Chapter 3

163 15 0
                                    

Ilang araw nadin lumipas at hindi na kami nagchat uli ni Drake. Ayaw ko din naman siya i chat baka sabihan niya kong desperada like? Hello?

Kakatapos lang namin mag lunch pero andito padin kami sa canteen. Ewan ko diyan kay Astrid.

"Beb, sino ba inaantay mo ha?" Tanong ko saknya habang yung kamay ko nasa baba ko at nakatingin sa kanya.

"Basta. Maiba nga tayo, napapansin ko, di mo na ata binabanggit si Zach? Move on na?"

"Move on? Hindi naging kami duuh? May feeling padin naman ako sakanya pero ayaw ko munang isipin sumasakit lang puso ko" sabay baling sa cellphone ko.

Actually hindi ko alam na alam kung may nararamdaman paba ako sakanya o wala na? Aish pati ako nalilito.

Habang nagfafacebook ako, hindi ko namalayang inistalk ko na pala si Drake.

Ashley Mariano with Drake Sarmiento
3 minutes ago

🖤
In a Relationship with Drake Sarmiento

Akin lang tong lalaking to! Mamatay na aagaw diyan! HAHAHAHAHAH harthart babe :')

Akin lang tong lalaking to! Mamatay na aagaw diyan! HAHAHAHAHAH harthart babe :')

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

You, chloe, Drake and 541 others likes this post

View previous comments

Drake: Iloveyou babe.~

Ashley: babe~ lesgo!

Patrick: shet may pumapatol pala sayo pre? Ingat ka miss hahaha ScreenShot!

Lenard: puta. 69 nayan! Hahahaha!

Lisah: SS
---
Tang.ngina. Parang bigla akong nainis! Arggh! Punyeta! Landian pa!

Drake Sarmiento with Ashley Mariano
1 minute ago

Walang aagaw dito. Akin to. Labyu babe ^3^

Felly, chloe and 169 others likes this post

Ashley: Iyong-iyo lang ako babe pero nakakaiyak talaga eh.

----
Punyeta talaga. Wala ba silang mga pasok? Tsk! Binaling ko nalang sa iba yung paningin ko kesa dun sa malandi!

"Beb tara na. Malapit na magsimula yung klase" tawag sakin ni Astrid kaya inilagay ko na sa bag ko ang cellphone saka tumayo.

Matapos ang klase pumunta kami ni Astrid sa Hallway para antayin yung sundo namin ng makita namin si Zach na papalapit samin.

"Ast, pasabi kay tita pumunta kayo sa bahay mamaya. Birthday ni Kaye" tumingin naman siya sakin saka ngumiti " Sama mo nadin siya kung gusto mo"

Shet! Shet! Shet! Nagwawala yung puso ko dahil sa ngiti niya! Puta. Baka marinig niya yung tibok ng puso ko shit!

"Sge insan. Sabihan ko nalang sina Mama and by the way, Samantha ka nga pala. Kilala mo naman siguro siya diba?" Sabi niya sabay tingin sakin ng may nakakalokong ngiti.

"Ofcourse" sabi niya sabay ngiti nanaman.

"Babe, let's go?" Napalingon naman kami kay Michelle ng bigla siyang kumapit sa braso ni Zach.

"Ah sge alis na kami" sabi ni Zach.

"Epal talaga" mahinang bulong ni Astrid. Kaya natawa nalang ako na medyo nainis din sa pagsingit ni Michelle.

------

Nasa bahay na ako at naghahanda ng para sa susuotin ko mamaya sa birthday ng kapatid ni Zach. Feeling ko kailangan ko maging maganda ngayong gabi para iwan ni Zach si Michelle. Charot. Hindi naman ako maninira ng relasyon.

Nag short lang ako at nag croptop then addidas na sapatos. Birthday lang naman tsaka konting make up lang.

Inantay ko nalang si Astrid sa sala at napagdisisyonan kong mag facebook muna.

763 New Friend Requests, 52 messages, 3674 notifications. Wew!

Scroll down lang ako ng scroll down ng biglang may nagmessage sakin.

Drake Sarmiento

7:25 pm
Drake: Hey babygirl!
✔️seen

Napangiti naman ako. Ewan ko ba.

Samantha: Hu u?

Samantha: dejoke lang. Hindi Babygirl
pangalan ko.
✔️seen

Drake: Musta na?
✔️seen

Samantha: maganda padin haha
✔️seen (after 5 minutes)

Drake: Alam ko naman na maganda ka talaga [/winks; bigyan mo nga ako mg chix.
✔️seen

Samantha: Chix? Eh? Diba may Girlfriend ka?
✔️seen

Drake: Haha wala. Trip lang namin ng
kaibigang babae ko yun.
✔️seen

Hindi ko alam kung bakit tuwang tuwa ang buong kaluluwa ko ng mabasa ko yun.

Samantha: ahh haha ganda ng trip niyo haha
✔️seen (after 8 minutes)

Drake: Hahaha ikaw nalang babe <3
✔️seen

Samantha: Lol haha
✔️seen

---

Hinintay kong magreply siya pero wala. Hindi siya nagreply, sineen niya lang ako. Hays. Hindi naman nga naman din kasi ka reply reply ang sagot ko.

Mayamaya dumating nadin si Astrid at pumunta na sa bahay nila Zach.

Inlove with Him [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon