Chapter 8
Joey's Pov
Pagka-angat ko ng aking ulo, isang greek god ang tumambad sa akin. Parang mas gumwapo pa siya sa paningin ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon, sa sobrang bilis parang kakapusin na ako ng hininga. Ako ang huling mag-pre-present dahil sa natalo ko sa bato bato peek naming lima sa may kusina. Hindi ko matangal ang tingin ko sa kanya, parang hinihigop niya ang lakas ko. Shit! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Nababaliw na ako.
Pero come to think of it! Shit! Si Fire Alduine King ang naka one night stand ko?! Swerte ba akong maituturing? Grabe, parang lalo akong kinabahan! Siguro dapat hindi ako magpahalata?
Tama kunwari ay hindi ko na siya naaalala. Kaya mo 'yan, Joey! Ikaw ata si Joey Jane Hermosa! Ang Rank 1 student!
Hindi ko napansin na turn ko na pala, kung hindi pa ako tinawag ni Chef Anderson.
"Next. Chef Hermosa. What kind of dish did you prepare?" tanong ni Sir. Actually sanay na ako makipag-usap kay Sir, pero parang naiilang ako ngayon dahil nakatitig na naman sa akin si Mr. King.
Huminga ko nang malalim bago magsalita. I need to focus. Bawal kabahan.
"Good morning, gentleman. I am Joey Jane Hermosa. I prepared Italian Creamy Cheese Cake with Caramel Toppings and Expresso Coffee at the side." ani ko habang iminumuwetra sa kanila ang dishes ko at nakatungo sa mga ito. Italian way ang ginagawa kong pagpapakilala sa dish ko, para mas maging appropriate.
"Well, then let us taste it." Nanigas ako sa boses na narinig ko at inangat agad ang ulo ko. Ang manly ng boses niya, parang lalo akong kinabahan. Nakita kong tinikman na nila ito.
"Ako na ang unang magsasalita. I like it. No! I love it! The sweetness of the caramel at the toppings and the creamy flavor of the cake gives balance to the bitterness of the coffee. Good Job Ms. Hermosa. I am really a fan of sweet foods. At hindi ito tulad ng iba na nakakasawa sa sobrang tamis," mahabang sabi ni Sir Detsus.
"T--hank you sir!"
'Yong isa naman ang nagsalita. "This is the first time that I will agree to Kyle," then he smile. "I'm not a fan of sweet food but I like it. The coffee was great with this cake. This is the first time I ate cake with coffee and I'm willing to try it again kung ikaw ang gagawa." He show his manly grin. Shit! Bakit ang gwapo?
"Thank you po, Sir"
"Its balance," dugtong pa niya. "You used a fresh milk and cheese. Am I right? Hindi ganoon kagarbo ang niluto mo pero you caught our attention, I can say with the looks ang taste that its healthy. At sa sinasabi nitong si Chef Anderson you used an organic and fresh ingredients. Mukhang pinag-isipan mo. GoodJob."
Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Kinikilig ako sa mga compliment ng doctor na ito. Nakakahiya, feeling ko ang pula ko na.
Tumungo ako at masaya ang aking pagkakangiti. "Thank you so much po."
"You really did a good job Ms. Hermosa. Masarap, healthy, balance, you made it. Your presentation is great. Its simple but elegant. Nice Job," Chef Anderson said. Yumuko ako at muling nagpasalamat.
Siya na lang ang hindi pa nagsasalita. Naghihintay na ako sa sasabihin niya nang bigla siyang nagsalita ng hindi ko inaasahan.
"Mamaya na ang komento ko," aniya at tumingin sa suot ko. Para akong niliyaban dahil sa ginawa niya. Shit!
"You're wearing a black uniform, it means ako ang magja-judge sa 'yo mamaya, then mamaya ko na rin sasabihin ang komento ko for this dessert." Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatitig ako sa kanya. Seryoso pa rin ang mukha niya tulad kanina.
