Chapter 13

62 10 1
                                    

"Patrick nga pala" pakilala ng isa sa mga kaibigan ni Drake.

"Lenard naman" eto yung nagkapasa dahil daw kay Astrid.

"Jack" eto yung kanina pa tahimik.

Nasa cafeteria parin kami pero tapos ng kumain. Marami pa naman kaming oras.

"Drake, nag text si Kristine sakin. Bakit hindi mo daw sinasagot tawag niya" gusto kong lumingon pero parang may pumipigil sakin.

"Sabihin mo busy ako" yun lang ang narinig kong sabi ni Drake.

Busy? Busy siya sa lagay nayan. Napaghahalataan tong malanding to eh.

"Takte! Nasa school daw siya ngayon!" Natatarantang sabi ni Patrick kaya napalingon naman ako at saktong nakatingin si Drake sakin kaya napaiwas agad ako.

"Ano? Shit! Asan daw siya?" Dali dali namang tumayo si Drake.

Tumayo nadin yung mga kaibigan niya at hindi man lang sila nagpaalam. Bakit naman sila mag papaalam? Kaano ano ba namin sila? Tss.

"Nangyare dun?" Sabi ni Astrid na sumisipsip ng Juice.

"Aba malay ko! Andito daw yung girlfriend eh!"  Medyo may inis kong sabi.

"Ba't galit ka? Chilax ka lang" natatawa niyang sabi "Teka, girlfriend? Sino sakanila?" Dugtong niya.

"Edi sino pa? Si Drake"

"Ahh I smell something fishy" sabi niya ng nakangisi.

"Ano nanaman?"

"Wala naman" maang maangan niya.

"Tara na nga" sabi ko sabay tayo at bit-bit sa bag. Sumunod lang din naman si Astrid.

Nasa may hallway na kami may mga taong nakatingin malapit sa gate.

"Girlfriend bayan ni Drake?"

"Hindi naman maganda. Mas maganda pa ako eh"

"Mukhang malandi"

Ilan lang yan sa mga naririnig ko. Kaya tumingin ako sa may gate na madali ko din namang pinagsisihan. They are hugging each other. Parang pinunit yung puso ko. Umiwas ako ng tingin at dali daling pumasok sa room.

"Hey, pwede mokong pag sabihan" sabi ni Astrid kaya niyakap ko siya.

"Hindi ko napigilan ang sarili ko Ast" I admit. Mahal ko na siya. Nahulog na ako kahit alam ko namang hindi niya ako masasalo.

"I knew it!" Huminga ito ng malalim. "It's okay. Wag mong pigilan ang nararamdaman mo, dahil the more na pinipigilan mo yan, the more na masasaktan ka. Walang mali sa pagmamahal, nagiging mali lang ito kung binigay mo ang lahat at wala kang tinira para sa sarili mo." sabi niya habang niyayakap ako.


"Sorry nga pala dahil hindi na kami nakapag paalam kanina" sabi ni Drake.

Palabas na kami ng room dahil mag uuwian na.

"Hindi. Okay lang" si Astrid na ang sumagot dahil wala ako sa mood para kausapin siya.

Yes, nag iinarte ako kahit wala naman akong karapatan. Pero bakit ba? Nasasaktan ako. Kailangan ko munang idistansya ang sarili ko sakanya.

Nakaalis ako ng school na hindi iniimikan si Drake. Gaga kasi tong puso ko, kahit alam ng may girlfriend si Drake, nahulog padin.

Huminga ako ng malalim saka binuksan ang laptop ko. Nakatitig lang ako dito at nagdadalawang isip kung bubuksan ko ba o hindi.

Humiga muna ako sa kama at tumitig sa kisame habang inaalala ang naganap na yakapan kanina. Shit this!

Bumaba ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Naabutan ko naman si mommy na nagluluto ata ng panghapunan.

"Mom? Maaga ata kayo" sabi ko.

"Hindi ako pinapasok ng daddy mo. Ewan ko dun" sagot niya.

Tumango lang ako at bigla namang nag ring yung phone ko.

Zach? Ba't kaya to tumawag?

"Hello?"

[Hey! Nakauwi ka na?] tanong niya sa kabilang linya.

"Yup. Why?"

[Itetreat sana kita. Naalala mo paba yung sinabi ko sayo?]

"Sinabi?" Nagtatakang sabi ko.

Tumawa naman siya ng mahina

[Nevermind. You free tommorow?]

Napaisip naman ako. Bukas saturday. Wala naman ata akong gagawin.

"Yeah. Bakit?" Tanong ko.

[I'll tell you tommorow. Bye] bigla niyang binaba.

Hindi ko tuloy alam kung saan niya sasabihin. Bigla ba namang binaba. Bastos talaga tong Zach eh. Kidding.

"Who's that? Suiter o boyfriend?" sabi ni mommy.

"Just a friend mom" sabi ko.

"Good"

Nabigla naman ako sa sagot ni mommy. Good? Pinagbabawalan ba niya ako na magka boyfriend? Eh may naging suiter nanaman ako dati ah.

Binalewala ko nalang yun.


(A/N) Eto lang muna guys! Enjoy Reading. Labyu all sa mga nagbabasa <3

Inlove with Him [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon