CHAPTER 4: The Announcement

2.3K 63 0
                                        

Chapter 4

Joey's Pov

Isang buwan na ang nakararaan matapos ng gabi na isinuko ko ang virginity ko sa isang estranghero na lalaki. Wala akong matandaan pagkagising ko. Nagulat na lang ako nang hubad  akong nakahiga sa tabi ng isang guwapong nilalang. Mahimbing ang tulog niya kaya naman hindi niya ako napansin na nagising, so I sneaked out.

Hindi man biro ang nawala sa akin, mas hindi naman biro na ibinigay ko iyon sa hindi ko kilalang lalaki. His handsome face shouldn't made me forger that it's wrong. For God sake! Isang taon akong hindi nagpagalaw kay Joseph, then in just one snapped, I gave in. Damn!

Matino pa naman akong babae kahit na na-heartbroken ako, na wala lang sa sarili noong gabing iyon. Lasing ako! At kahit wala akong maalala ay alam ko pa rin na walang namwersa sa akin. Wala masakit sa akin, bukod sa pagkababae ko. I know that no one's forced me. Much worst, kasi wala akong masisi sa katangahan ko.

In whole month, wala akong pinagsabihan ng nangyari. Takot ko na lang na masapok ako ng mga kaibigan ko, for having a one hot night with a stranger, or for running away from him?

Yes, I ran away. Right after that night ay hindi na kami nagkita. Nang takasan ko siya noong umagang iyon ay hindi na ako bumalik sa bar o sa village kung saan ako nagising. Yes, I woke up in a manly room, a big private house.

I'm not good at one night stand, because duh! That was my first time having one, kaya naman ayoko na siyang makita dahil hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin, at paano aakto na parang walang nangyari.

"Joey!"

Pero minsan napapaisip din ako kung hinanap niya kaya ako? I mean-- I don't wanna expect anything from him, pero para kasing hanggang ngayon ay naririnig ko ang boses niya. Sigurado kong gusto niya akong makausap. I'm not sure for what, pero alam ko hindi panaginip lang iyon.

Ako inaamin ko, gusto ko siyang kalimutan na. But does he? Ano man ang sagot ay parang ayoko na rin malaman. Pakiramdam ko ay maari akong masaktan sa posibleng sagot. I mean, babae ako. I lost something part of me when we did it, pero sa kaniya ay wala. Sa aming dalawa ay mas madali para sa kaniyang kalimutan ang gabing iyon, for sure.

"Huy, Joey! Tulala ka!"

Halos mapapitlag ako nang sapuin ni Tina ang noo ko. Doon ako bumalik sa realidad ko at presensya. Damn! That was a month ago, bakit ko ba iyon iniisip ulit? Yeah, ulit. This isn't the first time na pumasok ang mga alaala at isiping iyon sa utak ko.

"What? Tina, hindi mo kailangang manggulat."

"Anong 'what ka diyan? Hindi kita ginulat, 'no! Lutang ka lang. Kanina pa kaya kita kinakausap."

Napakamot ako sa may batok ko. Hindi na ako magde-deny. Aware naman ako na malalim ang iniisip ko.

"Sorry na, may iniisip lang. Bakit ba?" patay malisya ko na lang. Kailangan ko rin naman ng pagbabalingan ng isip ko para hindi napupunta kung saan-saan.

"Tinatanong kasi kita kung anong plano mo? next week will be our last presentation for this sem, remember."

Ang tinutukoy niya ay presentation na para bang final exam. Kailangan namin makapasa para makapag-next sem kami.

"Wala pa akong naiisip. I think titingin muna 'ko sa internet ng recipe," baliwalang sagot ko.

Napatingin ko sa isa sa block mates namin nang bigla itong sumingit sa usapan namin ni Tina.

"OMG! Alam n'yo bang The Bachelors ang magiging judge natin?"

The bachelors?

"Sino naman iyon?" tanong ni Stef.

"Gosh! 'di mo kilala iyon? Naku girl, sila lang naman ang limang magkakaibigang pinaka mayayaman at sikat sa iba't-ibang larangan ng karera! At ang gaguwapo pa! Higit sa lahat, single pa."

"Gaga, 'di ba kinasal na last month iyong isa?" tanong ng isa sa tsismosa naming block mate.

"Gaga ka rin, huli ka na sa balita! Hindi natuloy iyong kasal. Umurong daw 'yong babae at hindi pa sure kung matutuloy pa. Malay mo kapag nakita niya ako next week, tuluyan nang hindi matuloy," may pagnanasang sabi ng isa.

"Asa ka, Sis! sa akin mai-inlove 'yon!"

Dahil sa kadaldalan nila ay na-curious na rin ako. Ganoon ba ako kawalang pakialam sa social media at wala akong kaalam-alam sa lalaking pinagkakaabalahan nila?

"Good afternoon, class!" bati ni Sir/Chef Anderson. "I think all of you already heard the news about 'who will be the judge this time for your presentation. The Bachelors will be your judge. It means isa ako sa mag-ju-judge, along with my friends."

Napataas ang kilay ko. Isa siya sa The Bachelors? Kaya naman pala kilalang-kilala nila. Si Sir Anderson ay sikat na sikat din dito sa school. Lahat yata ng students ay nangangarap na magkagroon ng professor's affair sa kaniya kagaya ng mga nangyayari sa TV series o sa pelikula.

Unfortunately, I'm not one of them. Oo't nakakakilig ang ngiti at tingin niya. Guwapong-guwapo rin ako sa kaniya, well, who didn't? Sa gandang lalaki niya ay baka pati si Elsa sa Frozen ay makalimutan ang salitang 'You can't marry a man you just met!' kaso ako hindi. Hindi ako umaasa o naniniwala na may isang palaka na magpapakilala bilang Prince frog na kailangan kong halikan para bumalik siya sa pagiging tao. O hindi kaya ay isang prinsesa na magmamahal sa magnanakaw na may alagang unggoy ay at magic carpet. In reality, baka mas ma-inlove pa ako sa genie.

In short, hindi rin ako umaasa na isang katulad ni Sir Anderson ang pipili sa akin sa kabila ng napakaraming babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Lalo na kung iyong ibang members ng The Bachelors. Imposible.

"Give your best guys! matinik ang apat ko pang kaibigan, aniya at may I pinakitang isang jar na may lamang mga papel na may kulay. Nakapatong iyon sa desk niya. "Bubunot kayo rito ng pangalan, and pagkabunot ninyo, look at this chart, nandito lahat ng gusto at ayaw nila. Allergies and etc. This chart will be your guide to decide what meal you're going to prepare."

Isa-isa nga kaming nagsitayuan para bumunot.

"And students, make one dessert or meal that you're going to make for the five of us."

Nang makabunot ako ay kaagad ko itong binuksan.

"Fire Alduine King," bulong ko sa sarili ko.

"Sis! Siino nabunot mo? Sa akin si Alfred Lee Mogre. Ang sabi doon sa chart ay his a doctor. May-ari din siya ng hospital and he loves vegetables, " sabi ni Stef na kagaya ko ay hindi rin kilala ang the Bachelors,

"Ako nga si Kyle Micheal Detsus, Engineer. Wala naman siyang ayaw pero may allergy siya sa seafoods," sabi ni Tina.

"Ikaw? Sino sa 'yo?" tanong sa akin ni Andrew.

"Ikaw ba, sino?" balik kong tanong sa kaniya.

"Si Sir nabunot ko," busangot na sabi niya.

"Bakit parang ayaw mo?" natawa ako.

"Walang trill, e!"

"Fire Alduine King," sabi ko na lang na siyempre, wala rin silang idea kung sino iyon.

"Hays! Good luck sa atin."

Hindi nagtagal ay nag-dismissed na nga ang klase.

Tumayo na ako at kinuha ang dslr ko sa bag para kuhanan  'yong chart, para mas mapagplanuhan ko nang maayos ang preparation ko.

Fire Alduine King, nice name. Gwapo nga kaya 'to?

The BACHELORS: CEOMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon