Haha. Continuation ng Chapter 9. Hehe. Short Update lng po to kasi maikli lng ung continuation.
DON'T BE A SILENT READER.
PLEASE COMMENT and VOTE. Fan. Like.Tweet
EnjoyReading!(:
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Boses ni Zyra yun ahh.
“Zyra!” sigaw ni Carl.
“Mauna na kayong dalawa. Ako na ang maghahanap sa kanya.” Sabi ko sa kanila
“Sige bro. Mag-ingat kayong dalawa.Charina, tara na.” Yakag nya kay Charina
“Pero si Bes.”
“Ako na bahala sa kanya.”
“Sige. Ingat ka.” Pagkasabi nila ay umalis na silang dalawa
Hinanap ko sya sa may gubat ng may makita akong tsinelas. Sa kanya to. Hinanap ko sya hanggang makakita ako ng butas at nakita ko sya dun. Nakalean lng sya sa knees nya habang umiiyak.
“Zyra, andito na ako. Wag ka na umiyak.” Sabi ko sa knya
“S-sino ka?*sobs*” tanong nya
“Ako to si Dj.” sagot ko
“Daniel?” bigla syang lumapit sa akin at niyakap ako
Ramdam ko sa pagkayakap nya ung panginginig at pagkatakot. Maya-maya bigla na lng syang nahimatay.
Binuhat ko sya ng pabridal style (A/N: Yung picture po nasa gilid. à)
Tapos may nakita akong familiar na bracelet kaya ibinulsa ko na lng. Pabalik na kami ng makita kong nasa may pintuan sila Ma’am, Charina at Carl.
“Daniel/Bes” sigaw ni Carl at Charina
“Daniel, ano ba ang nangyari?”tanong ni Ma’am
“Hindi ko rin po alam. Ma’am punta na lng po muna kami sa kwarto. Paki hatid na lng po ung first aid kit.” Sabi ko
“Sige. Paki-alagaan na lng muna sya.” Sabi ni ma’am
“Opo.” Pagkasabi ko ay tumaas na kami at inihiga ko sya sa kama. Walang tao sa kwarto nila kasi lahat sila nasa baba.
May sugat sya sa paa at ulo nya kaya kumuha ako ng bimpo at pinunasan ko sya. Biglang pumasok si Charina dala-dala ung 1st aid kit
“Daniel ohh.” Sabi nya sabay abot ng 1st aid kit.
“Kawawa naman si Bes.” Bulong nya
“Charina, may kaaway ba si Zyra?” tanong ko habang nilalagyan ng band-aid ung sugat nya
“Wala naman. Paano magkakaroon ng kaaway yan eh ang bait ng BFF ko” sagot nya. Oo nga naman ako lng naman ang kaaway ng babaeng to.
“Ahh ganun ba.” Sagot ko
“Sige Daniel.Kunin ko lng pagkain nyo at kumain na kayo.” Sabi nya sabay labas ng kwarto
Kawawa naman tong babaeng to. Ang dami daming sugat. Tsk.Tsk
After 15 mins. Nakabalik na si Charina na may dalang pagkain.
“Daniel, iwan ko muna kayo ha. Alagaan mo yan.” Sabi ni Charina.
“Aye Aye Captain.” Sabi ko sabay salute.Haha
“Hahaha. Sige. Babush!” at ayun lumabas na ulit sya.
Maya-maya gumising na rin si Zyra.
“D-daniel. Anong nangyari?” tanong nya
“Nalaglag ka kasi sa butas dun sa may gubat.” sabi ko sa kanya
“Ahh.I-ikaw ba ung nagligtas sa akin?” nahihiya nyang tanong
“Syempre. Ako yata si Batman.” Sagot ko
“T-thank you.” Sabi nya
“Ano ba talaga ang nangyari sayo?” tanong ko
End of POV
-
Zyra’s POV
“Ano ba talagang nangyari sayo?” tanong nya sa akin
“Ang naaalala ko lang ay ....
Flashback
Nung pupulutin ko na sana ung isang bagay na nakita bigla na lng may nagtakip sa bunganga ko tapos kinladkad nila ako. Di ko nakita kung sino ung kumaladkad sa akin kasi nalaglag ung glasses ko tapos anag namalayan ko na lng eh nilaglag nila ako sa butas.
End of Flashback
“Tsk.Tsk. Sa susunod kasi wag kanang lumayo sa amin. Kumain ka na nga.” Sabi nya. Aba,himala ata at naging concern tong lalaking to.
“Opo.” Sagot ko sa kanya.
Kakain na sana ako kaso di ko kayang mahawakan ung kutsara. Nanghihina pa rin kasi ako.
“Akin na nga. Subuan na kita. Ubusin mo to.” Sabi nya tapos sinubuan nya na ako.
Pagka-ubos ko ng pagkain. Kumain na muna sya at inihiga nya na ulit ako sa kama at kinumutan.
“Alam mo, para kang daddy ko.” Sabi ko na medyo nalulungkot. Miss ko na si Daddy :(
“Tss. Sige na magpahinga ka na. Tawagin na lng kita ulit kapag may gagawin na tayo.” Sabi nya
“Sige. Thank You ulit.” Sabi ko sa kanya
“Bye.” Sabay halik sa forehead ko at lumabas na ulit
Ba’t ganun yun? Pinabayaan ko na lng at natulog na lng ulit ako.
End of POV
Daniel’s POV
Walang malisya. Concern lng naman ako kay Zyra kasi nakikita ko sa kanya ung mga kapatid ko. Nasa America kasi sila kasama ang lolo ko. Meron pa akong kapatid. Dalawang babae. Sila ay si Magui at Carmela. Kahit makulit at pasaway ung dalawang yun di ko pa rin maiwasan na mamiss sila. Kaya ganun na lng ako kaconcern kay Zyra ok?!
Pagkabalik ko ng kwarto natulog na lng ulit ako. Nakakapagod. May activity pa ata kami mamaya. Hayyysss
End of POV
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Huwaaaaaa. Ahihihi. Nakapag-update ako ng 2 chapters ngayong gabi. Gusto nyo magpadedicate? Post lng kayo sa message board ko o kaya comment nyo.
Tomorrow na lng po ulit ako magu-update ng Chapter 10.
Please Comment.Vote.Fan.Tweet.Like :">
-Cess
BINABASA MO ANG
Magic Of Love <3 [Revising]
FanfictionWill revise this story. Wag makulit. Read the last chapter for the author's beautiful note!