CHAPTER 7: The Finals: Part 2

2K 76 0
                                    

Chapter 7

Alduine's Pov

Nakahiwalay kami sa room kung saan nagluluto ang mga studyante ni Daniel. Napapanood lang namin sila sa TV screen na nasa harap namin. Sa lahat ng batch sa kanila ko mas nakaramdam ng tensyon, sila rin ang pinaka tahimik at malinis gumalaw. Focus na focus sila sa ginagawa nila. Pero sa kanilang lahat ay nababalik pa rin ang atensyon ko kay Joey. Yes, Joey raw ang pangalan niya. She's great, mukhang matagal na rin niya itong ginagawa at sanay na sanay na siya.

"Kanina ka pa tahimik, Alduine. 'Wag mong pagpantasyahan ang studyante ko. I heard she is already commited." Doon naagaw ni Daniel sa akin ang atensyon ko.

"Are you sure?" balik kong tanong.

"I'm just kidding,"  sabi niya saka ibinalik ang atensyon sa TV, seryoso rin siya kagaya ng mga estudyante niya. Nasa TV na ang mga mata niya nang muli siyang magsalita. "Last month a week before their semi-finals, kinausap ko siya dahil sa pagbabago ng lasa ng mga luto niya. Napagkaalamanan kong kagagaling niya lang sa heartbreak."

"Really? Magabda siya, bakit naman siya iiwan ng boyfriend niya? Ang sabi mo rin siya ang pinakamagaling. What's wrong?" singit ni Kyle.

"Ang sabi niya, she saw her boyfriend having sex to another girl. Sa isang bar sa Makati."

Doon ako nagulat nang sabihin niya ang tungkol sa bar sa Makati. Hindi kaya that is the exact day nang nagkita kami?

"After talking to her, bumalik siya sa dati. Bumalik ang sarap niya magluto."

"Mukhang hindi ka lang chef at professor nila, mukhang adviser pa!" ani Andrew.

"Gago! Of course, I need to ask them. Nakakasira ng focus ang mga ganoong bagay. Sayang, talented pa siya."

"So, Alduine, masyado ka atang curious sa kanya at kanina mo pa siya pinagmamasdan. Tell us, who is she?" seryosong tanong ni Alfred na kanina pa tahimik.

"Tsk! How did you notice that?" nasa tono ko ang pagkamangha at pagkairita.

"I just know you well, Bro. Just spill it."

Hindi ako nagsalita, ngumisi lang ako na siyang alam kong magbibigay sa kanila ng clue.

"I smell something fishy."

"Not my student King, off-limits 'yan."

"Good luck, Bro. She's wearing black it means isa sya sa magpe-present sa 'yo."

"Mas good luck kay Joey, wala skong tiwala sa binabalak ni Alduine," komento ni Alfred.

"Hindi ko kontrolado ang estudyante ko, Alduine. Pero kaibigan kita, kaya ikaw ang pagsasabihan ko. Don't you date to do anything na ikasasakit ng ulo ko. Estudyante ko ang pinag-uusapan natin dito."

"I'll behave, Bro. I promise."

"Mas nakakatakot kapag may promised na."

Nagtawanan ang mga kaibigan ko na ikinailing ko na lang. Ibinalik ko ang paningin ko sa TV, saktong nag-focus ang camera sa makinis at medyo namumulang mukha ni Joey.

I can't wait to see her personally, again.

***

Joey's Pov

Nagsisimula na ang two hours. I need to focus.

Nilista ko ang mga kailangan ko sa board sa harapan ko.

Inayos ko lahat ng kakailanganin kong ingredients para sa dessert nilang apat. Matagal 'tong gawin at nanganagailangan na mas matagal na oras kaya inuna ko na ito.

After ko ito ilagay sa oven ay inayos ko na ang gagamitin ko para sa sauce ng pasta. Italian Tuna Pasta with dried tomatoes ang napili kong i-present kay Mr. King.

I know, baliw na yata ako at Tuna Fish ang ihahanda ko kung ang favorite niya ay seafood.  Pero I need to take the risk, puro seafood ang prine-prepare ng apat kong kalaban. I need to be unique.   While waiting, I already heard the oven. Its already cook. I still have 1 hour and 10 minutes, enough time para ma-i-set ko nang tama ang i-hahanda ko. Kaagad kong nilagay sa refrigerator ang cake then i-set the clock, 50 minutes para lumamig ito, sapat na iyon kahit papaano.

After kumulo ng sauce ay inilagay ko na ang steamed tuna para humalo na ang lasa nito sa sauce. Nilagyan na ng pampalasa ang pasta na ngayon ay kumukulo na rin.

After that inayos ko na ang pasta, nilagyan ko na ng sauce at nilagyan ng decoration. 20 minutes left ay tinangal ko na sa ref ang cheesecake, hiniwa ko na ito at inilagay sa isang rectangular plate katabi ng isang Expresso Coffee. Italian Expresso Coffee ang ginamit ko para mas masarap isabay sa matamis na pagkain.

After preparing, napansin ko na hindi lang pala ako ang double time kung kumilos. Shit! Two hours ay walang nagsasalita at nag-iingay, nakalimutan kong madami kaming naglalaban sa rank. Puro tunog lang ng mga gamit sa kusina ang maririnig.

"One minutes left," boses iyon ni Chef Josifine!

Hindi ako magkanda-ugagang lagyan ng caramel topping ang cheesecake ko, at nakita kong ganoon din ang iba sa kanilang mga dish.

"Hands up! The given time is over." Mabilis at sabay-sabay na kaming humakbang palayo sa mesa kung nasaan ang mga dish namin at nagtaas ng mga kamay. Thats the rule number 5 sa kusina na ito. We need to follow kung hindi mababatas kami. Kahit sinong tingnan sa amin ay makikitaan ng pagod, pero nandoon ang saya na natapos na ang two hours na katahimikan.

"First 5, white. Pumasok na kayo sa dining area."

Tahimik ang naging kilos ng mga naka-white na sumunod sa instructions galing sa speaker. Tahimik kaming naghintay. Kakaiba ang tensyon sa loob ng silid, para ano mang oras ay kakawala sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba.

After 10 minutes.

"Next 5, blue." Sa mga sumunod pang minuto ay ganoon ang naging proseso. Every 10 minutes ay tinatawag ang limang students na pare-pareho ang kulay.

Lalong lumundag ang puso ko nang na-realised kong ubos na ang kulay, tanging black color na lang. I'm one of those.

"Black, your turn now."

Kinuha na namin ang mga tray at nilagay sa rolling table. Nasa hulihan ako ng pila kaya hindi ko kaagad nakita ang mukha ng mga judge. Kaagad na kaming luminya ng diretso paharap sa limang judge.

Hindi ko inaasahan ang lalaking nasa harapan ko pag-angat ko ng aking mukha.

Fuck! I'm doomed! Kumabog ng malakas ang puso ko sa lalaking nakatingin nang seryoso sa akin.

The BACHELORS: CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon