Chapter 18

1.1K 18 1
                                    

Dedicated to @akosilenpot. Eh kasi maganda si Ate Len! Hahaha. :")) Walang aangal ! :) Okay. Namimiss na kita ate! Read her stories! Specially LOVING YOU FOR NO REASON at THE REASON IS YOU! The best! Promise! :)) Di magbasa! Panget! Hahaah. Peace ^^

Okay. Kapag natype ko na ung chapter 20 i-update ko na ung 19. Haha. God Bless and Enjoy Reading. :) Sorry sa mga wrong grammar and spelling. Na-oauto correct eh. -_-

PS: I'll post the next Chapter tomorrow. :*

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Zyra’s POV

Pagkalabas ko ng hospital pumasok na rin ako. Syempredi ko naman pwede pabayaan studies ko. Pero ARGGGGHH! Nakakainis naman tong paa na to. Pinagtitinginan nanaman ako sa school dahil sa paa ko na may doddle.. Pero ang daming naswesweetan kasi napakathoughtful daw ni Daniel. Meron kasing nakasulat sa may bandang likod na by: DANIEL REYES. Pero alam nyo ung nakakainis, sabi ng doctor after 2 weeks pa daw pwede tanggalin to. -_-

*prrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrt*

Ang ingay nanaman dito sa court.  Syempre may practice ulit pero excused sila at ako kasi sabi ni tita Arylle panuorin ko daw sila maglaro para incase na masali kami sa regional edi okay na daw ako.

“Bianca, magpahinga ka na muna. Pabayaan mo muna sila maglaro.” Iritang sabi ni Tita Arylle. Kanina ko pa rin napapansin na nakakunot na ang noo ni tita.

“Sorry po.” Pagkasabi nya ay umalis muna sya ng court at nagpatuloy naman sa paglalaro ung iba.

“15 mins. Break muna.” Saka ko lng napansin na tumigil sila.

Papalapit na sila sa bench kung saan ako naka-upo.

“Grabeee. Nakakapagod. Nasisira ang beauty ko.” sabi ni Charina sabay upo sa tabi ko at nagpupunas ng pawis.Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin na sumali si Charina sa volleyball kasama si Carl. Kinulit talaga nila si Ms. Verne (principal) na isali sila kasi nahihiwalay daw sila sa barkada. Ang drama nila no?

“Okay lng yan. Maganda ka pa rin naman.” Sabi ni Carl. Makapag-cheer up lng talaga kay Bes oh.

“Guys, may kukunin lng ako sa room tska bilhan ko na rin ng inumin tong unggoy na to. Pupunta kasi ng court walang tubig -_-“ sabi ko sa kanila. Naka-upo lng sa tabi ko si DJ habang nakapikit.

“Okay lng ako.” Sabi ni DJ habang tumtagaktak ung pawis nya.

“Hindi.” Sabi ko ng diretstuhan at tumayo na ako.

Magic Of Love <3 [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon