Chapter 5

133 14 5
                                    

Saturday ngayon at walang pasok, obviously. Kaya pagising na pagising ko nag facebook agad ako.

Nag scroll down lang ako ng scroll down ng nay nahigip ang mata ko at hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot..

Drake Sarmiento with Kristine Marasigan
8 hours

So you're officially mine again babe. I love you

Chloe, Jack and 3.5k others likes this post
View Previous comments

Patrick: gagu walang forever! Pero bro, pano si Ms Love at First sight?

Jack: Uso papala ang second chance? HAHAHAHAHAHA mag bebreak din kay u ulol.

Drake: Patrick wag dito. Uso pm gago.

Drake: Jack, babe wag ka masyadong magselos. Ikaw padin naman yung mahal ko. Arat sogo!

Lenard: Akakala koba ako lang Drake? Ano to? T^T

Drake: Sorry babe, mapapatawad mo paba ako? T^T

---
Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Gusto kong malulungkot pero bakit? Hindi ko naman siya ka ano ano. At tsaka sino naman kaya yung si Ms Love at first sight? bago nanaman? Naku ang playboy talaga nito grrr.

Kilala ko yung Kristine eh, I mean kilala ko siya bilang Ex girlfriend ni Drake. Nung stinalk ko kasi si Drake, andun parin yung mga post niya tungkol kay Kristine and no wonder kung mahal pa nga niya. Pero, ba't ako nalulungkot? Hays.

Ni log out ko yung facebook ko dahil nawalan ako ng gana. Ewan bigla akong nawalan ng gana. Pero... Aish! Ano naman ngayon kung nagbalikan sila? Tss pake ko ba.

Ginulo ko ang buhok ko at humiga ulit sa kama ng biglang mag ring yung cellphone ko. Sinagot ko naman yon dahil si Astrid ang tumatawag.

[Beb! Mall tayo?] sabi niya sakabilang linya.

"Ngayon na? Ang aga pa"

[Anong maaga? Gaga past 11 na!]

Napatingin naman sa wall clock ng kwarto ko. Malapit na palang mag 12 pero inaantok padin ako.

"Sige maliligo lang ako"

[Okay bye. Sunduin nalang kita]

Inend ko na din yung tawag at nag simula ng pumasok sa banyo para maligo. Matapos kong maligo bumaba ako papuntang kusina at nadatnan ko naman si kuya don na kumakain.

"Kumain kana. Maagang umalis sina mommy" sabi ni kuya na pinaghila pa ako ng upoan.

"Naks gentleman? " natatawa kong sabi sakanya.

"Kailangan kong gawin to. Para may bagong sasakyan ako pag uwi nina mama" bulong niya na narinig ko.

Aba't! Kaya naman pala naging mabait eh tss.

"Walang hiya ka!" singhal ko sakanya. "Akala mo di ko narinig yun ah?"

"Peace sister! Teka, aalis ka?"

"Yup! May lakad kami ni Astrid." sbai ko habnag pinagpatuloy ang pagkain.

"Sasama ako."

"What? Girls-out to!" lumingon ako sakanya ng nakaisip ako ng pang-asar. "Pwera nalang kung bakla ka. Pwede kang sumama hehe"

Bigla namang nagsalubong ang mga kilay kilay. hahahha

"Hindi na ngalang ako sasama. Basta siguradohin mo lang na babae ang kasama mo."

"Heto nanaman po siya."Pinaikot ko ang mata ko.

Ever since padaw nung bata ako ay over protective na si Kuya sakin sabi nina Mommy at Daddy. Hindi ko kasi maalala ang mga nangyare dati. NI hindi ko nga nakilala sina Mommy at Daddy. Nabunngo daw kasi ako ng sasakyan nong 6 yearsold ako kaya ganun. Gustong maalala yun kaso kahit anong pilit ay imbis na maalala ko ay sumasakit lang ang ulo ko kaya pinayohan ako ng Doctor na wag ko daw munang pilitin ang sarili ko kaya tinigil ko na. Maaalala ko din yun for sure. Maybe sa tamang panahon.

Matapos kong kumain, nagsipilyo ako at saka pumunta sa sala para antayin si Astrid.

Bigla namang nag ring yung phone ko. Unknown number? Hmm sino kaya to.

"Hello?" Panimula ko

[Is this Samantha?]

ba't parang ang familiar ng boses niya? Hindi ko lang talaga mawari kung sino...

"Yeah speaking"

[This is Zach. Tinawagan ako ni Astrid at ako nadaw ang susundo sayo. Mauuna nadaw siya sa Mall]

Whuuut!? Biglang akong napaayos ng upo. Hindi ako mapakali.

"H-ha? S-sama ka?" Quit stuttering Sam! You look like an idiot!

[Let's just talk about it later. By the way nasa labas niyo na ako]

Inend ko naman yung call at dali daling lumabas ng bahay. Nakita ko naman siyang nakasandal sa sasakyan niya habang yung kamay nasa bulsa. Napatulala ako dahil sa kagwapohan niya. Buti payung Michelle nayun, boyfriend tong gwapitong to hays.

Nakay Zach na ata lahat eh. Gwapo, mabait, gentleman, mapagmahal at matalino. San ka pa? Baliw si Michelle kung papakawalan pa niya tong si Zach!

Bigla naman akong natauhan ng magsalita siya. "Let's go?" Nakangiti niyang sabi sakin habang pinagbubuksan ako ng pinto.

Ng nasa biyahe kami sobrang tahimik lang namin kahit isa walang nagsalita kaya nagsalita na ako.

"Ahm.. h-hindi ko alam na sasama ka pala" panimula ko. Sobrang awkward talaga. Lagot talaga sakin si Astrid mamaya!

"Ah about that. Tinawagan kasi niya ako kaninang umaga at nag aaya na magmamall daw, pumayag nalang ako since wala naman akong gagawin" paliwanag niya.

"Hindi ba kayo mag de-date ni Michelle?" Hindi ko napigilang hindi mag tanong. Bwesit na bunganga to!

"Date?" Natatawa niyang sabi pero halatang peke yun.

"Date. Example manonood kayo ng movie, mag gagala kayo, kakain kay--"

"Pfft. I know that hahaha" biglang sumingit si Zach. Alam naman pala niya yung date eh! "You're cute" dugtong niya na natatawa pa.

Natulala naman ako sa sinabi niya. C-cute daw ako?! Petengene! Hindi ko alam anong irereact ko!

Hindi ko naman namalayan naka park na pala kami sa parking lot ng mall. Hindi ko namalayan na nasa labas na pala si Zach at pinagbuksan ako ng pinto. Naiilang akong lumabas.

Pagpasok na pagpasok namin sa mall, pinutahan namin si Astrid sa isang Ice cream shop. Nakatalikod siya samin at... may kasama siyang lalake?

Tinawag naman ni Zack ang kanyang pinsan kaya napatingin din yung lalake. Napatakip naman ako sa king bibig dahil sa gulat ng malaman ko kung sino ang lalaking iyon.

-----

Inlove with Him [Slow-update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon