...para sa iba

3 0 0
                                    

Tulala pa rin ako pagkatapos ng ginawa nya. Hindi pa rin ako makapaniwalang kinantahan nya ko, hinarana baga. Grabe, grabe talaga....

"Hoy! Natulala ka na dyan, Ano, maganda ba? Nagustuhan mo ba?" sabi nya nang makalapit na sya sakin.

"Ha? Ah o-oo o-oo gr-grabe ang galing mo." nauutal kong sagot.

Naglakad na kami papasok ng bahay at umupo sa sofa. Niyapos nya yung gitara tapos tumingala.

"Haaaay, kelan nya kaya ko sasagutin? Ako na siguro ang pinakamasayang tao kapag dumating yung araw na 'yun." ANG SAKIT. Tsss. Oo na, kinantahan nya nga ko, pero hindi yun para sakin. Para yun sa babaeng gusto nya, sa babaeng MAHAL NIYA DAW.

"Tsss. Tigilan mo na kaya 'yon!! Hindi ka na sasagutin nun." ako.

"Grabe ka naman magsalita!! Bestfriend kita, dapat sinusuportahan mo ko!!" sabi niya sabay palo sa braso ko.

"Aray ha, MASAKIT!! Eh totoo naman eh, hanap ka nalang ng iba!!" okay, oo na, double meaning yung MASAKIT ko. Hahahaha eh sa masakit naman kasi talaga eh :( </3

"Ewan ko sa'yo. Ang kulit mo. Sabi naman sa'yo, siya lang ang gusto ko. Siya lang ang mahal ko." sabi nya habang kumikinang ang mga mata, syempre hindi literal na kumikinang, basta ganun, parang kinikilig na ewan. Pwe ang corny kainis

"Napakacorny mo po. Ano bang ginagawa mo dito?! Nageskandalo ka pa sa labas. Baka sabihin ng mga kapitbahay namin hinaharana mo ko. Kadiri ka 5 pm nanghaharana eww ano kaya yun?" 

"Asa ka namang haharanahin kita!!" araaay ang sakit naman nun. "Eh kasi ano eh...Ahm...Hahaha..." nagpapapuppy-eyes pa ang loko, may hihilingin na naman to

"Ano ba yun leche tagal ha!!" kainis kasi parang alam ko na kung ano

"Eto na...patambaymunahanggang8pmtapossamahanmokokilatrixiehaharanahinkosiyamimiyapleasemoralsupportbestfriendnamankitaplsplshuhu" sabi nya nang sobrang bilis sabay ahwak sa braso ko.

"Ayoko nga!! Manghaharana ka tapos isasama mo pa ko?!  AYOKOOO!!!" mukha kayang tanga yun. Yung idea nyang isama ako, i mean. Ano yun tatayo ako sa gilid nya habang nanghaharana sya. Wtf iniimagine ko palang naaawkwardan na ko sa sitwasyon.

"Ah ah naman bestfriend pls :(( mahal mo naman ako eh." BOOM! Diyan nya ko lagi nadadali, sa mahal-mo-naman-ako-line nya...lagi nalang. Haay....

"Leche oo na, oo na! Mag-aayos lang ako sa kwarto. Kumain ka nalang, may miryenda dyan tapos manuod kang tv. Bahala ka sa buhay mo. Asar ka talaga." tumayo na ko para pumunta sa kwarto nang...

"Ayie ayie thank you bestfriend, the best ka talaga!!" binack hug nya ko, sobrang higpit ng yakap nya, hindi ko alam kung pano magrereact.

"Gago tigilan mo ko" minura ko nalang sya, hindi ko talaga alam eh. Huhu wrong move ba? Ayy bahala na nga, naglakad na ko papunta sa kwarto ko at sinara yung pinto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDS FOREVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon