- I mean 'yong luto ko!"

"We can do this!" determinadong sang-ayon ni Nicolai.

Binabawi ko na ang sinabi ko, hindi pala ako makapag-relax sa inggay nila. Good luck nalang kay Tina.

Pero actually, nakatatakot din kalaban ang dalawang ito, matinik din sila sa pagluluto. Ganyan talaga sila pero kapag start na nagseseryoso na sila.

Tumunog na ang bell na hudyat ng malapit nang magsimula ang presentation, na siyang umagaw sa atensyon naming lahat.

"Good afternoon students. I am Chef Josifine, the one will guide you to this final presentation of yours," anunsyo nito sa speaker

"Bibigyan ko kayo ng dalawang oras para ihanda lahat ng napili n'yong dishes. After the given time, ang unang ipapatikim ay ang dish para sa 'Taste of the Group' which is dapat pumasa sa panlasa ng lima. The next judgement will be the 'Five Presentor. Ang bawat isa sa inyo ay may binunot na pangalan, at the first five will be the five who pick Chef Anderson, next is to Engineer Detsus, Doctor Mogre, Lawyer Marquez and last but not the least to Mr. King. Good luck guys! Show them what you got. The two hours start now!"

Nagsimula na kaming kumilos lahat, tahimik at focus. Walang sumubok magsalita dahil seryoso lahat. Muling tumunog ang speaker.

"Oh guys bago ko makalimutan! Napapanood namin kayo, so be careful. Good luck!" huling paalala nito tsaka pinatay na nang tuluyan ang speaker.

***

Alduine's Pov

"Wow! sa tatlong naunang batch sila ang pinaka tahimik at pulido gumawa," bati ni Kyle.

"Dapat lang, estudyante ko sila kaya dapat galingan nila, prove me na may natututunan sila sa akin. Nasa batch nila ang magagaling, tulad ng sinabi ko kahapon ay batch nila ang pinaka hinihintay ng lahat," mahabang paliwanag ni Daniel

"Kaya mo sila hinuli para mas magkaroon ng trill?" balik na tanong ni Andrew.

"Sabagay, masyado silang tahimik at malinis gumawa. Lahat sila ay abala sa kanya-kanya nilang ginagawa. Focus at relax din ang muscles nila. Para bang hindi nila alam na pinanonood natin sila," komento naman ni Alfred.

"Ikaw Alduine, what can you say?" tanong ni Daniel. Kaagad namang napunta sa akin ang mata nilang apat.

Hindi ko na sila pinansin. At agad na tinanong si Daniel tungkol sa babaeng kanina ko pa pinagmamasdan.

"That girl in the middle of two boys, wearing a black chef dress. What's her name?"

"Oh! That's Ms. Hermosa, Joey Jane Hermosa. She is the best in their batch. Why?" sagot ni Daniel na may pagtataka.

Hindi ko pinansin ang tanong niya kung bakit. Kaagad kong binalik ang tingin ko sa babae. Hindi ako puwedeng magkamali. That girl is the same girl. Siya 'yong babaeng umalis nang walang paalam. Siya 'yong babaeng matagal ko nang binabalik-balikan sa bar, pero hindi ko na siya nakita roon.

Ang buong akala ko ay hindi ko na siya uli makikita. I don't know why, but I do really want to see her again. Pero hindi niya lang ako tinakasan matapos ng gabing may nangyari sa amin, mukhang tinaguan niya rin ako kaya hindi ko na siya mahagilap.

Ngayon nakita ko na siya, kailangan na namin makapag-usap. I'll make sure na wala na siyang takas sa akin.

The BACHELORS: CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon